CHAPTER TEN

1610 Words
"WHAT the hell you are all doing here? Maari na kayong magsiuwi sa Thailand! Hah! Uncle kayo nang Uncle samantalang mas matanda kayo kaysa sa akin!" sigaw ni Pierce Matteo sa mga pamangkin. "Tsk! Tsk! Alangan namang Kuya Matteo samantalang younger brother ka ni Mommy. Natural lang naman na Uncle. Tsaka, ikaw ang nais kong tanungin. Ano'ng ginagawa mo rito sa pagamutan? Nagsawa ka na ba sa mga invention mo? Get up, UNCLE!" Mapanukso at ipinagdiin pang wika ng bunsong pamangkin. Ang tagapagmana nilang magkakapatid na mahilig sa explosive devices. "Bunso, oras na palayasin tayo ni Uncle dahil sa kataklesahan mo ay hindi tayo makapasok sa dungeon. Susme, ipinagdiinan pa talaga ang Uncle eh," saad ng panganay. Maaring magsasalita at mangantiyaw pa ang ina ng mga ito ngunit inunahan na niya. "Magsilayas kayong lahat sa harapan ko! Doon kayo sa bahay magkarambula!" "Ate, bitbitin mo na ang mga iyan at dslhin mo sa bahay. Susme! Tinalo pa ang mga bantay sa bahag eh!" Nakasimangot niyang pinaglipat-lipat ang paningin sa mga pamangkin at nag-iisang kapatid na babae. Kaso kagaya lang ng inang nakataas ang kilay. Mabuti na nga lamang at hindi na nagsalita ang pangalawa sa mga ito. "UNCLE, kami ngayon ang bantay. Dahil uuwi ngayon din sina Grandpa at Grandma kasama si Mommy. Heh! Huwag ka ng umangal. Dahil kailangan mong magpagaling. Mayroon akong ipapagawa sa iyo." Ayon na naman ang Victoria Katherine the second sa kaka-uncle! "Well, see you at home tomorrow, little brother. Dahil doon na tayo magkuwentuhan." "Kayong apat, kung gusto ninyong makapasok sa dungeon ay huwag n'yong kulitin nang kulitin ang Uncle Pierce Matteo ninyo. Alalahanin ninyong siya ang hari roon." Well, ang paborito niyang kapatid at asarin. Salubong na naman ang kilay. Kaya't bago pa ito kumulog ay inakay na ni Victoria Katherine ang ama't ina. The youngsters will take the wheel. Lalo at kitang-kita niya ang pagtaas ng kilay na salubong. MAKALIPAS ng ilang sandali habang sila ay nasa daan. "Tama nga naman ang kapatid mo, Hija. Ano'ng ginagawa ninyong mag-iina rito sa London? Mabuti sana kung kasama n'yo ang asawa mo ngunit wala naman," pukaw ni Ginoong Martin Luther. "Father the great, huwag ka ng magtaka sa aming pasulpot-sulpot. Totoo ang sinabi ng babaeng iyon kay bunso about dungeon. Ang mga barako ay may meeting sa Paris. Actually, kaming mag-asawa lang sana ang paparito. Kaso mas excited pa ang apat. Kaya't ang kinalabasan ay sama-sama kaming anim. Nasa bahay na ang asawa ko," paliwanag nito. "Ikaw na babae ka sy mukhang kinalawang na ang isipan mo ah. Ang haba nang isinagot mo ngunit nanatiling unanswered ang tanong. Mas paniniwalaan ko pa kung sasabihin mong pinasyalan mo sina Isabelle at Theodore sa Amalfi," ismid tuloy ng ina. Tuloy! Napahalakhak siya. Mary Claire the second daw siya at Victoria Katherine the second naman ang bunso niyang anak. "Hanep si Mommy, oo. Kapag tatawag ang babaeng iyon at sabihing nadulas ay may kasalanan pa tayo. Rason? Kung kaming mag-asawa ay mamasyal lang at na-miss ko po ang tinis ng boses mo at pangungunsenti ni Daddy," nakatawa niyang paliwanag. Kaso mas tinaasan lang siya ng kilay. Maaring magsasalita pa kaso inunahan ng mahal niyang ama. "Kung ganoon ay hayaan mo na ang apat sa hospital. Mamaya ay kakausapin ko ang bunso mo. Alam mo namang nakikinig ang kapatid mo roon. Actually, kayong mag-ina ang nakakasupalpal," saad nito. Kaya naman ay lumingon siya rito. Sa hospital pa niya nais itanong kung bakit nasa pagamutan ang menopausal brother niya. Kaso mas nauna naman kasi ang harutan ng mga anak niya sa Uncle nilang hate na hate na tawagin sa ganoon. "Ako na ang magpaliwanag. Kaya't huwag mo ng itanong. Mayroong eye problem ang bunso mong kapatid. Kaya't sabi ng Daddy mo ay kausapin niya si Angel at ito ang kukumbinsi sa kapreng iyon upang magpa-opera habang maaga pa. Lalo at mayroon pala itong pneumonia. Oras na hindi maagapan ay mauwi sa cancer." Kung napalingon siya sa ama nang nagsalita ito ay ganoon din ang ginawa sa ina. Bagong-bago iyon sa kaniyang pandinig. Healthy na healthy pa naman ang kapre niyahg kapatid. "Oo, anak. Tama ang sinabi ng Mommy mo. Ngunit kung hindi pa nawalan ng malay noong isang araw ay wala kaming nalaman. Alam mo namang super duper loyal ang mga tauhan niya sa kaniya. Pinagtatakpan madalas ang kapatid mo. Itong Pierce naman ay inaako ang responsibility daw para sa mga ito." Pagsang-ayon ng ama. Tuloy! Kulang na lamang ay left and right siya bumaling! Aba'y nasa ganoong puwesto naman kasi ang mga magulang. Still! Nanaig ang kagustuhang alamin kung ano ang tunay na nangyari. Sa mismong kapatid na lamang niya itatanong ang tungkol sa babaeng kinababaliwan ayon sa mga pinsan nilang Espanyol. "Mom, Dad, huwag na kayong magtaka sa loyalty and trustworthy men ni Kapre. Dahil mula pa sa inyo, sa aming mga anak ninyo ay ganoon na ang mga ninuno ng bawat isa sa mga iyon. Lalong-lalo na ang anim including Archy. Apo iyon ni Uncle Anaconda. Tungkol sa kalagayan ni kapre ay kailangan talaga nating kausapin ang taong iyon bago matuluyang maging kapre. It's very awkward to say, but I will say it, too. Let's trust that brother of mine. He will surely survive on this." Muli niyang pinaglipat-lipat ang paningin sa mga magulang. At sa kanilang pagpapatuloy habang nasa biyahe ay nauwi rin sa kung ano-ano ang pinag-usapan. "I'M SORRY, Madam. But don't be scared. I only wake you up. Because you are dreaming, and I guess it's a bad dream." Malamyos na tinig ng isang unipormadong female flight attendant ang sumalubong sa kaniya nang imulat niya ang mga mata. "It's okay, Miss. Where are we now?" tanong niya saka umayos sa pag-upo. Ngunit nais niyang batukan ang sarili. Dahil nagtanong siya na hindi man lang tiningnan ang television sa mismong upuan. Nasa VIP section pa naman siya. Sa loob mismo ng British Airways ay dinalaw siya ng panaginip tungkol sa unang pagsuko niya sa ama ng nasa kaniyang sinapupunan. "We are still up in the sky, Madam. But after forty-five minutes, we will be in Suvarnabhumi Airport (BKK). By the way, Madam. Since we left London Heathrow (LHR) eleven hours ago, you haven't touched any of your food. Are you not comfortable with our food? How about snacks, Madam?" Alam naman niyang nag-aalala lamang ito at ginagawa ang trabaho. Ngunit tanging siya ang nakakaalam kung bakit hindi siya kumakain. Sa katunayan ay twenty-four hours ng walang laman ang kaniyang tiyan na matinong pagkain. Dahil sa sari-saring rason. Idagdag pa ang pagtapak niya sa London na hindi man lang nakausap ang mahal na kasintahan. Kinailangan naman niyang ibahin ang routa niya upang mailigaw ang ama na siguradong naghahanap na sa kaniya. Kaya't Spain to London. At London to Bangkok Thailand. "Thank you for your concern, Miss. But I'm perfectly fine. I indeed had a dream a while ago, but it's a part of my childhood. About the food, I will eat them now. My child is now starving. During the whole duration of our flight, I indeed didn't eat anything. But don't worry about me." Nais din niya itong e-comfort. Lalo at mukha namang sensero sa paglapit sa kaniya. "I'm glad to hear that from you, Madam. Okay, just approach any of us if you need something," nakangiti nitong sabi saka bahagyang yumuko bilang pamamaalam. Tanging tango at ngiti na lamang din ang kaniyang isinagot. 'Father God in heaven. Please watch over me and my child. I live my life in Europe, and now I'm in a foreign country. But, with you, I will survive. In due period of time, I will go back to Madrid to face them, including the father of my child.' Taimtim niyang panalangin bago nagsimulang buksan ang pagkain na nasa table niya sa loob ng VIP section sa British Airways. NANG nakalabas si Pierce Matteo sa pagamutan ay kaagad niyang sinubukang tinawagan ang kasintahan. Ngunit sa loob ng isang linggo ay ganoon pa rin ang sagot ng linya. 'The number that you have dialled is out of coverage area. Please try again later.' "F*ck! Where did she go, and I can't contact her?" Dahil na rin sa sari-saring emosyon ay hindi na niya napigilan ang sariling napamura. "Anak, kung hindi mo matawagan ay subukan mo sa social media---" "Hey, man! What the hell are you doing?!" Maaring sa kabiglaan ng ina dahil basta na lamang siya napatayo mula sa pagkaupo ay nasinghalan siya ng wala sa oras. "Aakyat ako sa room ko, Mother earth. Nandoon ang laptop---" "Tsk! Tsk! Twenty-five ka lamang ngunit mukhang umurong na ang utak mo eh. Buksan mo na sa iyong cellphone. Alam ko namang mas high-tech pa iyan sa gadget ng may gadget. Susme! Nang dahil sa pag-ibig ay mukhang bumaba na sa iyong talampakan ang isip mo eh!" Pamumutol nito sa nais niyang sabihin. Ngunit wala iyon sa kaniya. Dahil ang mahal niyang ina ay nagpapaalala lamang sa kaniya. Kaso! "Son, gawain ninyo ng mga tauhan mo bago ka pa na-ospital. So, bakit hindi n'yo gawin ngayon? Oras na rin upang kausapin mo siya ng masinsinan lalo at Smith ang sinabi mong apelyido. Dahil kung patagalin mo pa iyan ay baka magka-backfired." Dahil sa tinurang iyon ng kaniyang ama ay nag-isang linya ang kanilang paningin. But, at the end, tinawid niya ang pagitan nilang mag-ama saka yumakap dito. "I love you, Daddy. Iyon po ang gagawin ko. Pupuntahan ko muna sina Archy sa dungeon---" Kaso! Bago pa siya makagawa ng anong hakbang ay nasa tabi na nila ang personal bodyguard niya. Ngunit sa hitsura pa lamang nito at paghabol sa hininga ay siguradong bad news na naman ang dala-dala. Ano na naman ang problema?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD