Chapter-50

2022 Words

Nagtaka pa siya kung bakit sa isang romantic restaurant siya dinala ni Vince, eh pag-uusapan lang naman nila kung paano ang magiging set up nila kay Arkin. Wala nga siyang idea kung kasama ba ni Vince ang asawa nitong si Mica na nagtungo ng Australia. Hindi kasi siya masyadong nag-uusisa, baka kasi isipin ni Vince na masyado siyang interesado sa personal nitong buhay. Ang tungkol lang kay Arkin ang dapat nilang pag-usapan. "Bakit dito pa tayo mag-uusap?" Hindi niya napigilang itanong nang alalayan pa siya nito paupo. Naupo naman ito sa katapat niyang upuan bago siya nito sinagot. "What wrong with this place? Maganda naman ito, hindi crowded and also balita ko masarap ang mga pagkain dito,' tugon sa kanya ni Vince. "Baka kasi may maka misinterpret sa atin pag nakita nila tayo," she said

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD