Dear Aarah, Ilang taon ko ring kinimkim nang mag-isa ang mabigat na sikretong ito. Dahil hindi ko alam kung kanino ko ba dapat sabihin na hindi ako huhusgahan. Natakot ako. Naduwag. Pero nang makilala kita, noong una pa lang, alam kong sa'yo ko dapat na ipagkatiwala ang secrets ko. Because I know na hindi mo ako huhusgahan katulad ng iba. I am really a bad person, Aarah. Sa sobrang takot na baka mag-isa ako uli at mawalan ng pamilya, ginawa ko ang lahat para mawala sa eksena ang Kuya Dunhill ko na katulad ko ring ampon. Nakikita ko kasi na mas mahal at paborito siya ng mga umampon sa'min. Inggit na inggit ako sa kaniya. Kaya itinulak ko siya sa barko at hinulog sa dagat para mawala na siya sa landas ko forever. Yes, Aarah. I am a murderer.I killed my brother because of being paranoid.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


