Simula

1311 Words
Simula “Kyla, VIP Room #1,” sabi sa akin ng manager ng bar kung saan ako nagtatrabaho. “Paldo ka na naman ngayon, ha. Mukhang nakabingwit ka na ng premium customer sa wakas,” nakangising dagdag niya sabay kindat sa akin. “Huwag kang makakalimot.” Napangisi na rin ako sa sinabi niya. Pagkasabi pa lang niya ng room number alam ko nang si Mr. Plonder ang nag-book sa akin, kaya naman dali-dali akong nag-ayos. Kinulayan ko ng pulang-pula ang aking mga labi. Sinuot ko ang pinakamaiksi kong dress na singpula ng labi ko. Sa ikli ay halos sumilip na ang kaluluwa sa pagitan ng mga hita ko. “Humanka ka, Mr. Plonder,” bulong ko sa sarili ko. Hindi ako papayag na makatakas pa siya; na mapunta pa siya sa iba. Sa akin lang ang matandang ‘yon. Akin siya. Sisiguraduhin kong magiging sugar daddy ko siya. Kailangan. Kailangang-kailangan. Dahil kailangan ko ng mabilisang pera. Nang makontento ako sa suot ko ay nag-spray ako ng mamahaling pabango. Sinigurado kong matamis ang amoy nito. Sabi nga nila, pag matamis ang halimuyak ng bulaklak, naaakit ang bubuyog. Dalawang buwan na nang magkakilala kami ni Mr. Plonder. At bawat gabing bino-book niya ako ay higit pa sa bayad ko ang ibinibigay niya. Ang maganda pa roon ay wala kaming ibang ginagawa. Kinakausap niya lang ako. Nagtatanong lang siya ng kung ano-ano at sinasagot ko naman. Minsan pinapasayaw niya ako na ginagawa ko naman nang maayos. Sinubukan ko na rin siyang akitin pero hindi tumalab. Kaya sa isip ko, hindi sèx ang habol niya sa akin. Well, siyempre matanda na siya, ‘no. Baka mas may tiyansa pang tumigas ang ubo niya kaysa sa alaga niya. Siguro ang hinahanap na lang niya ay companionship. Kaya hindi rin ako nagpakita ng kahit na anong sekswal na motibo sa kanya dahil baka bumaba lang ang tingin niya sa akin. Sa paraan pa naman ng pagsasalita at pakikitungo niya sa akin ay mukhang mataas ang tingin niya sa akin at may respeto, at ayokong masira ‘yon. Baka ‘yon pala ang nagustuhan niya sa akin, ‘di ba? Huminto ako sa harap ng pinto ng VIP room kung nasaan siya. Huminga ako nang malalim saka kumatok at ngumiti nang matamis sabay pihit ng doorknob. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang maaliwalas na kwarto. Agad kong nakita si Mr. Plonder na nakaupo sa nakasanayan niyang pwesto. “Good evening, Mr—“ Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang mapansin kong may kasama siyang isa pang lalaki na tingin ko’y nasa 40’s pa lang. Bilugan ang tiyan at paubos na ang buhok sa gitna ng ulo nito. Pormal ang pananamit nito, nakasuot ng salamin, at may dalang itim na attaché case. Maayos ding nakasuklay paitaas ang kanyang buhok para takban ang tila kinalbong kagubatan sa ulo niya. “Sit down, Kyla,” malambing na sabi ni Mr. Plonder sa akin at tinapik ang espasyong katabi ng inuupuan niyang sofa. Nag-aalangan man ay umupo ako sa tabi niya. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kasama niya na kanina pa nakatitig sa akin. Oh my God, baka ito ang uutusan ni Mr. Plonder na kumarat sa akin! Baka naghanap siya ng proxy! “Calm down, Kyla. Halata sa mukha mong kabado ka,” natatawang sabi ng matanda sa akin. “Sino ba namang hindi, Mr. Plonder, eh, may dala ho kayong extra today,” pabiro kong tugon kahit na kabadong-kabado na ako. Tumawa lang ang matanda saka binalingan ang kasama niya. “What do you think?” Pinasadahan ako ng tingin ng lalaki. Kita ko kung paano niya sipatin ang katawan ko. Nagtagal pa ang mga mata niya sa dibdìb ko na para bang hinuhubaran niya ako. Oh my gosh! “She’s hot. Pwede na.” Nanindig ang balahibo ko. Hindi. Hindi pwede. Hindi ako magpapakarat sa kasama niya! Nakagat ko ang labi ko saka bumaling sa matanda. “A-Anong pwede na? Mr. Plonder, wala ‘to sa usapan natin, ha?” “Ang ano?” Mabilis kong itinuro ang lalaki. “I can’t make out with him. Sorry, pero kahit ‘wag n’yo na akong bayaran. Hinding-hindi po ako magpapakarat sa kanya!” Nagkaroon ng mahabang katahimikan matapos kong sabihin ‘yon. Pero binasag ito ng malakas na tawa ng matanda na umabot pa sa puntong inubo siya nang husto. Akala ko nga’y mai-stroke dahil biglang namula. Mabuti na lang at hindi. “This is why I like you, Kyla! I really made the right choice.” Nagpagting ang tainga ko at nag-peso sign ang aking mga mata sa narinig. Oh my gosh, heto na ba? “Oh, thank you, Mr. Plonder! I like you, too,” pagpatol ko. Heto na. Parang aalukin na yata akong maging sugar baby! “I have been observing you for the past few weeks and I could say you’re no ordinary girl,” panimula ng matanda habang seryosong nakatingin sa akin. Heto na ba? Baka hindi lang sugar baby ang magiging papel ko sa buhay niya. Baka asawa pa! Lord, alam kong mali, pero blessing na ‘to. Ibigay mo na sa akin, please! Magiging mabuti akong asawa. Magiging mabuti akong Mrs. Plonders! Kaya ko namang sikmurain. Hindi na rin naman yata magtatagal ‘tong matandang ‘to. “And I brought my attorney with me today to make you an offer…” dagdag nito. Agad akong napatingin sa kasama niya. Attorney pala! Napahiya tuloy ako sa kung anong naisip ko. “What offer?” tanong ko. Pilit kong pinigilan ang kasabikang nararamdaman ko. God, papaldo na ba ako? Heto na ba? “Kyla, do you like to be—“ “—your sugarbaby?” putol ko sa sinasabi niya. “Yes, Mr. Plonder. Yes!” “S-Sugarbaby?” kunot-noong tanong ng matanda. “Where did that come from?” “Ha?” Napatingin ako sa kanya. “Hindi ba ‘yon?” Muli itong natawa sa sinabi ko. Nahampas pa nito ang mesa saka napailing. “You’re funny!” Anong funny do’n, eh, ‘di naman ako nag-joke? Disappointed na nga ‘yong tao, eh! “Ano ba kasi ang iaalok mo, Mr. Plonder?” tanong ko. Tumingin siya sa attorney niya at sumenyas. Kasunod nito ay ang pagbigay sa akin ng isang brown envelope. “I’d like you to work for my grandson,” sabi niya sa akin. “I want you to be his secretary.” Kunot-noo akong tumingin sa kanya. “A-Ano? Why me?” “Because you’re the perfect woman for that job,” aniya saka siya tumingin nang seryoso sa akin. “At may isa ka pang gagawin…” “Ano po ‘yon?” “You will seduce my grandson.” “S-Seduce?” naguguluhan kong tanong. “Yes. Seduce. Akit. Make him drool over you,” dagdag pa nito. “Mr. Plonder, I…I appreciate the offer, pero may trabaho na po ako rito sa bar. And I think it’s paying me more decently than this secretarial job with extra service,” magalang na sagot ko sa kanya. “I’m sorry, but—“ Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang nakita ko ang nasa loob ng envelope. Namilog ang mga mata ko nang may makita akong mga dokumento. “How about that offer?” aniya saka niya inilabas ang cellphone niya sabay pakita sa akin ng mukha ng apo niya. “And this is my grandson that you will seduce…” Napatitig ako sa apo niya. Kung kanina ay naghugis pera ang mga mata ko, ngayon naman ay naghugis puso. Sheyt! Napakapogi. Napaka-hot! Mata pa lang luluwag na ang panty mo! Huminga ako nang malalim saka seryosong tumingin sa matanda. “Mr. Plonder, I am really sorry, but I…I don’t think I can wait for tomorrow. Gusto ko na pong magsimula—now na! Ilabas n’yo ang apo n’yong ‘yan!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD