Kabanata 4

1051 Words
Kiley’s Point of View “How was work so far?” tanong sa akin ni Lolo Plonder, este Mr. Gregory Plonder. Baka masanay ako at lolo na ang maitawag ko sa kanya. Nasa isang simpleng karinderya kami—isang ancestral house na ginawang kainan. Kasama namin si Atty. Fred. “Okay lang naman po, Mr. Greg. Medyo masungit pala ang apo n’yo, ‘no?” pagsusumbong ko. Natawa siya sa sinabi ko saka tumango. “Hindi lang medyo, kundi masungit talaga. Marami na ‘yang napaalis sa kompanya, at marami na ring may ayaw sa kanya,” sagot nito. “The board wants him out. But since they can’t deny his competence, wala silang magawa. My grandson is delivering good results for the company, kaya pinagtitiisan nila ang ugali nito.” “Ah…” Iyon na lang ang sinabi ko. Baka may masabi pa akong masama tungkol kay Artem. Apo niya pa rin ito kaya kailangang maingat pa rin ako. Hindi dapat sumobra ang aking mouth. “That’s why I needed your help,” sabi nito sa akin. “I think what my grandson needs is romance. Masyado siyang focused sa trabaho, and he has come to a point where he sees his employees as machines, not as people with feelings,” paliwanag niya sa akin. “And I think having him experience romance would let him see things differently. Maybe he just needs to feel those emotions himself. He just needs to be reminded that he’s also a human being with feelings.” “Well, kahit ano pa ang rason n’yo, gagawin ko pa rin ang trabaho ko,” sagot ko sa kanya at ngumiti. “Kailangan ko rin ng pera. And this job is perfect for that.” “Oh, now that reminds me of this…” May kinuha siyang folder sabay lapag sa mesa. “Read that when you get home, okay?” Tumango ako at inilagay sa bag ang ibinigay niya. Hindi ko alam kung ano ‘yon pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ‘yon sa kasunduan namin. “Now, what do you think of my grandson, may pag-asa ba na maakit mo siya?” Kumpiyansa akong ngumisi sa kanya at ipinilantik ang buhok ko. “Of course, Mr. Greg. Walang imposible sa babaeng may matinding pangangailangan!” Nag-posing ako sa harapan niya. “Medyo challenging lang kasi parang asong ulol ang apo n’yo. Lalapit pa lang ako parang mananakmal na, pero keri lang. Laban!” “That’s the spirit.” “Sige lang po, update ko kayo kapag may progress na. Pero for the meantime, pwede bang sabihin n’yo sa akin ang mga paborito ng apo n’yo? Kulay, damit, pagkain, mga gano’n.” “Sure. I’ll have Atty. Fred send you a list of his preferences.” “Thank you po.” Tiningnan ko ang cellphone ko para i-check ang oras. At nang makita kong mag-a-alas nueve na ay nagpaalam na ako sa kanila. “Kailangan ko na pong umuwi. Dadaan pa ako sa ospital.” “Oh, right. Sumabay ka na lang sa amin. Idadaan ka na lang namin sa ospital,” alok niya. “Pauwi na rin naman kami.” “Sure po kayo? Hindi ko ‘yan tatanggihan.” “Oo naman.” “Sige po. Salamat.” —— “Salamat po, Mr. Greg, Atty,” pasasalamat ko sa dalawa nang makababa ako ng sasakyan. “Ingat po kayo sa biyahe.” “You’re welcome, hija,” tugon ni Mr. Greg. “By the way, you can read that folder I gave you when you get inside,” pahabol niya saka tuluyang umalis. Naglakad na ako papasok sa ospital dala-dala ang isang basket ng preskong bulaklak na dinaanan namin kanina. Dumiretso na ako sa isang private room kung saan naka-confine ang aking ina. Pagkapasok ko ay naabutan ko ang caregiver niya na inaayos ang kumot niya. “Good evening po,” magalang na bati ko. “Kumusta po si mama?” tanong ko saka tiningnan ang payapang mukha ng aking ina na mahimbing na natutulog. “Maayos naman po, ma’am. Kakatapos lang ng laboratory niya kanina,” tugon nito sa akin. “Salamat po,” sinserong pasasalamat ko. Hindi ko lubos akalaing madadala ko si mama sa isang pribadong ospital at maibibigay sa kanya ang kalingang kailangan niya. At lahat nang ‘yon ay dahil sa kasunduan namin ni Mr. Greg. Ito ang pinakarason kung bakit ako pumayag. Ito ang rason kung bakit ako nagpapakahirap na magtrabaho, dahil gusto kong maipagamot ang nanay ko. Ilang taon na niyang iniinda ang sakit niya sa bato. Ngunit nitong nakaraan lang talaga ito lumala. Pabalik-balik kami sa ospital. Ubos ang savings namin dahil sa dialysis niya, kaya ‘yon din ang rason bakit ko pinasok ang trabaho ko ngayon. Kailangan ko nang mabilisang pera para masiguro kong mabubuhay ang nanay ko. Desperada na kung desperada, pero lahat ay gagawin ko para sa kanya. Kahit anong trabaho pa ‘yan ay papatusin ko para lang mabuhay siya. Kahit ibenta ko pa ang laman ko. Kaya blessing talaga na nagkakilala kami ni Mr. Gregory Plonder. Liban sa perang ibabayad niya, tinulungan niya pa akong malipat ang nanay ko sa magandang ospital. Kaya kailangan ko talagang magawa nang maayos ang trabaho ko. Doon ko naalala ang ibinigay niyang folder. Agad ko itong binasa at halos maluha ako sa nabasa ko. Kidney donor. May nahanap silang kidney donor para kay mama! Nakagat ko ang labi ko. Tumingala ako para sana pigilan ang mga luha ko pero ‘di ko magawa. Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko dahil sa labis na tuwa. Hindi ko alam kung paano ko sila mapapasalamatan. Pero may isang paraan lang para maibalik ko sa kaniya ang mga pabor na ito, at ‘yon ay ang maakit ko ang masungit niyang apo. Kung kailangang ialay ko ang katawan ko gagawin ko magawa ko lang ang trabaho ko. I will seduce that devil billionaire no matter what! Oras na para ilabas ang aking ninja moves. Kung hindi siya makuha sa simpleng pagpapapansin at pang-aakit, p’wes oras na para maging agresibo. Kung ‘di gumana ang pagiging palay ko, siya ang gagawin kong palay at siya ang tutukain ko. Kung hindi siya makuha sa santong dasalan, p’wes idadaan ko sa ‘dibdibang kapkapan’!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD