Prologue

793 Words
“KAILAN tayo magkikita uli?” Yumakap si Baro sa maliit na beywang ng babaeng katabi, gumapang ang kamay niya paitaas sa dibdib nito at marahang minasahe ang mabundok na umbok niyon. Sa halip na sagutin ang tanong nito ay isiniksik niya ang mukha sa tagiliran nito. Nagsimula na namang pumintig ang sentido ni Baro. Hindi na niya maalala kung nakailang vodka ba siya kagabi. Hindi niya rin maalala kung paano sila nakaalis ng babaeng kasama sa The Fort at nakarating sa hotel na ito. “Oh, Baro…” ungol ng babae sa pangalan niya nang bumaba naman ang kamay niya sa pagitan ng mga hita nito. Ano nga bang pangalan niya? tanong ni Baro sa isip. Isa siguro ito sa mga babaeng nakasalamuha niya sa bar kagabi. Kung nabanggit man nito ang pangalan sa kanya ay hindi iyon pumasok sa isip. “Kailan mauulit `to?” mayamaya ay tanong muli ng babae nang itigil niya ang ginagawa. “Kailan tayo magkikita uli?” Napakunot-noo si Baro. Pamilyar sa kanya ang tinig ng babae, iminulat niya ang mga mata at sinalubong ang tingin nito. Kaagad siyang napabangon sa kama nang makilala ang babaeng katabi. “Danee?!” bulalas niya at nasapo ang noo, sinuklay niya paitaas ang kulay abo na buhok. Lumingkis sa kanya ang katawan ng babae, idinikit pa nito ang dibdib sa braso niya habang hinahagod naman kamay ang kanyang tiyan. Nang gumapang pababa sa puson niya ang kamay nito ay mabilis niyang pinigil. “A-anong oras na?” “Maaga pa­—” “Paano tayo nakarating dito? B-bakit ikaw ang kasama ko? Nasaan si Sahae?” sunod-sunod niyang tanong na ang tinutukoy ay ang personal assistant. Nalukot ang magandang mukha ng babae sa tinuran niya. Si Danee Vianca ay talent ng ibang agency. Kasama ito sa girl group na nag-debut noong nakaraang buwan—at nakilala niya nang minsang magkasabay sa isang TV show ang grupo nila. “Binigyan ko lang ng barya iyong PA mo nilayasan ka na,” sagot nito at inihilig ang ulo sa balikat niya. Nagsimula na naman maglumikot ang kamay ng babae sa katawan niya.    Sa ilang beses na pagkikita nila sa mga shows ay parang na-magnet na lang bigla sa kanya ang dalaga. At nang minsang yayain niyang magkape ay hindi na bumitiw sa kanya. May mga pagkakataon pa na nagpupunta ito sa agency nila para lang yayain siyang lumabas, dahil wala naman sa ugali niya ang tumanggi sa mga babae ay pinapaunlakan niya.    “Hindi mo ba maalala na ako ang kausap mo kagabi? Kapag talaga nalalasing ka, nagdidikit na `yang talukap ng mata mo…” Kinintalan nito ng halik ang kanyang dibdib.    Nahigit ni Baro ang hininga sa ginawang iyon ng babae. Hinapit niya ang hubad nitong katawan para iupo sa kandungan niya. Naalala na niya, napapalibutan siya ng mga babae sa bar kagabi nang biglang sumulpot si Danee at hinatak siyang magsayaw. Ang mga sumunod na nangyari ay nagdala na sa kanila sa hotel room na ito. They were about to share each other’s heat again when his phone rang. Kaagad dinampot ni Baro cell phone sa bedside table, nang makita ang caller photo ng asawa sa screen ay pinaalis niya si Danee sa kandungan at tumakbong hubad sa banyo. Humugot muna siya nang malalim na hininga bago pinindot ang answer button.    “Papsy? Ano oras ka uuwi? Sabi ni Sahae may shoot ka daw kagabi at sa hotel ka na lang matutulog…” Hindi mapakali ang isang kamay ni Baro kaya ihinawak niya na lang iyon sa gising na naman niyang sundalo. “Pauwi na ako Mamsy.” Sinipat niya ang relo, pasado alas-sais na pala ng umaga. Kailangan na niyang umalis dahil may rehearsal pa sila mamaya. “Sige. Ipagluluto na kita ng pagkain… mag-ingat ka Papsy, ha? Mahal kita…” “I love you too, Mamsy.” Pagkababa niya sa cell phone ay lumabas na siya ng banyo. Ngumiti naman kaagad si Danee sa kanya. Sinadya pa nitong ilaglag ang kumot para lumantad sa paningin niya ang tila pares ng bundok na dibdib nito. “Aalis na ako. Kung ayaw mo pang umuwi, dito ka na lang. Mauuna na ko—” “What?! Are you just gonna leave me here? Again?” Yes, again. Pangatlong beses na yata itong nangyari sa kanila, o apat—hindi na niya maalala. Nagmamadaling dinampot niya ang mga hinubad na damit na nakakalat sa sahig at sinuot iyon nang hindi pinapansin ang kung ano mang sinasabi ni Danee. “Baro! Huwag mo akong iwan dito!” sigaw nito nang hawakan na niya ang seradura ng pinto. “Mag-Grab ka na lang pauwi. Ingat,” iyon lamang at lumabas na siya ng hotel room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD