CHAPTER ONE

1094 Words
"S-SINO ka? B-bakit mo ako hinarang?" Bakas ang takot sa tinig ni Isabella sa mukhang kapre sa tangkad. No, she should say he looks like a mafia king. "Miss, hindi naman ako nangangain ng tao. Ngunit gagawin ko iyan kung patuloy kang iiwas sa akin," tugon nito. "H-hindi naman po kita kilala kaya't natural na iiwas ako. D-diyan ka na at ma-late na ako sa aking trabaho," nautal pa rin niyang tugon. Aba'y paanong hindi siya mauutal samantalang bukod sa napakatangkad nito ay maitim na maitim pa ang buhok. Ang labi ay parang nililok ng pinakamagaling na pintor. Kahit nga ang kilay ay tinalo ang kilay niyang babae. He looks like a living statue. "Miss, hindi mo talaga ako makikilala kung iwas ka nang iwas. Saan ka ba papasok at ihahatid kita?" tanong nitong muli. Kaso dahil sa malaliman niyang mag-iisip ay napakislot siya nang nagsalita itong muli. "Well, ikaw din. Private car ang pinakamabilis na paraan upang makabalik ka sa city. Based on your uniform, you are a public teacher. Kaya't sabihin mo na kung saan kita ihahatid," anito. Kaya naman ay napatingin siya sa kaniyang pambisig na orasan. Tama ito. Ilang minuto na lang ay flag ceremony na. Ayaw na ayaw pa naman niya ang nahuhuli sa klase. "Okay, wala akong pagpipilian sa ngayon. Dahil talagang mahuhuli ako. Ngunit baka naman maari kong malaman ang pangalan mo. Kung ako ay Isabella Lopez. Purely Spanish citizen." Wala na rin siyang nagawa kundi ipakilala ang sarili. Natatakot siya ngunit naisip din niyang kung gusto siya nitong saktan ay hindi na siya aalukin ng paghatid. 'Sa kaniyang pananalita ay hindi local na Spanish man. By his accent, he is from Great Britain,' aniya sa kaniyang isipan. "Pierce Matteo Smith. Pero maari mo akong tawaging PM. Sa palagay ko naman ay hindi nagkakalayo ang ating edad. Kaya't huwag mo na ang po. Okay, where will I drop you?" tanong nito. "Sa International School of Madrid-Secondary School. Doon ako nagtuuro. Hmmm... Sa susunod na gusto mo akong kausapin ay huwag mo akong takutin. Sige, pakihatid na ako roon." Aminado siya na mayroong takot na nadarama sa oras na iyon. Ngunit dahil ma-late na talaga siya ay sumang-ayon na lamang siya. Kaya't imbes na ipakita o ipahalata niya ang kaniyang takot ay pumasok na lang siya sa sasakyan nito. Sa tugon ng dalaga ay lihim na nagbubunyi si Pierce Matteo. At bago pa magbago ang isipan nito ay binuhay na lamang niya ang sasakyan. 'Well, hindi ko sasayangin ang oras ko rito sa Madrid, Miss Lopez,' pipi niyang bulong. UNITED KINGDOM "Kung wala si Pierce sa dungeon, aba'y nasaan siya? Hah! Nakulot na naman ba ang utak at lumusob na naman sa ilalim ng dagat o nagkaroon ng pakpak at lumipad?!" malakas na tanong ni Claire sa asawang Briton. Kaso mas nagsalubong ang kaniyang mga mata dahil napahalakhak ito. "Wifey, aba'y binata naman ang taong iyon. Kaya't hayaan mo siyang pumunta kung saan niya gusto. At isa pa, ano ba ang ipapagawa mo sa kaniya---" Kaso hindi na pinatapos ni Claire ang asawa. Maaring ordinaryong tao ang menopausal baby nila. Ngunit pagdating sa ugali ay ibang-iba sa mga kapatid. Akala nga nila noon ay ang nag-iisang babae ang hard-headed at hot tempered. Subalit sa paglaki ni PM ay saka nila napagtantong sinakop nito ang lahat. Kabilang na roon ang talino at talento. National and international ang black card nito galing sa gobyerno samantalang ang babae ay international lamang. "Ikaw na Briton ka, oras na iba na naman ang pinagkakaabalahan ng taong iyon ay kasalanan mo. Pero kung nandiyan ang mga tauhan niya at siya ang wala ay siguradong mayroong ginawa---Wait! Ah, that rascal is out of the country!" Ayon! Hindi magkandatutong sabi ni Claire. May tatlong bansa itong madalas puntahan kung outside the country. Either Spain, Amalfi Italy, and Thailand. Bihirang-bihira ito kung mapadpad sa Pilipinas kaya't niya na lang isinali. Kung nasa bansa naman ay sa dungeon nakatambay. "Maniwala ka sa akin, wifey. Nasa Spain iyon. Ang hindi ko lang alam ay kung ano ang dahilan at nandoon ito. Naulinigan ko kasi kanina sa mga guwardiya kaya't alam kong nandoon ito," wika ni Martin Luther Miller. "Sa lagay na iyan ay manghuhula muna tayo, hubby ko. Malalaman din natin iyan pagbalik niya. Ngunit sa susunod ay alamin mo kung saan-saan nagsusuot ang taong iyon lalo at mas bipolar pa kaysa Ate niya," saad ni Claire ngunit muli siyang napatingin sa asawang napahalakhak. "Don't get me wrong, wifey. Dahil anak din natin ang sinasabi mong mga bipolar. Well, nagkataon lamang na mainitin ang ulo ng dalawa unlike ang kambal. Let's say they are both prodigy and geniuses when it comes to everything. Trust them, wifey." Kaagad nitong paliwanag lalo at nagsalubong ang malago niyang kilay. Sabagay nga naman. Tama ang mahal niyang asawa. Ngunit natatakot talaga siya para sa bunsong anak. Dahil sinakop nito ang lahat ng talino mayroon ang mga kapatid. Kahit pa sabihing matatalino talaga ang apat nilang supling. Sa bunso siya nakaramdam ng ganoong kaba sa tuwing wala sa kabahayan. Mas nanaisin pa niyang nasa babaeng kapatid sa Thailand o sa mga kamag-anak nila sa Spain. MADRID SPAIN "Ngayong nakadaupang palad mo na ang teacher na iyon, boss. Ano ang susunod mong hakbang? Hindi naman lingid sa iyong kaalaman na sworn enemies ang pamilya Miller at Lopez. Ah, Marcus Lopez, I should say. Dahil ang asawa ng tiyuhin mo rito ay Lopez din---" Kaso napataas ang kilay ni Pierce Matteo dahil basta ito napatigil sa pananalita. "Tsk! Tsk! Kung hindi lang kita nakitang umuwi sa bahay ninyo bago tayo pumarito ay akalain kong may itinatago kang asawa eh. My Auntie Leonara is one of a kind person. Ang Marcuz Lopez na ito ay--- Well... Itatanong ko muna kay Auntie Leonara kung kaano-ano nila," aniya. "Iyon na nga, Boss. Maraming magkakaparehas ng pangalan at apelyido sa nundong ito. Ngunit malakas ang kutob kong magkakilala sila. Huwag mong masamain, bossing. Pero ano ba ang plano mo sa teacher na iyon?" patanong nitong sabi. "Huwag kang magmadali, Archy. Malalaman mo rin sa takdang panahon. Basta mahing low profile muna tayo habang nandito tayo sa Sapin. By the way, did you call our comrades in England?" balik-tanong niya. "Yes, bossing. Hinahanap ka raw nina Sir Martin at Ma'am Claire. May edad na ang Mommy mo pero mahablot pa no'n ang taong hindi magustuhan. Oops! Seriously, Young Master. Talagang WWIII kung ayaw mong ipaalam sa mga magulang---" Kaso hindi na natapos ng personal bodyguard ni Pierce Matteo ang sinasabi. Dahil nagkagulo-gulo na! Ang masaklap ay sila pa ang itinurong mastermind!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD