Chapter 124-SPG

1287 Words

Two years later... "Ano ang ulam natin, Ling? Ang bango-bango, ah." Habang nagigisa ay bahagyang nilingon ni Aarah ang asawang si A na kadarating lang at naghuhubad ng sapatos sa tarangkahan ng apartment na kanilang tinutuluyan. May ilang buwan na rin silang kasal at ipinagbubuntis niya ngayon ang kanilang panganay na anak. Tatlong buwan na rin mahigit ang kaniyang tiyan. Dahil gusto ni A na magsimula sila ng pamilya sa sariling sikap nito, sa simpleng huwes lang muna sila ikimasal. Hindi nito tinanggap ang inalok ni Bernard na tulong na engrandeng kasal. Pag-iipunan na lang daw ni A dahil gusto nitong pakasalan siya nang bongga na galing sa pera nito. Ngunit batid ni Aarah na ang totoong dahilan ay gusto lang ng asawa niya na kapag ikinasal sila ay kasama nitong magmamartsa ang kapatid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD