Dear Kuya Pito, I don't know how and where to start. But I am sorry for hurting you badly. Ang dami ko mang nagawang mali pero never nawala ang love ko sa'yo, Kuya. Sinubukan ko iyon na takpan ng galit, pero hindi ko nagawa. Hindi totoo na iniligtas ko nang ilang beses ang buhay mo dahil kay Aarah. Hindi ko kayang pabayaan at mapahamak ka kaya ginawa ko iyon. Kahit anong sabi ko sa sarili ko na wala akong pakialam sa'yo, lagi pa rin iyong nauuwi sa pagligtas ko sa buhay mo. Yes, I like Aarah the very first time I saw her. Pero hanggang doon lang ang feeling ko for her. Gusto lang kitang saktan kaya pilit ko siyang inagaw sa'yo. Pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kaya na forever saktan ang Kuya Pito ko. Dahil sa kabila ng lahat ay mahal pa rin kita. I am not proud of what I have done

