Chapter 2- First Meet

1190 Words
Pagkarating nila sa hanggang tuhod na tubig ay nagsalita ang lalaki. "Hindi solusyon ang magpakamatay, puwede naman idaan sa magandang usapan!" bulyaw sa kanya ng lalaki. "S-sinong magpa—" Putol niyang sasabihin dahil nabigla siya sa pag-atake ni Jig at hinila niya ang buhok ng lalaki sa pag-akalang isa itong rapest. "Luko-luko ka! Anong ginagawa mo sa kaibigan ko?!" galit niyang tanong sa lalaki habang patuloy pa rin ang kaniyang pagsabunot nito na pareho na ang dalawa na gumugulong sa tubig. "S-sandali... sandali!" sigaw ng lalaki at gumuhit sa mukha nito ang pagkainis sa babaeng umatake sa kaniya. Binitawan naman siya ni Jig at humarap kay Maica. "Are you okay, FT?" tanong niya na puno sa pag-alala. "O-oo, TF! Okay lang ako." Sabay yakap ni Maica sa kaniyang kaibigan. "Sandali! Ano bang palabas ito?" naguguluhang tanong ni Juwi. "Ano bang palabas ang sinabi mo?" Balik tanong ni Maica. "Bakit ka ba gustong magpakamatay?!" muling tanong niya. "Sino ba ang magpapakamatay?! Sinabi na nang kaibigan ko na hindi siya magpapakamatay!" sabad ni Jig. "Oo nga!" pagsang-ayon ni Maica. "Ang gulo niyong kausap!" Pikon na si Juwi sa mga sandaling iyon. "Eh, ang gulo mo rin kasing magtanong!" turan naman ni Maica at si Jig ay parang gusto ng matawa sa mga oras na 'yon. Dahil sa bangayan nilang tatlo ay lumapit na rin ang mga kasamahan ni Juwi. Para makisawsaw sa gulo at nagsalita ang isang kasama ni Juwi. "Buddy, ano ang problema dito?" tanong ng kasama niya na nasa mahinahong boses. "Ito kasi buddy, nagtangkang magpakamatay. Siya na nga ang sinagip ako pa ang napasama at nasabunutan," asar na asar niyang subong. "Bakit mo ba kasi pinagpipilitan na magpapakamatay ang ang aking kaibigan, ha?!" Si Jig ang sumagot at pinagdidilatan niya ito sa kaniyang mga mat "Oo nga! Para sa kaalaman mo mahal ko ang buhay ko, nuh!" pagsang-ayon naman ni Maica at nakaismid ito. "Eh, ano ba ang ginagawa mo? Bakit pumunta ka sa malalim?" tanong ulit nito "Porket ba pupunta sa malalim magpapakamatay na? Alangan naman sa dalampasigan siya mag-swimming!" tugon ni Jig. "Oo nga! Hello?! Excuse me, hindi pa ako nakaranas na magka-boyfriend kaya ayaw ko pang mamatay!Tara na nga, TF!" Iritang hinila ni Maica kaniyang kaibigan at umalis na sila. Naiwan ang mga lalaki na si Juwi ang nagiging pulutan ng tuksuhan. "Buddy narinig mo 'yong sinabi niya? Wala pa daw siyang boyfriend. Ibig sabihin virgin pa," sabi ng isa niyang kasama at sabay tawan nila. Napailing naman si Juwi, dahil sa pagiging praning niya ng mga oras na 'yon. "Pero in fairness, buddy, may impact ang dalawang bibot," anang isang kaibigan ni Juwi. "Saan sa dalawa ang sa, buddy?" tanong ng isa pa niyang kasama. "Tumigil na nga kayo!" asar niyang sagot at naglakad na ito patungo sa kanilang cottage. Samantala na bad trip si Maica sa mga sandaling iyon dahil sa nangyari. Kung titigan ang kaniyang mukha ay para itong nakasubo ng manggang hilaw na sobrang asim. "Sino ba iyon, TF?" tanong ni Jig sa kaibigan. "Siya iyon, TF." "Anong siya? Upuan ba?" pagbibirong tanong ni Jig. "Siya iyong fafa na nakasabay ko sa store," tugon niya sabay hawak sa kaniyang balikat kung saan nakahawak ang lalaki sa kanya. At pilit inabot ng kaniyang nguso sa kaniyang balikat upang mahalikan at maamoy ito. "Hoy! Tumigil ka nga, TF! Ang manyak mo ang pangit mong tingnan. Nguso mo parang janitor sa aquarium." At humalahak si Jig. "Oy! Sobra ka naman,TF. Masyadong brutal iyon, ha. Minsan nga lang tayong maglandi kinukontra mo paagad," pagtatampong tugon nito. "Correction! Ikaw lang," pagre-react niya na may dalang paismid. "Hindi ba, TF, ang guwapo niya?" tanong niya sa kaibigan na parang hindi pa rin siya naka-move-on. Tumawa si Jig bago nagsalita. "Guwapo nga hindi naman sa iyo," pang-aasar niya. "Ikaw talaga! Ang KJ mo!" Pikon si Maica sabay bato niya sa kaniyang towel. At tumawa nang tumawa ang kaibigan, ganoon silang dalawa kapag nagkukulitan ay daig pa ang mag-away. Pero para sa kanilang dalawa biruan lang iyon. Samantala si Juwi ay hindi pa rin maka-get-over sa pangyayari. Ewan ba niya gusto nitong mapatawa sa kaniyang katangahan. "Damn!" Sabay iling-iling niya. "Buddy, tinamaan ka yata sa bebot na 'yon," anang kaniyang kaibigan. Dahil napansin nitong panay ang iling-iling niya at nakasimangot. "Nope!" Inis niyang tugon at saka siya tumayo at nagtungo sa tubig para maligo. DAHIL masyado ng hapon ay nagpasya silang dalawa na uumuwi na. Dahil may pasok pa sila kinabukasan. Habang nagbabiyahe ang dalawa ay hindi pa rin mawala sa imahinasyon ni Maica ang mukha ng lalaki at ang dalawang beses nilang pagkabanggaan. "Sa tingin mo, TF, magkikita pa kaya kami ng fafang 'yon?" "Hindi ko alam, TF. Hindi ko kasi nadala ang bolang kristal kaya hindi ko makita..." pagbibirong sagot niya sabay tawa. "Tseh! Magseryoso ka nga!" Bigla niyang binatukan si Jig. "Oo na! Hindi ko alam kung magkikita pa kayo. Pero siguro magkikita pa kayo as long hindi kayo mabubulag," seryosong sagot ni Jig. "Ewan ko sa iyo! Ang gulo mong kausap!" Pagtatampo niyang sabi. "Pikon?" Jig asked. Hanggang sa makarating na sila sa bahay ni Maica. "Tuloy ka muna, TF, magkape ka saglit," alok niya sa kaibigan. "Huwag na, TF, sa bahay na lang baka gabihin pa ako," tanggi nito at umalis na siya. Hanggang sa pagsapit ng gabi hindi pa rin mawala sa isipan ni Maica ang hitsura ng lalaki. "Hala, Maica! Itigil mo na 'yang ginagawa mo hindi ka papatulan ng lalaking iyon. Huwag kang hibang!" Pinagalitan niya ang kanyang sarili. Kung kailan nagka-edad si Maica ng beinte-sinko ay saka pa siya nakaramdam ng ganoong kilig. Palibhasa kasi ay siya ang panganay sa tatlo nilang magkapatid. Nakasunod sa kaniya ay lalaki at ang bunso naman ay babae. Siya kasi ang nagsisibleng umaagapay sa kanilang pamilya, hindi naman matawag na mahirap sila. Dahil ang kaniyang ama ay driver sa hospital at ang kaniyang ina naman ay teacher. Si Maica ang tipong hindi palamunin na anak at lumaki siyang may tiwala sa sarili na hindi umaasa sa iba. Nakatulugan niya na dala-dala pa rin sa isipan ang lalaki. "Wait!' Hindi ba ikaw 'yong babae sa beach?" tanong ng lalaki "Ahh—" Putol niyang sasabihin dahil biglang tinakpan ng lalaki ang kanyang labi na gamit ang kaniyang dalawang daliri. "Alam mo? Ang ganda mo," sambit ng lalaki at hinila siya sa loob ng isang kuwarto. Kinuha ng lalaki ang kaniyang kamay at ipinatong ito sa kaniyang balikat. Masuyong hinawakan naman ng lalaki ang kaniyang baywang. Sa simula ay nakaramdam ng kiliti si Maica, dahil first-time niyang mahawakan ng isang napaka-macho na lalaki. Parang sumasayaw sila sa hangin hindi namalayan ni Maica na malapit na pa lang mapang-abot ang kanilang labi. At maya-maya pa'y he kiss her lips. Napapikit naman ang dalaga at nilasap ang mga halik ng lalaki. Kahit hindi siya marunong, pero ewan ba niya kung bakit nakikisabay siya sa mga halik nito. Na sa pagkakaalam niya ay wala pa siyang karanasan sa mga ganoong bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD