"Marry me, Anisha at isasama ko na kayo ni Arkin pauwi ng San Nicolas," tugon sa kanya ni Vince. Napanganga siya sa sinabi nito at hindi sinasadyang natumba ang baso ng softdrinks na hawak niya. Napatili siya nang maramdaman sa dami ang malamig na sofrdrinks at yelo. "Anisha," tawag sa kanya ni Vince at mabilis siya nitong nilapitan para tulungan sa nabasa niyang damit. "Are you ok?' Tanong pa nito nang iabot sa kanya ng panyo para ipampunas sa damit niya. "Pakitignan muna si Arkin magbabanyo lang ako," paalam niya kay Vince. "Sige," tugon nito at mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo at lumakad na patungo sa banyo para linisin ang damit. Napaka clumsy kasi niya. Sino ba naman ang hindi magiging clumsy sa biglang pag proposed sa kanya ni Vince. Nasa fast food sila at wala sa isa