"Sabihin mo sa akin Anisha, anak ko na ang batang iyon?" Tanong niya kay Anisha. Ilang beses na nga niyang tinanong pero wala pa rin siyang marinig na sagot mula sa dalaga. "He is Arkin," pakilala nito sa bata. "Arkin," ulit niya sa pangalan ng bata. Buti at maganda naman ang pinangalan nito sa bata. "Anak ko ba siya?' Mariing tanong niya rito habang hindi inaalis ang mga mga rito. Nakasuot pa ng ternong pajama si Anisha, magulo ang pagkakapusod ng buhok nito, wala itong make up sa mukha, kahit pulbo wala ito. Wala itong kaayos-ayos, pero ganoon pa man napakaganda pa rin nito sa paningin niya. Wala pa ring pinagbago ang ganda nito mula noong eighteen years old, panahong una niya itong minahal ng sobra. Wala pa ring pinagbago ang ganda nito, napaka natural pa rin at talagang napakaganda