Kabanata 1

1075 Words
Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Sinigurado kong pantay ang kilay ko. Soft girl lang ang atake ko ngayon with muted blush and soft, cherry red lips. Mayumi. Mahinhin. ‘Di makabasag pinggan—‘yan ang atake ko simula ngayon dahil hindi na ako magtatrabaho sa bar. Goodbye na sa pakarat na suot, hello sa pormal at demure na ako. Kinuha ko ang floral perfume ko para presko lang ang bango. Mala-rosas. Para kapag naamoy ako ng apo ni Mr. Plonder ay mai-imagine niya ang rosas ko—ang pink na pink at fresh na fresh kong rosas. Panigurado, maaakit ko ang bubuyog niya. Tiningnan kong muli ang picture ng apo niya. Napakagat ako ng labi. “Artem...” banggit ko sa pangalan niya. Kay ganda ng mata niya. Nangungusap. Napainosente. Iyong tipong magtatanong sa akin ng, “Does it hurt?” Napatili ako sa kwarto. Huminga ako nang malalim dahil excited na excited na akong simulan ang trabaho ko. Gosh, parang bonus na lang ang bayad sa akin ni Mr. Plonder, dahil kahit hindi niya ako bayaran, aakitin ko talaga ang apo niya. Aba, mukha pa lang, paldo na ako, ‘no! “Good morning, Mr. Plonder, I am your new secretary, Kiley Pearson,” practice ko sa pagpapakilala ko sa kanya mamaya. “It’s nice to finally meet you,” pa-sexy kong dagdag at nag-practice kung paano ko papaalugin ang mga melon ko kapag nag-handshake na kaming dalawa. “Perfect!” nakangiting sabi ko saka lumabas na ng kwarto. —— “Just in time,” bulong ko nang huminto ang grab car sa tapat ng napakatayog na gusali. Ngayon ko lang nalaman na sa mga Plonder pala ang gusaling ‘to. Nadadaanan ko lang ‘to dati, eh. Mukhang ito na talaga ang paldo moment ko. Binabayaran na ako para mang-akit, may tiyansa pang maging girlfriend ng CEO. Saan ka pa, ‘di ba? Nang makarating ako sa lobby ng building ay agad kong tinawagan si Atty Fred. Siya kasi ang sasama sa akin sa top floor para ipakilala ako sa apo ng boss niya. Prente akong nakaupo sa couch habang nakatingin lang sa cellphone ko, pero kahit na nakayuko ako ay pansin ko pa rin ang tingin sa akin ng iilang mga tao. Nang mag-angat ako ng tingin ay pansin ko ang tingin nila. At mas lalo pa silang napatingin nang dumating si Atty Fred. “Let’s go? Mr. Artem is waiting for you,” aniya at matamis akong nginitian. “Are you ready?” “More than ready, Atty,” sagot ko at kumpiyansang ngumiti. “I know. We’ve ran a background check on you, remember?” paalala niya sa akin. Napatango na lang ako. Ang dahilan pala kung bakit ako ang palaging bino-book ni Mr. Plonder ay dahil interesado na siya sa akin; na gusto na niya akong i-hire para akitin ang apo niya. Ang original na plano ay aakitin ko lang ang apo niya, pero nang malaman niyang may degree ako sa business administration, ay nagka-ideya siya na gawin na lang akong sekretarya ng apo niya habang inaakit ko ito. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang gawin akong secretary, pero okay na rin dahil may maidadagdag ako sa work experience ko kapag nag-apply na ako sa ibang kompanya. “Basta ang alalahanin mo lang, Miss Pearson, hindi ka na pwedeng umatras sa usapan,” sambit ni Atty nang makapasok kami sa elevator. “Tinanggap mo na ang paunang bayad, and you’ve signed the notarized contract. Unless you’re willing to pay the fines for breaching our contract, then you can stop.” “There’s no way I’d break the contract, Atty,” paninigurado ko sa kanya. “I’ll seduce that man no matter what,” dagdag ko. “That’s the spirit,” aniya at saktong bumukas ang pinto ng elevator. Bumungad sa amin ang malawak na hallway na nilatagan ng pulang carpet. Sa dulo ay naroon ang isang babae na may working desk. “Good morning, Sandy,” bati ni Atty sa kanya. “This is Kiley Pearson,” pagpapakilala niya sa akin. “The new secretary.” Kita ko kung paano ako pasadahan ng tingin ng babae saka siya plastik na ngumiti. “Ah, hello…” aniya at halatang hindi niya ako gusto. Plastikada. Ngumiti lang ako sa kanya dahil wala naman akong pakialam kung gusto niya ako o hindi. Hindi naman siya ang aakitin ko. Duh! Tumuloy na kami sa opisina ni Artem Plonder. Pagkabukas pa lang ng pinto ay agad ko na siyang nakita. Nakaupo siya sa swivel chair habang nakasuot ng pormal na itim na suit. Malinis na nakasuklay ang kanyang buhok. Nakayuko ito pero kita ko pa rin ang tungki ng kanyang ilong. At nang mapansin niyang may pumasok ay agad siyang nag-angat ng tingin, at doon ko nakita ang gwapo niyang mukha. Holyshet! Parang lumuluwag ang panty ko. Parang kusang bumababa! “Good morning, Mr. Artem. This is Kiley Pearson, your new secretary,” magalang na pagpapakilala ni Atty sa akin. Iyon ang senyas ko na lumapit sa kanya. Matamis akong ngumiti at inilahad ang kamay ko. “Good morning, Mr. Artem. It’s nice to meet you,” sambit ko at bahagyang yumuko para makita niya ang cleavage ko. Nanatili siyang nakatingin sa akin—blangko ang ekspresyon. Rinig ko ang mga uwak sa utak ko dahil sa mahabang katahimikan. Ang awkward! “I hope we can get along w—“ Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang bigla siyang tumayo. “Okay. You can start by sorting those files,” striktong sabi niya sabay turo ng napakaraming folders at envelopes sa gilid. “Make sure to sort them chronologically,” dagdag niya saka tumingin sa relo niya. “Get it done by 12:00NN,” pagpapatuloy nito saka ako dinaanan na para bang hindi niya napansin ang ganda ko at ang malulusog kong melon. “A-Ano ‘yon?” naibulalas ko na lang. Alanganing ngumiti sa akin si Atty. “I forgot to mention that he has quite the attitude,” pabulong niyang sabi. “He’s labeled as the “devil” in this company. So yes, your job is to seduce the devil.” Napanganga ako sa sinabi niya. “H-How can I do that? Nakita mo ba kung paano niya ako snob-in?” “That’s on you, Ms. Pearson. You have to figure out how to break his walls and seduce the chairman’s grandson.” Naloko na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD