"Gag* ka din ano!" Saad sa kanya ni Kian nang istorbuhin na naman niya ang kaibigan para may makausap siya at ipaalam rito ang natuklasan niya sa Australia na anak nga niya ang batang sinasabi niya kay Kian na kahawig niya. "Paano naman ako naging gag*?" Tanong niya sa kaibigan habang nasa veranda siya at umiinom ng alak. Hindi naging maganda ang kinalabasan ng dinner nila ni Anisha kanina. Actually hindi naman talaga ganon dapat ang mangyayari sa dinner date nila ni Anisha. Ang nais talaga niya at magpaka sweet at gentleman kay Anisha, hindi naman niya inaasahan na mag-iiba ang kanyang mood nang makita ang lalaking nakita niyang kausap ni Anisha sa labas ng building ng mga ito. Nahanginan siya at nayabangan sa lalake at lalo siyang nainis sa lalake nang banggitin nito ang anak niya. Na