"May problema ba Vince?" Malungkot na tanong sa kanya ni Mica. Kanina pa kasi siya nito sinusubukang paligayahin nito. Dalawang araw na lumipas mula ng umalis si Anisha sa ospital na pinagdalhan niya rito. Napatunayan niyang walang kinalaman ang Mama niya sa pag alis ni Anisha sa ospital. Nag request kasi siyang makita ang CCTV ng ospital at nakita niyang kusang umalis mag-isa si Anisha. Kung bakit nito ginawa ang bagay na iyon ay wala siyang idea. Malinaw naman kasi ang kanilang usapan na magiging mistress na niya ito hangga't gusto niya. Binigay na rin niya ang mga pinangako niya sa dalaga. Condo, kotse at allowance. May sunod pa nga sana siyang ibibigay kung hindi lang ito biglang umalis. Kung saan-saan na niya hinanap si Anisha. Ilang beses na rin siyang nakiusap sa Nanay nito na sab