"MAY nakalimutan ka ba, Miss Xavier?" magiliw na tanong ni Isabella sa isa niyang mag-aaral.
"Wala po, Ma'am. Pero nais po sana kitang kausapin," tugon nito.
Sa tinuran nito ay kaagad siyang umayos sa pag-upo. Uwian naman na kasi dahil hapon na sa bansang Thailand. Idagdag pa na biyernes kaya't maaga ang uwian. Ngunit dahil may iba siyang trabaho sa sabado at linggo ay kailangang madala niya pag-uwi ang ilang gamit.
"Come here, Miss Xavier. Maupo ka muna." Kaagad niyang itinuro ang upuan sa mismong harapan ng mesa niya.
"Thank you, Ma'am." Pasasalamat pa nito.
Kaya naman ay ngumiti na lamang siya. Mabait naman itong estudyante. Matalino pa nga ito. Kaya't hindi niya maiwasang magtaka kung ano ang sasabihin nito. Ganoon pa man ay ginawa niya ang kaniyang tungkulin bilang isang guro.
"Don't hesitate to tell me what's the matter, Miss Xavier. Kung hindi ako nagkakamali ay nakauwi na ang kapatid mong nasa higher grade. Kaya't sabihin mo na kung ano ang dahilan at kamo ay nais mo akong kausapin," ilang sandali pa ay muli niyang wika.
"Ma'am, maari po bang imbitahin ka namin ng big brother ko sa bahay? I mean, sa birthday party ng abuela namin. Kilala mo naman po siguro siya dahil nagpang-abot kayo noon sa bahay. Madalas kasi naming maikuwento sa kanila ng abuelo namin lalo at ikaw ang aming tutor sa Spanish. Itong big brother ko kasi ay ako ang kinausap na lalapit sa iyo, Ma'am. Kaya't huwag mo sanang masamain."
Ayon!
Sa narinig ay napangiti siya. Akala naman kasi niya ay kung ano na ang nais nitong sabihin. Dahil nagpaiwan pa talaga. Ganoon pa man ay ayaw niyang mag-isip ito ng hindi maganda dahil sa kaniyang pagngiti.
"Kailan ba ang birthday party, Miss Xavier? Dahil kung school days ay hindi ko maipangakong makakarating ako. Hindi naman lingid sa inyong mag-anak na may tatlo akong anak. Maaring well-mannered sila ngunit maliliit pa lamang," pahayag niya.
"Eksakto lang po, Ma'am. Sa Sunday po ang birthday ni Grandma. Pakisama na rin po ang kids mo, Ma'am. Mas matutuwa si Grandma kapag mas marami ang dadalo. Maaasahan ko po ba, Ma'am?" patanong nitong tugon.
"Tatlo ang anak ko, Miss Xavier. Hindi ba nakakahiya? Maliliit pa lang naman sila. Kaya't nais ko ring itanong kung okay lang ba na isama ko sila sa inyo, Miss Xavier."
Boom!
Nasa pageant silang dalawa!
Kaso mas napangiti lamang ang mag-aaral. Maaring siya ang tutor ng mga ito lalo sa Spanish. Ngunit ayaw niyang maging abusado. Kaya nga mas minabuti niyang nagpakatotoo.
"Kagaya ng sinabi ko sa iyo, Maam, mas matutuwa kaming lahat kung makita namin kayong mag-iina sa birthday party ng abuela namin. Hindi ko lang masigurado kung darating din ang iba naming kamag-anak mula sa ibang bansa. Kaya't huwag ka na pong mag-alala, Ma'am. Basta hihintayin ka po namin," giit nito.
Kaya naman kahit mayroon siyang pag-aalinlangan ay hindi na niya naisatinig. Bagkus ay malugod niyang pinaunlakan ang paanyaya nito.
UNITED KINGDOM
"ANO BA?! Bakit ba tili ka nang tili, Camille Miller Xavier? Aba'y kanina pa sa airport iyan ah. Hindi ka ba natuturete?!"
Hindi naman galit ang kapre este si Pierce Matteo. Ngunit nababasag ang eardrum niya sa ingay nito. Mas maingay pa sa aerial bombs ng mga hawak nilang jet fighters at mas lalong masakit sa taenga ang tinis na dinaig ang mga torpedos ng submarines.
"Anak, hayaan mo na ang iyong pamangkin. Maaring magkakasama kayo sa navy pero limitado naman ang galawan ninyo bilang family. Kaya't habang nandito kayo para sa bakasyon ay sulitin n'yo na." Masayang pagitna ni Mr Miller.
"Aba'y huwag mong sabihing wala pang nakasilo sa mailap mong puso, Hijo? Ikaw din, baka ang pamangkin mo ang maging daan sa pagkakaroon mo ng love life. Ah, mali rin pala. Kako mayroon kang iniwan sa navy kaya't nagsusungit ka." Nakatawa ring pang-aasar ni Mrs Miller.
Tuloy!
Ang giant ay mas nalukot ang mukha!
Hindi kayang iguhit ng pinsang kapwa PM!
"Hmmmp! Paluin n'yo na po si UNCLE Pierce Matteo, Grandpa at Grandma. Ang taong iyan ay talaga namang---"
"Ayan na nga po! Maiwan ko na kayo rito at gagapangin ko muna si Archy sa dungeon. Sigurado akong naghihintay na ang mga iyon doon. McArthur says; I shall return!"
Ang isa sa dalawang babae na apo ng mga Miller ay nakatawang lumayo sa kinaroroonan nilang mag-anak. Kahit nga ang tiyuhing kapwa PM ng ayaw magpatawag ng ganoon ay namamatay-matay dahil sa pagtawa.
Then...
"Seryoso ba iyon, Hijo? Aba'y mukhang type niya si Archy ah," ilang sandali pa ay wika ni Ginoong Miller.
"Walang problema sa bagay na iyan, Daddy. Kung nagkaguatuhan sila sy ako anh numero-unong matutuwa. But, by the way, tumawag si Ate kaninang nasa airport kami, darating daw ba tayo sa kaarawan niya," tugon ni Pierce Matteo sa ama.
Kaso ang pinsan na kapwa bunso ang naunang sumagot.
"Brother, hindi sa ayaw kong sumama sa Thailand. Ngunit aminin man natin o hindi ay bihira tayong makaahon sa dagat at mas lalo sa pagkuha ng sabayang bakasyon sa himpapawid. Kaya't sasamantalahin ko na rin ang uuwi ng Baguio. Alam kong gusto ninyo akong isama roon. Pero baka ako naman ang ibala ni Mommy sa secret weapon ng AGDA kung hindi ako magpakita roon."
Nakatawa man ngunit banaag sa bawat binitiwang salita ang kaseryosohan.
Kaya naman ang Ginang o ang abuela ang sumagot.
"Tama iyan, anak. Wala ng ibang nakakaunawa sa damdamin mo kundi kami ng Papa Martin mo lalo na sa aking sina Grandpa at Grandma ang nakasama ko noon sa U.S habang nag-aaral. Meaning, madalang pa sa patak ng ulam sa Gitnang Silangan ang pag-uwi ko sa atin," aniya.
"Opo, Mama. Sina Grandpa at Grandma ang kausap ko kaninang dumating kami nina insan. Kaya't talagang hindi po ako makasama sa inyo sa Thailand," muli ay saad ng binatang si Tambol o PM.
"Kung mayroon pang oras bago ka magtungong airport, anak. Maghanda ka na at mamili muna kami ng Mama mo ng pasalubong mo. Sa bag mo pa lang ay wala kang nabili. Itong pinsan mo ay baka inapura ka. Kidding aside, go and be ready. Ang chopper ang magdala sa iyo roon. May bibilhin lamang kami ng Mama mo," muli ay wika ng Ginoo.
Nais man siguro nitong umangal ngunit si Pierce Matteo na rin ang nagsabing huwag tanggihan ang ama. Dahil kung wala umano silang lakad ay baka sasama sila ng serenang pamangkin. Kaya't wala na rin itong nagawa.
LATER that day...
"KUMUSTA kayong lahat dito ng mga kasamahan mo, Archy? Isa-isahin ko sana kayo ngunit baka hindi n'yo mahintay."
Nakangiting iginala ni Pierce Matteo ang paningin sa kabuuan ng tauhan. Walang labis, walang kulang. Natutuwa nga siya dahil kahit halos pitong taon siyang nawala sa United Kingdom ay hindi siya nakalimutan ng mga ito. May ilang naka-military uniform, U.K Interpol, coast guards. Mayroon ding lawyer at negosyante at higit sa lahat ay mayroong galing sa MCML DETECTIVEAGENCY o pag-aari ng pamilya nila. Ngunit mas natutuwa siya sa katotohanang walang nalagas sa mga ito sa haba ng panahong wala siya.
"Bago ko sagutin ang tanong mo, Bossing, nais ko ring itanong ang bagay na iyan sa iyo. Kumusta ka na? Narinig ko kina Madam at Sir ay pamangkin mo raw ang nakapilit sa iyo na magbalik London. So, how have you been for the past seven years?"
"Kagaya ng iniwan mong grupo noon ay ganoon din ang nadatnan mo ngayon, bossing."
"Alive and kicking, bossing. How about you?"
"No wonder that your Mom and Dad have been so happy recently. How about you? Nasagot na ba ang maraming katanungan sa ulo mo bago ka umalis noon?"
Mga ilan lamang sa mga salitang nanulas sa labi ng mga kasamahan. Ayaw niyang isiping tauhan niya ang mga ito. Kahit pa iyon ang totoo. Karamihan sa mga ito ay apo na ng mga tauhan dati ng kaniyang magulang. Ngunit dahil sila ang magkakaedaran, may ilan pa na ahead sa kaniya. They are his friends, by the way. A loyal and trusted friends.
"I miss you, guys. Walang panahong hindi ko kayo naiisip. But, honestly, kaya't wala kayong narinig mula sa akin simula umalis ako ay gusto kong balansihin ang aking sarili. Thank you very much for surviving for all those years. At ngayon ay masasabi kong ready to ramble na ulit ang ating grupo. Para sa inyong lahat ang sagot kong ito, my friends."
He is not a hypocrite person. Nagkataon lamang na totoo siya sa mga binitawang salita. Ang grupo pa naman nila ang pakbet. Maaring nasa magkakaibang departamento sila sa kasalukuyan. Ngunit siguradong lilitaw na naman ang maingay nilang samahan lalo at nasa bansa siya.
Kaso!
"Hey, men! Ano ba?! Aba'y maari naman kayong magsalita kahit hindi n'yo ako buhatin ah!"
"Put me down!"
"Kapag ako ang mapilayan ay kayo ang mnanagot kina ermat at erpat!"
Sa loob ng pitong taon na nawala siya sa piling ng mga kaibigan ay sa pagkakaton iyon lamang siya nagsisigaw muli. Pero kahit ano'ng gawin niya ay walang saysay. Dahil kulang na lamang ay i-shoot siya sa ring na parang bola! Mas maingay pa nga sila kaysa mga palakang binuhusan ng mainit na tubig! Hindi nga pinansin ang sagot niya na hindi man lang pinagtuunan ng pansin ang tungkol sa nais malaman.
SA KABILANG panig ng mundo makalipas ng dalawang araw!
"Mom, are you okay?"
"Bumalik na lang po tayo sa bahay kung hindi maganda ang pakiramdam mo, Mama."
"Malayo pa po ba tayo sa house ng students mo, Mommy?"
Sunod-sunod na tanong ng kaniyang mga anak. Kaya naman ay napatingin siya sa mga ito. Aminado siyang nakakabingi na ang kabog ng kaniyang dibdib. Samantalang maayos naman ang pakiramdam niya bago sila bumiyahe papunta sa birthday party umano ng abuela ng mga studyante niya.
"I'm fine, my children. Naiisip ko lang ang party na pupuntahan natin," sagot na lamang niya.
Laking pasasalamat na lamang niya dahil nanahimik ang mga ito. Nasa likuran naman kasi ang tatlo at kitang-kita pa niya ang mga ito sa front mirror.
'Panginoon mg Jesus, ano po kaya ang ibig sabihin ng kaba kong ito? Hindi ito nerbiyos kundi mayroong nais ipakahulugan. Please help me to understand, Father God in heaven.' Pipi niyang panalangin.
Kaso habang papalapit sila sa tahanan ng mga Xavier ay mas lumalakas ang kaniyang kaba.
Pero!
Ganoon na lamang ang pagkagulat niya ng sila ay nakarating sa tahanan ng mga Xavier!