CHAPTER THIRTEEN

1619 Words
"HEY, man! Aba'y kahit kapatid kita kung binabastos mo ang mga bisita ko ay hindi kita patatawarin!" Dahil na rin sa kabiglaan ay napalakas sng boses ni Victoria Katherine sa kapatid na bunso. "At mas wala akong pakialam kahit itakwil mo ako, Ate. Dahil kasalanan ng babaeng iyan kung bakit nawala ako sa London ng mahigit pitong taon!" Ganti ring sigaw ng binata. Dahil dito ay naipon ang mga nagsidalo sa kaarawan ng dating navy officer. Dahil na rin sa kahihiyang nadarama ni Isabella sa pagkakataong iyon ay niyakap na lamang niya ang mga anak. "ANO'NG ginagawa mo rito, babaeng manloloko?" salubong na tanong ni Pierce Matteo sa taong ilang taong pinangarap makitang muli. Nais man niyang bawiin ang sinabi ay wala na rin silbi. Kitang-kita na niya ang pagguhit ng walang kasing sakit sa mukha nito. 'Tsk! Tsk! Sa loob ng pitong taon na iyon ay siguradong may asawa---' "Mama! Sino po siya? Bakit ka niya inaaway?" "Magpaalam na lang po tayo sa may party at mga estudyante mo, Mama. Ayaw ko sa kaniya. Kasi inaaway ka." Kung ang dalawang babae sa triplets ay iyon ang nanulas sa mga labi ngunit ang lalaki ay iba. Imbes na kumapit sa ina ay sa amang hindi nakikilala lumapit. Hindi lang iyon. Humawak pa ito sa coat nito. "Mister, maaring bata kami sa edad ng mga kambal ko. Ngunit sa pitong taon ko sa mundo ay wala pa akong naaalalang niloko ni Mama. Kung may nagawa man po siyang pagkakamali laban sa iyo ay patawarin mo na po. At isa pa ay maari mo siyang kausapin sa walang nakakarinig." Dahil sa pag-aakalang tapos na ito ay dali-daling hinila ni Isabella ang anak. Kaso kumawala itong at muling humarap sa ama. "Bad po iyan, Mister. Kaya't huwag mo na pong ulitin. Dahil baka ako ang magsumbong sa Papa namin. Ayon sa Mama ko ay isa itong mayamang tao. Ibig sabihin ay marami itong pera. Ah, kung ayaw mo pa po ang mawala sa mundo ay magpakabait ka po. Dahil maraming nagagawa ang pera." Boom! Tuloy! Lumipas ang ilang sandaling katahimikan. Ngunit ilang sandali pa ay muling nagsalita si Pierce Matteo. "You have a sharp tongue, child. Ngunit dahil bata ka pa ay hindi kita papatulan. Kaya't yayain mo na ang mga kapatid at iyong ina paalis." Aminado man ang binata na nasagi ang isipan niya sa naging pahayag ng bata na kung hindi siya nagkakamali ay nasa pitong taong gulang. "Hindi mo na kami kailangang ipagtabuyan, Mr Miller. Dahil aalis na talaga kaming mag-iina. Kung hindi lang sana nakiusap si Miss Xavier na estudyante ko ay hindi kami pumarito. Ganoon pa man ay ipagpaumanhin mo ang pagsagot-sagot ng anak ko sa iyo." "Happy birthday, Mrs Xavier. Pasensiya na kayong mag-anak kung hindi kami magtatagal ng mga anak ko. Heto na po ang regalo naming mag-iina. (Una vez más, feliz cumpleaños, señora Xavier. Que el buen Señor en el cielo te colme y derrame más bendiciones.)" Pinaglipat-lipat man ni Isabella ang paningin sa taong hindi sumagi sa isipang makikita at makadaupang palad sa Thailand at kapatid nito ay pinanatili niya ang seryoso at blankong ekspresyon ng mukha. Hindi pa naman niya inaasahan na muli silang magkita. Higit sa lahat ay hindi na niya hinintay na may makasagot sa mga ito. 'Bakit kaya galit na galit siya sa akin? Maaring aksidente lang ang pagkarinig ko tungkol sa tunay nitong pagkatao. Pero kailanman ay hindi ako nagalit sa kaniya,' pipi niyang sambit habang papalabas silang mag-iina sa kabahayan ng mga Xavier. "UNCLE PIERCE MATTEO, hindi mo pa rin ba nakukuha kung bakit nagpursige akong isama ka rito sa Thailand? Ah, bakit ko pa pala sinasabi samantalang nais mong itakwil ka namin ni Mother earth." Nang nakaalis na ang mag-iina naka-crossed arms at taas-kilay na lumapit si Camille sa tiyuhing kaedaran. "Isa ka pa, Camille! This will be the last time that I will tolerate you! Sana nga lang ay kay Pierce Marcus na ako sumama hindi sa iyo!" Hindi na nga pinansin ng binatang kapre ang pamangkin ay sinigawan pa ito. "Archy! Joshua! Call our pilot now! Babalik na tayo ngayon din sa United Kingdom!" "D@rn! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari rito ay hindi na ako pumayag!" "Ano ba?! Bilisan ninyong kumilos!" Ayon! Ang dungeon king na giant ay talagang galit! Dali-dali mang kumilos ang mga binanggit ngunit dahil nasa paligid ang birthday celebrant ay ito na mismo ang muling nagwika. "My dearest family, friends, and visitors. Huwag po muna kayong aalis. Dahil kakain pa tayong lahat. Don't bother about my favourite brother. Dahil nagkataon lamang na may tupak. Let's have a party-party." Well, kung siya lang din ang masusunod ay sasapakin niya ang bunsong kapatid. Lalo at siya nakaka-control dito. Kahit ang nga magulang nila ay hirap na hirap itong sawatahin kapag ganoong galit. Kaso may nais muna siyang kumpirmahin. Actually, kahit wala ng conformation dahil lukso ng dugo ang magpapatunay. Dahil ayaw din naman niyang maging katawa-tawa sa imahe ng lahat ay hindi na nagsalita si Pierce Matteo. Bagkus ay nag-walked out siya at nagtungo sa mini-bar ng mansion ng kapatid. 'F*ck! Bakit nakikita ko ang sarili ko sa mga babaeng iyon? D@mnit!' Pagmumura niya. Buong pag-aakala niya ay siya lamang ang nandoon. Kaya naman ay kampante siya. "UNCLE muna kahit ayaw mong magpatawag ng ganoon. Hindi ko man alam kung ano ang dahilan kung bakit galit na galit ka kay Miss Lopez. Ngunit mayroon akong nais sabihin sa iyo. Private tutor iyon ng nga apo mo sa akin. Kaya't madalas ko siyang nakikita. Paminsan-minsan kagaya ngayon ay isinasama ang mga anak---" "Saglit lang, pamangkin. Kamo ay anak ng manlolokong iyon ang triplets. Ngunit Miss Lopez naman ang pagtawag mo. Dapat nga ay Misis eh." Nakaismid ma pamumutol ng binata. "Kung hindi ko lang sana alam na hindi kayo magkakilala ay aakalin kong may nakaraan kayong dalawa, Uncle. Saka bakit ba galit na galit ka? Ah, bago ko makalimutan ang nais kong sabihin. Walang asawa si Miss Isabella, Uncle. Ayon kay Mommy na maaring nakipagkuwentuhan dito kapag natitiyimpuhan sa dito sa bahay. Buntis na raw noong napadpad dito sa Thailand eight years ago. Kaya't kung ano man ang dahilan mo at galit na galit ka sa kaniya ay mas mabuting kausapin mo ng maayos." Sa hinaba-haba ng paliwanag ng pamangking mas matanda sa kaniya ay sumikdo ang damdamin niya. 'Kung hindi siya naglahong parang bola noon sa Madrid walong taon na ang nakalipas, may anak na kaya kami ngayon?' 'Tado! Galit iyon sa iyo. Ikaw ba naman kasi kung bakit Smith ang ginamit---' "F*ck! Tama! Mr Miller ang tawag sa akin kanina samantalang Smith ang ginamit ko noon. Dammit! Kailan pa niya nalaman ang tungkol dito?!" Sa kaisipang iyon ay nakalimutan na niya ng tuluyan na mayroon siyang kausap. Kaso hindi naman ito ang sumagot sa bigla niyang pagmura kundi ang kapatid niyang halos ina na niya sa edad! "SO, tama ba kaming lahat, bunso? Kasi ang mga apo mo sa akin ang nakakilala sa mga bata---Heh! Talaga namang apo mo ang mga apo ko eh! Quiet! Alam kong nasapol ka ng bubwit na iyon kaya't galit na galit ka. Siya ba ang babaeng tinutukoy ni Mommy noon? Kung Lopez ito at Espanyola ay anak ni Marcus Lopez. Ngunit ako na ang nagsasabi sa iyo na walang kasalanan ang taong iyon. Mag-ama sila pero hindi ibig sabihin na pagkakamali nito ang sa ama. Kaya't kung ako sa iyo ay mag-isip-isip ka muna bago ka bumalik sa London." Subalit sa pahayag ng kapatid niya ay mas natahimik siya. Sa unang pagkakataon ay walang nakahandang sagot. Samantalang silang dalawa raw ang magkaparehas ng ugali ayon sa mga nakapaligid sa kanila. "Total hindi ka naman makasagot ay itutuloy ko na rin. Naulinigan ko naman kasi anh careless whispers mo. Hindi maging guro iyon kung hindi matalino. English and Math teacher sa Madrid at nadala niya rito sa Thailand. Idagdag pa ang pagiging private tutor ng mga nais matuto ng Spanish languages. Sa giyera, applicable ang The answer is on the crime scene. Meaning kailangan mong bumalik sa Spain at alamin kung ano ang nangyari bukod sa problema nilang mag-ama." Pagpapatuloy pa nito. Kaya't napataas ang kilay niya. Nakalimutan yata niyang kapwa niya itong alagad mg batas. Nagawa pang ihalintulad ang buhay niya sa battlefield. Tuloy! "Tsk! Tsk! Maano bang simplehan mo lang sa pagkasabi? Susme! Matagal ka ng nagretero eh. Patunay lamang ang Victoria Katherine the second na iyon," ismid tuloy niya. Pero! Iyon naman ang malaki niyang pagkakamali. Dahil ang hindi sumagi sa isip niyang nasa paligid ay nagsilabasan at muli siyang ginawang bola! Kahit mukha siyang kapre kung anim na katao ang magbubuhat sa kaniya ay walang silbi. "Seriously, Uncle Pierce Matteo. Huwag ka ng magpatumpik-tumpik pa. Sabi mo nga sa aming mga pamangkin mo ay do your best. Kung gaano ka kagiting na airforce pilot ay isabuhay mo rin sa pag-ibig." Buhat-buhat siya ng mga pamangking mas matanda sa kaniya ng ilang taon. Ngunit hindi naging sagabal iyon upang hindi makapagbigay ng payo. "GIVE ME a little bit time, everyone. Dahil kahit walang magsasalita sa inyo ay kikilos akong muli. Ngunit hindi sa ngayon. Hahamigin ko muna ang sarili ko. Kagaya ng sinabi ninyo ay mayroon akong magagawa sa bagay na iyan." Sa wakas ay nasabi niya makalipas ng ilang sandaling ginawa siyang bola ng mga pamangkin. "Iyan ang pinaka-maganda mong gagawin. Ngunit kung ako sa iyo ay huwag mong ipagliban ng matagal. Tandaan mong babae iyon at matalino ang mga bubwit." Muli ay pagsang-ayon ni Victoria Katherine. Hindi na sumagot si Pierce Matteo bagkus ay tumango-tango siya bilang pagsagot. Pero! Muli silang nagulantang makalipas ng ilang araw. Pinag-uusapan pa lamang nila ay nangyari na! Ano nga ba ang nangyari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD