Hinayaan muna niyang mag bonding ang mag ama, para naman kay Arkin ito at hindi kay Vince. Nais niyang maging masaya ang anak, ngayon lang nito nakasama ang Daddy nito. "Are you ok?" Lucy asked habang nakaupo sila sa may kusina at kinakain ang malamig ng pizza na in order nito. Hindi kasi ito agad nakaakyat kanina dahil na rin kay Vince, binibigyan sila nito ng pagkakataon para magka-usap ni Vince. Hindi nga siya makapaniwala na ganon lang kadali niyang na amin kay Vince ang pagkakaroon nila nito ng anak. Takot na takot pa naman siya noon, at hindi malaman kung paano sasabihin kay Vince ang tungkol kay Arkin. Pero ngayon nagawa na niya at masaya siya, dahil nakilala na ni Arkin ang Daddy nito. "I am ok," tugon niya sa kaibigan at sinulyapan ito. Inalis muna ang mga mata kay Vince at Ark