"Walang duda na panalo na si Kapitan Mais ngayong election. Kahit dayain pa siya ni Kapitan Langka," wika ni A nang makarating ang mga ito sa bahay nina Clara pagkatapos mangampanya. Supporter kasi sila ng kasalukuyang kapitan sa barangay na tinitirhan nila. "Bakit, Ling? Mukha bang may balak mandaya ang Kapitan Langka na 'yon?" tanong ni Aarah sa asawa. Dahil sa pagbubuntis kaya hindi siya nakasama sa pangangampanya. "Oo, tol." Si Erin ang sumagot. "At saka kita naman sa hitsura n'on na mukhang hindi gagawa nang maganda, eh." "Pero mas lamang pa rin ang supporter ni Kapitan Mais kahit kaunti lang," dagdag naman ni B. Mayamaya ay nilapitan siya ni Clara. "Okay ka lang ba, beshie? Hindi ka naman ba nahihirapan sa pagbubuntis mo?" "Hindi naman, besie. Si A pa nga ang mas nahihirapan, eh

