Kabanata 2

1046 Words
Kabanata 2 Nakatingin lang ako sa mga folder at envelop na pagkakapal-kapal. Malakas ang kutob ko na wala ‘yon doon; na sinadya iyong ilagay roon. Kasi sino ba namang matinong tao ang maglalagay nang gano’n karaming files sa isang sulok at hindi pa naka-sort, ‘di ba? Pakiramdam ko’y sinadya, eh. Maya-maya pa’y bumalik na ang gwapong si Artem Plonder. Malamig siyang tumitig sa akin pero shet, ang hot! Those eyes—those mesmerizing, tantalizing, conversing eyes. Hindi ko ma-imagine na tinititigan ako ng mga matang ‘yon habang nasa ibabaw ko siya. Huy! “I thought I clearly instructed you to sort those files out?” kunot-noo niyang tanong sa akin. “Are you deaf or hindi ka lang nakakaintindi ng English?” tila may pang-iinsultong dagdag niya saka napailing pa kaya biglang naglaho ang fantasy ko. “Excuse me?” Tinaasan ko siya ng kilay. Aba’y kahit gwapo ‘to, hindi ko siya papayagang insultuhin ako, ‘no! Hindi niya ako pwedeng insultuhin. He can only talk dirty to me kapag nasa kama na kami. Hihi. Pinaningkitan ko siya ng mata. “Based on my job description, Mr. Plonder, I am hired to assist you with your meetings and personal matters. Sorting files is out of my job,” panlalaban ko. “At isa pa, I find it odd to see these files here. Hindi ba dapat sorted na ‘to ng nagdaang secretary?” Lumapit ako sa kanya nang hindi inaalis ang titig sa napakaganda niyang mga mata. Na para bang mapapabukaka ako nang wala sa oras. Pero siyempre, isinantabi ko muna ‘yon. Dahil kailangan kong ipakita sa kanya na hindi ako titiklop sa pagsusungit niya. Aba, hindi talaga pwedeng huminto dahil buhay ang nakasalalay rito, ‘no. Nakapirma na ako ng kontrata kaya hindi ako pwedeng pumalya. At isa pa, ito na ang pinakamadali at pinakamabilis na paraan para makalikom ako ng sapat na halagang kailangan ko. Kaya hinding-hindi ko ‘to aatrasan. Gagawin ko ang lahat para magawa ko ang pinapagawa sa akin ni Mr. Lolo Plonder. Lumapit ako nang lumapit sa kanya. “Stay where you are,” matigas niyang sabi sa akin. “Or what?” panghahamon ko at mas lumapit pa. Sinadya ko ring ipagyabang ang nagmumura kong hinaharap. At nang makita ko kung paano bumaba ang mga mata niya ay napangisi ako. Mga lalaki talaga. Ang daling— “Or I’ll call the guards to drag you out of this f*cking building,” matigas niyang sabi saka masamang tumingin sa akin. “You’re here as a secretary, not a freaking prostit*te,” dagdag niya saka ako nilagpasan. “P-Pros—ano?” “I know you’re trying to seduce me, woman. Hindi ako tanga para hindi mapansin ang mga ginagawa mo,” prangkang sabi niya sa akin. “Kung gagamitin mo lang naman ang katawan mo, then this is not the perfect workplace for you. Leave, and go to a f*cking club.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Medyo may sipa ang mga salita niya. Medyo masakit siya, ha! “I don’t know where did you get the idea that I am trying to sell my body to you, Mr. Plonder, pero mukhang masyado po yata kayong bilib sa sarili n’yo,” tugon ko. “To be fair, kung ibebenta ko rin naman ang sarili ko, hindi po ‘yon sa inyo. You’re not the type of man I’d sell my body to,” pang-iinsulto ko rin sa kanya. Siyempre, technique ko rin ‘yon para makuha ang atensyon niya. Kita ko ang pagtaas ng kilay niya saka siya tumingin sa akin. “Are you trying to insult me?” “Are you insulted?” “Of course not. Hindi rin naman ikaw ang tipo ng babaeng babayaran ko,” sagot niya. “And why do I even have to pay someone when I can just get any woman I want.” “Exactly, so give me your schedule and let me do my actual job, sir.” Ngumiti ako sa kanya saka inilahad ang aking kamay. “Masaya akong makatrabaho ka, Mr. Artem Plonder.” Hinintay kong tanggapin niya ang kamay ko pero tiningnan lang niya ito. “Let’s see if you can keep up with my work schedule, Ms. Pearson,” aniya. Mas lumapad ang ngisi ko dahil mukhang tanggap na niyang secretary na nga niya ako. “I will.” May tinawagan siya sa telepono. “Sandy, assist Ms. Pearson and orient her of her job,” aniya saka ako tiningnan. “What are you looking at? Alis at may gagawin pa ako,” pagsusungit niya. Nakangiti akong tumango. Pagtalikod ko ay siya namang pagpasok ng babaeng nasa labas kanina. So siya pala si Sandy. “Come with me, Ms. Pearson,” aniya at nakita ko pa ang pagtingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. Hindi ko na lang ‘yon pinansin at sumunod na lang sa kanya. --- NARRATOR’S POINT OF VIEW Nang makita ni Artem na nakalabas na si Kiley at Sandy ay doon na siya napabuga ng hangin. Pabagsak at lupaypay siyang naupo sa swivel chair. Doon na nanginig ang mga kamay niya. Naihilamos na lang niya ang mga palad dahil sa wakas ay hindi na niya kailangang magpanggap. Nanginginig ang mga tuhod niya, lalo na kanina nang lapitan siya nito nang pagkalapit-lapit at halos ibalandra na nito ang nagmumura sa laki nitong hinaharap. “She’s dangerous,” bulong niya at huminga nang malalim. “I have to find a way to cast her out. Hindi siya pwedeng magtagal dito,” dagdag niya. Kung kailangang pagsungitan at pahirapan niya ito ay gagawin niya. Wala na siyang pakialam pa kung mas sumama pa ang tingin ng mga tao sa kanya. He’d rather be labeled as a ‘devil’ than a ‘womanphobic’ man. Yes, ang devil billionaire na kinakatakutan ng lahat ay may sikretong tinatago—at ‘yon ay takot siya sa babae—sa magagandang babae. Nanghihina siya kapag may babaeng maganda. Natataranta. At ang tanging paraan lang para itago ang sikretong ‘yon ay ang maging masungit at malupit. Kaya isang malaking hamon kay Kiley na maisagawa ang plano niya. Dahil paano niya maaakit si Artem kung ang simpleng paglapit dito ay napakahirap na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD