Four years later... "Nanay, look po, o! Wow!Ang daming bunga ng mga strawberry natin. Puwede po ba akong tumulong sa pagha-harvest?" Sandaling itinigil ni Aarah ang pamimitas ng strawberry at nilingon ang apat na taong gulang na anak na si Alyssa. "Come here, baby. Tuturuan ka ni Nanay kung paano ang tamang pagpitas." Tuwang-tuwa naman na lumapit ang anak. "Wow! Really, Nanay? Gusto ko po kasi talagang tumulong, eh." "Siyempre naman, anak. Magiging iyo rin balang araw ang strawberry farm na ito kaya dapat matuto kang mamitas." Apat na taon na rin simula nang magkaayos ang magkapatid na A at Baste. Pinili ng huli ang magbagong buhay kaya sumuko ito sa batas para pagbayaran ang mga kasalanan. At dahil walang maiiwan sa strawberry farm at sa iba pa nitong legal na negosyo sa Cordillera k

