CHAPTER 1:

1201 Words
CHAPTER 1: MASAYANG IBINALIK KO SA WALLET ang perang naipon ko para sa tuition fee ko para sa kolehiyo. Dalawang taon din akong huminto sa pag-aaral para pag-ipunan ang tuition fee na kailangan ko para lang makapag-aral at makamit ang pangarap kong maging nurse. Bata pa lang ako, iyon na talaga ang pinapangarap ko at hindi iyon nagbago hanggang ngayong lumaki na ako. Noong iwan kami ni papa, akala ko hindi na ako makakapagtapos pa ng pag-aaral dahil halos hindi ako suportahan ni mama sa pag-aaral. Drug addict kasi ang mama ko, maging ang kinasama niya nang um-edad ako ng walong taon. Mabuti na lang at pinili kong umalis sa puder niya at mamuhay nang mag-isa. Sa pamamagitan ng pagpapaawa sa mga teachers at ang pag-extra sa mga tindahan ay napagtapos ko ang sarili ko sa elementarya. At nang tumuntong naman ako sa highschool, ginawa akong kasamabahay ng isang teacher ko kapalit ang pagpapaaral sa akin. Balak niya pa sana akong pag-aralin ng kolehiyo ngunit nahiya na ako at nagpasyang umalis sa puder nila dalawang taon na ang nakalipas. Nahinto ako sa kaligayahang malapit ko nang mabuo ang tuition fee na iniipon ko nang tumunog ang cellphone ko mula sa isang tawag. Taylor calling. . . Kaagad ko iyong sinagot dahil baka may raket na naman siyang iaalok sa akin, pero nagsisi lang ako nang malaman ang dahilan kung bakit siya napatawag. "Hoy 'yong ex-jowa mo rito sa bar, nagpakalasing at nanggugulo na naman! Gusto kang makita, hinahanap ka! Bakit sa dinami-rami pa ng mga araw na magde-day off, ngayon pa?" iritang ani Taylor. Napahagod ako sa buhok ko. Namomroblema na talaga ako kay Nilo. Halos dalawang linggo na kaming hiwalay pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-move on. Nakakapagod na ring ipaliwanag sa kaniya ang rason ko kung bakit ako nakipaghiwalay sa kaniya. "Hayaan mo, kung gusto ninyo, tumawag kayo ng pulis at ipakulong n'yo na," sagot ko. "Pero Cammi, hindi ka ba naaawa—" Pinatay ko na ang tawag bago niya pa pumutak ng kung ano-anong pangongonsensya itong baklang 'to. Ganyan kasi siya palagi, sa tuwing pupunta roon si Nilo at magmamakaawang papuntahin ako, bumibigay rin siya at pauulanan ako ng sandamakmak na puro nakakaawa raw si Nilo. Na wala naman daw masamang ginawa sa akin si Nilo, bakit ko raw hiniwalayan? Totoong mabait si Nilo, maalalahanin, maasikaso at malambing. Ang isa nga lang na problema ko sa kaniya ay niyayaya niya akong makipagsex kahit na ayaw ko pa. Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na hindi ako papayag hangga't hindi kami ikinakasal. Pero tatlong buwan pa lang kaming magkarelasyon, hindi na niya kaya pang pigilan. Noong araw na naghiwalay kami, iyon ang araw na pinilit niya akong gawin namin 'yon, nagmakaawa siya at nagpaawa pero pilit akong tumanggi. Hindi pa ako ready sa ganoong bagay at natatakot akong may mabuo. Natatakot akong baka hindi ko mapanindigan. Ayaw kong magkaroon ng anak kung hindi rin naman buo ang pamilya. Ayaw kong maranasan niya ang naranasan ko sa buhay. Alam kong masyado akong advanced mag-isip, pero mas maigi nang isipin ang pwedeng mangyari bago pa man gawin. Mahal ko si Nilo, pero hindi sapat ang pagmamahal na 'yon para bumigay ako sa prinsipyong pinanghawakan ko nang matagal na panahon. Pinatay ko ang cellphone ko nang makailang beses nang tumawag si Taylor sa akin. Hindi kasi makatawag sa akin si Nilo dahil nasa blocked list ko siya. Kaya ako nag-day off ngayon ay dahil may raket ako na matagal ko nang hinihintay. Ang maging isang part-time model sa isang car show. Bukod sa pagiging nurse, pinangarap ko ring maging model. Ang kaso, madalas na hindi ako matanggap dahil ang madalas na kunin ay 'yong mapuputi at 'yong mga may backer. E wala naman ako no'n! Pasado alas otso na ng gabi at alas dyes ang umpisa ng car show kaya dapat na alas nuwebe pa lang ay naroon na ako. Matapos maligo, kaagad na isinuot ko ang isa sa pinaka-sexy kong kulay puting sweetheart neck top at denim skirt highwaist button down. Nag-tsinelas lang muna ako dahil hindi naman pwedeng mag-motor ako nang naka-stilleto. Pagkatapos ay nag-umpisa na akong maglagay ng light make up. Hindi ko kasi alam kung mi-make-up-an pa ako roon kaya light na lang muna ang ilalagay ko at mag-re-retouch na lang mamaya. Binuksan ko na ang phone ko nang papaalis na ako. Sunod-sunod na nag-pop up ang missed calls ni Taylor hanggang sa isang text ng event manager ng car show ang nag-text at sinabing pumunta na raw ako. Nag-reply naman ako kaagad at sinabing papunta na. Dali-daling lumabas ako ng bahay, ini-lock ang pinto at tinungo ang motor kong nakaparada lang din sa harap ng pinto ko. Umangkas ako roon at sinimulang paandarin ang motorsiklo. Isa't kalahating taon ko na itong hinuhulugan, three years to pay itong motor na 'to na talagang iniingat-ingatan ko dahil ayaw kong matapos ako sa pagbabayad na sira na. Kaya kahit na isang taon ko na siyang gamit, mukha pa ring bago. Habang nasa byahe, ilang beses kong naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa belt bag na suot ko. Pero dahil abala ako sa pagmamaneho ay hindi ko na muna pinansin. Hanggang sa nakarating ako sa venue, doon ko lang naisipang kunin ang phone ko at tingnan ang text. From: Event Manager Kim. Sorry Cammi, pero nakakuha na ako ng papalit sa 'yo. Hindi kasi kita ma-contact kanina. Sasabihin ko sanang mas napaaga ang show. Pasensya na talaga. Tatawagan na lang ulit kita sa susunod kapag may susunod na show. Pumikit ako nang mariin nang mabasa ang text message ng Event Manager. Halos gumuho ang mundo ko dahil sa inis! Ito na at makakamit ko na ang isa sa pinapangarap ko, pero bakit ganito? Parang hindi yata talaga para sa akin! Nakakasama ng loob! Bumaba ako ng motorsiklo ko at saka dumiretso sa isang convenience store na malapit lang din sa car show. Ang totoo, na-badtrip ako lalo nang marinig ang hiyawan sa kalapit na car show. Mukhang masaya ang lahat doon habang ako ay nagluluksa sa pagkawala ng isang oportunidad. Pagkapasok sa convenience store, dumiretso ako sa commercial refrigerator na naroon. Kukuha sana ako ng beer pero isinara ko na lang din ang refrigerator dahil naisip kong magmamaneho pa pala ako. Kaya bumili na lang ako ng yosi, pampatanggal ng badtrip. Nakatatlong stick ako ng sigarilyo sa isang kahang binili ko sa convenience store. Masyado akong inis sa nangyari sa akin kaya naparami ang yosi na nahithit ko. Matapos kong hithitin ang pangatlong sigarilyong nasindihan ko, hinagis ko iyon sa venue ng show. Alam ko namang hindi 'yon makakasira sa kasiyahan nila pero pinagdasal ko na sana iyong event manager ang tinamaan. Bwiset siya! Sumakay na ako ulit sa motorsiklo ko, sinuot ang helmet at nagsimula itong paandarin. Pinaharurot ko iyon, gusto ko nang makauwi. Ngunit mali pala ang ginawa kong pagpapaharurot, dahil malayo pa ako sa pedestrian lane ay may lalaking pasuray-suray na tumawid ng kalsada! Ilang sasakyan ang bumusina sa kaniya, at pahihintuin ko pa lang sana ang motor ko, tumagilid na ang motor at ako ang natumba. Hindi ko akalain na kahit sinubukan kong umiwas sa kaniya, natamaan pa rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD