"Bukas na ang flight ko pabalik diyan," saad niya kau Lucy nang tawagan ang kaibigan. Nasa Maynila siya at naka stay siya sa isang hotel. Walang may alam kung saang hotel siya naka stay ngayon, kahit sa pamilya niya hindi niya sinabi. Mas mabuti na kasing walang makakaalam kung nasaan siya, baka kasi masundan pa siya ni Vince. "Buti naman at makakaalis ka na diyan," tugon ng kaibigan sa kabilang linya. "Sana naman iyan na talaga ang katapusan ng kabaliwan mong iyan Anisha,' saad pa nito. Alam niyang hindi sangayon ang kaibigan sa ginawa niya. Hindi nito nagustuhan ang pagsuko niya sa kanyang sarili kay Vince, para lang mapatunayan na inosente siya at siya ang nagsasabi ng totoo at hindi ang matapobreng ina ni Vince. "Ito na Lucy," tugon niya sa kaibigan. Kung noon nais nitong magbalik