bc

KISS ME FOR THE LAST TIME

book_age18+
4.8K
FOLLOW
17.6K
READ
billionaire
love-triangle
brave
drama
betrayal
cheating
illness
love at the first sight
husband
seductive
like
intro-logo
Blurb

SI Maica Soriano - simpleng babae may angking kagandahan, mabait matalino, may pangarap sa buhay.

Si Juwi Palinos - ay isang pulis taga-Baguio City at na- assign ito sa Cagayan De Oro City. Matangkad si Juwi, tsinito, matangos ang ilong at may perfect body. Lalo na kapag nakahubad ito walang babae ang hindi mapalingon dito. At idagdag pa ang kaniyang mga abs na lalong nakakapang-akit ng mga babae.

ALMOST two years nabuo ang kanilang relasyon maraming mga plano for the good future. Nakipagsapalaran si Maica, sa ibang bansa para sa planong negosyo after married.

PAANO kaya tatanggapin ni Maica ang lahat? Paano kaya niya malabanan ang kabiguan sa kanilang pangarap ni Juwi? Kung may iba ng nagmamay-ari sa lalaki.

NGAYONG nakapagbalik bansa na ang dalaga ay may pag-asa pa kayang maibalik ang lahat sa kanila? Paano tatanggapin ni Juwi ang katutuhanang natuklasan tungkol kay Maica?

Si Neph- magpaparaya kaya siya para sa pagmamahal niya kay Maica? Gayong alam niya na si Juwi pa rin ang tinitibok ng puso ng dalaga?

chap-preview
Free preview
Chapter 1-TRUE FRIENDS
DAHIL walang pasok si Maica sa araw na iyon ay tinawagan niya ang kaniyang close friend na si Jig. Para yayain na mag-outing. Magkasama sa trabaho ang magkaibigan at pareho sila ng position. Receptionest sa 'Marco Hotel' sa 'Cagayan De Oro City'. "TF, busy ka ba ngayon?" tanong niya sa kabilang linya. Ang ibig sabihin ng 'TF' ay abbreviation ng salitang 'True Friend'. Ganiyan sila ka very close na magkaibigan. "Hindi naman, TF. Bakit?" sagot nito. "Bored kasi dito sa bahay, ako lang mag-isa." "So, anong gusto mo?" "Hmmm... outing tayo!" yaya niya. "Sige, saan naman?" tanong niya ulit kay Maica. "Gusto mo sa beach?Maganda doon fresh ang hangin," mungkahi niya sa kabilang linya. "Okay sige,daan nalang kita,tapos bili nalang tayo ng makakain natin." tugon ni Jig. PAGKATAPOS mag-usap ay kumilos na si Maica para magbihis. Alam kasi niya ang ugali ng kaibigan ayaw nito na pinapahintay ng matagal. Same as usual, sila nanaman ang magkasama. Dahil pareho ang dalawang babae na walang mga lovers,pareho kasi sila na pihikan pagdating sa lalaki. Pagkalipas ng kalahating oras dumating na si Jig, gamit ang kaniyang single motor, hindi na ito bumaba hinintay nalang niya ang kaibigan. At maya-maya pa'y lumabas na ito na nakangiti halatang masaya ito sa kanilang lakad. "Shall we go!" Maica said pagkatapos niyang makaupo sa likuran ni Jig. Dahil malapit ang Aquarius beach resort ay doon ang dalawang magkaibigan. Pagkapasok nila sa gate ay unang bumaba si Maica para maghanap ng cottage at si Jig naman ay naghanap ng maparadahan. "Ohh... ang sarap talaga ng hangin dito," ani Maica sabay langhap ng hangin. "Buti na lang, TF, hindi masyadong maraming tao" ambit Jig. "Oo,'nga tf."tugon niya. Masarap ang kuwentuhan ng dalawa habang pareho itong nakahiga sa upuan ng kanilang cottage. SAMANTALA ay kararating lang ng grupo nila Juwi sa beach resort. "Buddy, sigurado ka bang maganda dito?" tanong ni Juwi sa kaniyang kaibigan na taga-roon. Si Juwi Palinos ay isang pulis na taga-Baguio City at naka-assign ito sa Cagayan De Oro City. Matangkad ang lalaki, may pagka-tsinito, matangos ang ilong at may perfect body. Lalo na kapag nakahubad ang lalaki ay walang babae ang hindi mapalingon rito at idagdag pa ang kaniyang mga abs na mas lalong nakakapang-akit ng mga babae. "TF, gusto mo bang magshot-shot-shot tayo? Kahit tig-dalawang bote lang ng SanMig," yaya ni Maica sa kanya. "Puwede, pero ikaw na ang bibili tinamad na akong tumayo sarap na ang pagkakahiga ko dito." tugon ng kaibigan. "Sure!" aniya sabay tayo para pupunta sa tindahan. SAMANTALA nakakuha ng cottage ang tropa ni Juwi sa tabi ng cottage nina Maica. "Buddy, saan na pala ang yelo natin?" tanong ni Juwi sa kaniyang mga kasama. "Naku! Wala yata tayong dala," sagot ng isa. "Sige bibili na lang ako," ani Juwi sabay tungo sa tindahan. Magkasabay na dumating si Maica at Juwi sa bilihan at pareho sila na naghihintay kung sino ang mauna sa kanila. Habang naghihintay naman ang matandang tindera sa kanila. Nahihiya si Maica na tumingin sa lalaki at ewan ba niya kung bakit bigla na lang siyang na tameme sa mga sandaling iyon. Umurong ng konti si Maica para paunahin ang lalaki. "Mauna ka na Miss.," anang lalaki. "Salamat," sensirong tugon niya na hindi man lang tumingin sa lalaki. "Manang, pabili ng apat na SanMig Light," sabi niya sa tindera. Pagkatapos niyang makabili ay nagmadali na ito sa kaniyang pag-alis. Bahagyang lumingon naman si Juwi sa papalayong babae. "Ahemmm..." agham ng tindera dahil naghintay na pala ito sa bayad ng lalaki. "Ahhh... sorry, Manang," aniya sa matanda na medyo nakaramdam ng pagkapahiya. "A-ahh... Manang, kilala mo ba iyong babae?" tanong niya sa tindera. "Naku! Hindi, sir. Ngayon ko pa iyon nakita dito," sagot ng tindera na may pagtataka. Hanggang sa nakabalik na si Juwi sa kanilang cottage, pero hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang isip ang kasimplehan ni Maica. Ewan ba niya hindi naman siya dating ganoon sa mga babae. Sa katunayan ay wala siyang pakialam sa mga babae. Samantala si Maica naman ay hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang lalaki at napansin naman siya ni Jig. "May iniisip ka ba, TF?" tanong niya sa tulalang kaibigan. Pero para lang siyang nagtatanong sa hangin kahit magkaharap lang ang dalawa, ngunit daig pa na nagtatanong siya sa kabilang bundok. "Hoy!" sabay bato niya sa kaniyang tsinelas. "Arayyy! Bakit mo ba ako binato?!" gulat niyang tanong. "Paano naman kasi nagtatanong ako hindi mo man lang marinig." "Ano kasi, TF, may naka sabay akong fafa sa may tindahan. Biruin mong bigla akong na tameme sa kaniya..." kuwento nito sa kaibigan. "Landi pa more..." Pagbibiro ni Jig, sabay tawanan ng dalawa. "Tara ligo na tayo," yaya ni Jig, pagkatapos nilang maubos ang iniinom. Sa suot nilang maong na short na may kaiklian ito at pinaresan rin ng maiksi na sando ay lutang na lutang ang kanilang kaseksihan. Lalo na't pareho ang dalawa na may panlaban rin sa mukha at katawan. Habang naglalakad si Maica papunta sa may 'di kalayuan at tama lang ang lalim. Sakto naman ang paglingon ni Juwi, at napatakbo ito papunta sa kanya. Habang tumatakbo ang lalaki ay sabay niyang hinubad ang kaniyang damit at maong na short. Ang tanging naiwan lamang ay ang kaniyang brief. Nagulat rin ang kaniyang mga kasamahan sa mabilis nitong pagtakbo. Pagdating ni Juwi sa tubig ay agad siyang lumangoy patungo kay Maica. Samantala naman habang nagpatuloy sa paglalakad si Maica ay kumakanta-kanta pa ito. "Oh. . . umasa kang maghihintay ako kahit kailan kahit na umabot pang ako'y nasa langit na at kung 'di ka makita. Makikiusap kay Bathala Na aka'y hanapin at sabihin. Ipapaalala sa iyo ang nakalimutang susmpaan na ako'y sa iyo. At ika'y akin la—" Hindi natapos ang huling bahagi ng kanta, dahil sa kanyang pagkabigla ng hawakan ang kanyang braso at hinila pabalik. "Bitawan mo ako! Saklolo...TF, ma-rape na yata ako. Bitawan mo ako... let me go..." parang wala sa sarili na nagsisigaw si Maica.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cheating Heart

read
40.7K
bc

Just Another Bitch in Love

read
27.7K
bc

The ex-girlfriend

read
138.6K
bc

Unexpected Romance

read
38.2K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
388.9K
bc

Married By Mistake

read
170.7K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook