"KUNG ayaw kong Uncle na naman sng itawag ko sa iyo ay pumayag ka na sa sinasabi ko." Pangungulit ni Camille sa tiyuhing kaedaran.
Well, stubborn and ruthless kung tawagin ito ng ibang tao. Ngunit para sa kanilang pamilya ay iba. Dahil bukod sa kapre, Giant, Dungeon King na bansag nila ay mabait ito. Nagkataon lamang na talagang menopausal baby.
"Tsk! Tsk! Mas hindi mo makukumhinsi si Tukayo, bunso--- Ah, kapwa naming ni brother PM--- Ayon kapwa ko PM---"
Kaso ang pagpagitna ni Pierce Marc o PM ng mga Smith ay tuluyan ng hindi natapos. Dahil hinarap ito ng pamangkin.
"Ano ba, UNCLE PIERCE MARC! Navy officers tayo sa pagkakaalam ko hindi naman pulitikong maraming pasikot-sikot sa speeches eh. Kung gusto mong samahan ka namim sa Baguio ay huwag kang magpaligoy-ligoy. Susme! Dinaig mo na ang torpedos na iniwan natin sa dagat. Ang mga aerial bombs sa himpapawid!"
Sa kanilang tatlo ay ito lang ang babae. Pamangkin nila ito. Ngunit dahil sa menopausal baby siya ay ito ang kaedaran. Samantalang ang kapwa PM ay ahead sa kaniya ng tatlong taon. Bunso naman itong anak ng tiyuhing dating military general. Pero dahil pare-parehas at nagpang-abot sila sa navy training centre ay para silang magkakaedad.
"Pierce Marc, Camille, kahit saan n'yo gustong pupunta at isasama ako ay kailangan pa rin nating umuwi sa London. Dahil nandoon sina Mommy at Daddy. Halos pitong taon na simula umalis ako ng London at ganoon na rin katagal na hindi ko sila nakita. As you are. Kaya't huwag na kayong umangal---"
Subalit sa pahayag niya ay mas hindi niya natapos. Dahil muling kumulog ang babaeng pamangkin. Hindi lang iyon, nagmistula pa itong nanalo sa lotto. Dahil bukod sa basta ito yumakap sa kaniya na kamuntikan nilang ikatumba ay nagtalon-talon pa talaga.
"ANO ba?! Gusto mong umuwi sa Thailand kasama kami ni Marc o bahala kang mag-isa sa buhay mo?!" Dahil na rin sa gulat ay napalakas ang kaniyang boses.
Aba'y paanong hindi siya mapapasigaw samantalang nagmistula na naman itong batang spoiled brat! Wala namang problema sa kaniya kaso kamuntikan silang matumba.
Kaso imbes na matakot sa lakas ng boses ay napaismid lamang. Napa-crossed arms pa nga ito.
"Whatever, UNCLE PIERCE MATTEO. Walang bawian ng pagpayag."
"Ikaw din, Uncle Pierce Marcus. Sigurado akong matagal ka ng gustong makasama nina Grandpa Uno at Grandma Mirriam."
Well, sa hitsura pa lang ng malditang may sungay na bipolar ay mayroong binabalak. Ngunit kung ano man iyon ay ito na lang nakakaalam.
Tuloy!
Nagkatinginan ang dalawang PM dahil sa inasta ng pamangkin nila!
UNITED KINGDOM sa tahanan ng mga Miller.
"Hmmm... Mukhang nagparamdam sa iyo ang kapreng iyon, anak. Kumusta ka na?" tanong ni Mrs Miller sa personal bodyguard ng bunsong anak.
Himala naman kasing nasa mansion ito. Samantalang simula noong sumanib sa navy ang anak ay ganoon din ito. Nagsimulang muli sa military department as trainee. Dahil nagtapos naman ito kasabay ng anak nila. Kaso mas ginusto namang bantayan at siguraduhin ang kaligtasan nito. Kaso ganoon din, kapag off duty sa military department ay sa MCML naman ito nakatambay kasama ang mga dating kasamahan.
"Kung hindi ako nagkakamali ay pitong taon na sa susunod na buwan. I mean, ganoon na po katagal na nawalay si Master PM sa piling natin dito sa London. I kinda miss him, Madam Miller. Kahit pa sabihin nilang masungit at ruthless. Let's say that is his assets," bagkus ay tugon nito.
Tuloy!
"Alam ko, Archy. Dahil kami man ay matagal na ring umaasa na lumapag na ang kapreng iyon. Kilala mo na siya kaya't kahit ano'ng gawin natin ay puti ang puti. Kumusta ka na? Ayon sa mga kasamahan mo ay inaabuso mo na raw ang iyong sarili. Huwag mong pabayaan ang iyong kalusugan. Dahil siguradong iyan din ang sermon ng dati mong amo."
Hindi na rin napigilan ni Martin Luther ang ipahayag ang saloobin sa apo ng dating sniper ng mahal na asawa noong kapanahunan nila. Saksi silang mag-asawa kung paano ito nagpatuloy habang wala ang kanilang anak. Tinukso-tukso pa nga ng anak nilang babae na kasintahan nito ang among kapre dahil na rin sa ilang buwan itong nagkukulong. Dahil na rin sa pag-adjust.
'Loyalty ang tawag doon, Madam Victoria Katherine. Maaring sabay kaming lumaki at nag-aral ni Master PM ngunit kung wala akong loyalty at tiwala rito ay matagal ko na siyang iniwan. Ngunit ako ang uri ng taong iniuukit sa aking puso ang mga taong deserving. Isa na roon ang pamilya ninyo. Lalong-lalo na ang aking master.'
Mga salitang binitiwan nito ilang taon na ang nakalipas.
"Tama ang asawa ko, Archy anak. Kaya't kung pumarito ka upang makibalita kay Kapre ay masasabi kong nauntog na at napapayag ng pamangkin. Walang nakakaalam kung kailan sila darating. Dahil ang sabi ng isa pang PM ay nasinghalan at nasapak ng babaeng iyon ang tiyuhing kaedaran."
Kaso halos hindi pa natapos ni Ginang Miller ang pahayag ay napa-YES na sng binatang si Archy. Kaso maaring inisip nito na baka masamain nila ang pagtayo ay kaagad ding nagpaliwanag.
"Ilang taon ko na iyang hinihintay na marinig mula sa inyo, Madam, Sir. I really miss my master. About my health? Narinig ko minsan sinabi ni Madam Victoria Katherine kay Master PM, mas malakas pa ako kaysa kalabaw ng mga magsasaka sa Pilipinas. Ibabalita ko po iyan sa mga kasamahan ko. Lalo at sila rin ang nag-udyok sa akin upang makibalita sa inyo. And..."
Nais tuloy sapakin ni Mrs Miller ang kaharap. Aba'y may pabitin-bitin pa itong nalalaman. Kaso ang asawa naman niya ang nagsatinig sa kaniyang iniisip.
"Mas excited ka pa sa amin, anak. Pero maari bang ipaalam mo sa amin ng Tita mo kung ano ang kasunod ng and na iyon?" tanong nito.
"Sorry po sa inasta ko kani-kanina lang, Madam, Sir. Actually, masaya lang po ako sa kaalamang uuwi na si Master. Kako sana sa lalong madaling panahon ay nandito na siya dahil mayroon akong nasagap na balita tungkol kay Miss Isabella. Noong nawala raw pala ito sa Madrid ay nagdadalangtao. Hindi ko lang nalaman kung triplets ba o kambal. Puwede ring quadruplets---"
Sa narinig ay hindi na pinatapos ni Claire ang paliwanag mg kaharap. Dahil sa kaalamang may apo na pala siya sa menopausal baby niya ay bigla siyang napatayo.
"My love, hayaan mong matapos ai Archy. Malay natin baka bumalik sa Madrid ang pag-ibig ng kapre nating anak."
Pananawata tuloy sa kaniya ng asawa bago bumaling sa binata. Kaya naman ay binalingan niya ang binata saka tumango-tango.
"Kahit gustong-gusto ko sanang si Master PM ang una kong pagsasabihan, Madam, Sir. Ngunit dahil nasimulan ko na ay aking tatapusin. Tama po ang nasabi ko. Buntis ang kasintahan ni Master PM bago biglang naglaho sa Madrid. Nauna pa itong nawala na sa society kaysa pagsanib ni Master sa navy."
Ayon!
Natapos din ang pagbabalita ng isa pang bunso.
Still, it takes time for them to compose themselves.
"Kung ganoon ay hintayin natin itong lumantad. Dahil aminin man natin o hindi ay mahirap hanapin ang taong nagtatago. Dahil kahit walang aamin sa inyo ng mga kasamahan mo ay iyan ang misyon ninyo kung bakit himalang hindi ka sumama sa himpapawid kay Kapre."
"Alam naming nais mo ring bisitahin ang dungeon, anak. Kaya't huwag mo kaming alalahanin ng Madam mo. Always remember, take care of yourself. Dahil iyan ang puhunan mo sa iyong pagtatrabo."
Mga ilan sa salitang nanulas sa labi ni Mr Miller. Kaya't hindi na rin nagtagal ang binata. Ganoon din silang mag-asawa. Nagpatuloy sila sa usaping may anak na ang kapre nilang supling. Iyon nga lang ay talagang walang nakakaalam kung nasaan ang mag-ina.
BANGKOK THAILAND
"HOLY CHRIST! What's the meaning of that dream? It's almost eight years since we have been living in this country. But, all of sudden." Napaantada tuloy ang dalagang ina na si Isabella.
And, yes!
Ilang buwan na lamang ang lilipas ay walong taon na silang mag-iina sa Bangkok. Doon siya napadpad noong umalis siya ng Spain. Kahit miss na miss niya ang bansang sinilangan lalo na sng kaniyang ina ay tiniis niya ang pangungulila na iyon. Dahil bukod sa sigurado siyang kamatayan ang ipapataw ng ama ay hirap na hirap din siya sa mga naunang taon. Hindi man siya naghirap pagdating sa pera. Subalit dahil tatlo ang isinilang niya o ang bunga ng pagmamahalan nila ni Pierce Matteo Smith Miller. Para sa tulad niyang foreign sa bansang Thailand ay hindi naging madali ang nag-adjust.
Kaso!
"Mom! Are you okay? Shall we call the ambulance to take you to the hospital?"
"What's happening to you, Mommy? It's been a while since we are arguing in front of you, but you never say a word!"
"Brothers, go and take the phone now! We need to ask for the help of the hospital. I guess something happened to our mother. That is why she is not saying a word!"
Mga salitang nanulas sa labi ng triplets. Ang mga anak niyang naging source of strength niya. Bukod sa kasintahan o ama ng mga ito ay wala na siyang ibang nakilala sa pamilya nito. Kahit pa madalas nitong sabihing na nabibilang ito sa malaking pamilya. Ganoon pa man, kahit muling napalalim ang pag-iisip niya ay naging maagap siya bago pa muling magsalita ang tatlo.
"Kids, thank you for waking me up as well as for your concern to me. But don't worry because I'm perfectly fine. Come and give me a morning hug." Nakangiti niyang iminuwestra ang mga braso.
Hindi nga siya nagkamali dahil nag-unahang sumampa ang tatlo sa kaniyang higaan. Kaso dahil ang babae sa mga ito ang pinakamalapit ay ito rin ang naunang nakayakap sa kaniya. Subalit kagaya ng dati ay hinayaan lamang ito ng dalawang lalaki.
Kayakap niya ang mga anak. Ngunit ang isipan ay abala pa rin sa kakaisip kung ano ang nais ipakahulugan ng panaginip sa kaniya.