CHAPTER TWO

1066 Words
"ANO'NG ginagawa mo rito sa kulungan, anak? Hindi ka naman basagulero sa pagkakaalam ko," tanong ni Aries sa pamangkin. Ang menopausal baby ng second cousin niyang nakapag-asawa ng British national. Sa katunayan ay kaedaran ito ng apo niyang si Gianna Isabella o ang bunsong anak ng isa sa quadruplets nila na nakapag-asawa ng Italian at best friend naman ng kapatid nitong babae. Over all, mga apo na nilang magpinsan ang kaedaran nito. Actually, double pamangkin. From his grandmother Allien Grace o tiyahin ng ina in Cameron side na asawa ng abuelong si Marc Joseph Mckevin na kapatid naman ng mismo niyang abuela na si Florida Bryana Mckevin. Kaso! "Uncle, tell those st*pid officers to release me now. Mukhang hindi mga opisyal dahil sa ginawa eh. Nang-aresto na hindi man lang nag-imbestiga! Damn them! Sila ang gagawin kong bala ng jet plane ko!" Kulang ang nagngingitngit upang ilarawan ito. "Senyor, tama po ang sinabi ng master ko. Nandoon lamang kami sa lugar na iyon dahil nagkataong doon namin makikita si Miss Isabella. Kaya't pakiusap na po. Kausapin mo ang mga amaresto sa amin upang palabasin kami." Pagsang-ayon pa ng personal guard nito. Kaya naman ay napatingin siya rito. Ngunit muling ibinalik sa pamangkin ang paningin lalo at halatang galit na galit pa rin. "Yes, I will, Pierce anak. Mabuti na nga lang at namukhaan ko kayo ni Archy kanina kaya't sumunod ako rito. Pero maari bang malaman kung alam ng mga magulang mo na nandito ka ngayon sa Spain?" patanong niyang sabi. SA tanong ng kaniyang tiyuhin ay napahingang malalim si Pierce Matteo. Dahil sa katunayan ay walang kaalam-alam ang mga magulang niya. Legal siyang lumabas ng London at pagpasok ng Madrid. Ngunit hindi siya nagpaalam sa mga magulang. "Hindi po, Uncle. Dahil pumarito ako hindi dahil sa negosyo kundi personal na bagay. Ngunit dahil sa mga lintik na iyan ay bumagsak ako rito sa kulungan ng wala sa oras. Huwag mo na pong ipaalam sa kanila, Uncle. Baka si Mommy pa ang magpasabog dito. Just help me to get out of this f*ckin' place." Wala rin siyang nagawa kundi ang magtapat. Ngunit sa kaniyang isipan ay talagang kumukulo ang dugo niya. Maraming nakahelira sa dungeon niya na iba't ibang uri ng bomba. "Okay, son. Calm yourself now. Maiwan ko muna kayo rito at pupunta ako kay hepe. Sa bahay na lang tayo mag-usap mamaya," tugon nito saka tinapik-tapik ang balikat niya bago tuluyang umalis sa seldang pinagdalhan sa kanila ng mga pesteng pulis patula! NANG silang dalawa na lamang ng personal bodyguard. "Boss, itatanong kong muli. Itutuloy pa ba natin amg lakad natin dito? I mean tungkol kay Miss Lopez," tanong ng kaniyang bodyguard. "Of course, Archy. Kung totoo man ang report ng kasamahan natin na anak iyon ni Marcus ay mas mabuti pa. Ngunit kung ka-apilyedo lamang ay wala ring problema," tugon niya. Nakatayo pa rin siya habang nakakapit sa rehas. Ang bakal na rehas naman nag naging pagitan nila ng tiyuhin. Pero dahil sa galit na lumulukob sa kaibutuwiran ng kaniyang pagkatao ay nanatili siyang nakatayo. "Pero mayroong gumugulo sa aking isipan, Master. Pierce Matteo Smith Miller ang buo mong pangalan. Ang bunsong anak ng mag-asawng Miller sa United. Mga dating mafia conquerors. Pero bakit hindi mo sinabi kay Miss Lopez ang Miller? Sigurado naman akong mas aatras sila kung Miller ang ginamit mo. Pero bakit Smith?" dinig niyang sabi nito. Ngunit dahil sa tanong nito ay unti-unting napalitan ng liwanag ang madilim na mukha. Well, maaring sworn enemies ang pamilya ni Marcus Lopez at Miller. Ngunit hindi siya papayag na maapektuhan ang babaeng pumakaw sa kaniyang puso. Actually, hindi niya pinansin ang paliwanag nito tungkol sa mga magulang. Sabagay, hindi lang sa oras na iyon niya iyon ginawa. Madalas pa sa minsan! "Well, maaring hindi pa sa ngayon. Ngunit sigurado akong mapapasaakin si Isabella. Dahil walang ibang magmamay-ari sa kaniya kundi ako." Mula sa pagkatayo at nakakapit sa bakal na rehas ay dahan-dahan siyang natungo at naupo sa double deck na higaan sa loob mismo ng selda. "Boss, may tiwala naman ako sa iyo. Pero amimado akong natatakot para sa tulad mong sa unang pagkakataon ay naging interesado sa babae. What if your good intentions will turn into backfire?" Sa pananalita pa lamang nito ay talagang halata na ang takot. Well, hindi na iyon nakapagtataka. Dahil bukod sa personal bodyguard niya ito at apo pa ng dating tauhan ng magulang niya ay kaibigan din niya. "Brother, huwag kang matakot. Hayaan mo ang mga Espanyol na iyang magkarambola dahil sa atin. Hah! Those pests are really annoying. Mabilis kumilos ang pera. Remember, euros din ang gamit natin sa London. At isa pa nandiyan si Uncle Aries Dale. Kaya't ipanatag mo na ang iyong sarili. Paglabas natin dito ay si Miss Isabella naman ang ating haharapin." Well, nagsasabi lang naman siya ng totoo. May tiwala siya sa kaniyang kakayahan. Kaya nga may hawak siyang black card mula sa British government both international and national. DAHIL wala namang kaalam-alam si Isabella kung ano ang ipapagawa ng kaniyang ama ay naglakas-loob siyang sumalungat. "Papa, hindi naman po iyan makatwiran. Bakit ko idedemanda ang taong kailanman ay hindi ko nakita?" Hindi kaila sa kaniyang boses ang pagkadisgusto at higit sa lahat ay pagtataka. "Shut up, Isabella! Kapag sinabi kong gawin mo ay nararapat lamang na sundin mo!" malakas nitong tugon. "Slowly, Marcus. Makausap mo naman ang anak nrin ng hindi ka sumisigaw. Mas lalong hindi ka niya susundin kapag ganyan." Pananaway ni Mrs Lopez. "Kausapin mo ang anak mong iyan, Adela! Sa kanilang lima ay siya lamang ang tanging matigas ang ulo! Hindi pa ba sapat na pumayag ako sa kaniyang kagustuhang maging guro?! Huwag na huwag kayong lalapit sa akin na walang nagawang desisyon!" sigaw pa nito sa kaawa-awa niyang ina. Hindi na nga siya sumagot pang muli. Ngunit sa kaniyang isipan ay hindi niya magagawa ang naulinigan mula sa ama. Still! "Okay, sabihin mo po kung ano ang gagawin ko sa presinto, Papa," wika niya makalipas ng pag-uusap nilang mag-ina. "Very good! Kung kanina ka pa sana pumayag disin sana ay hindi ka narinig sa akin ng kung ano-ano. Well, it's very simple, my child." Tuwang-tuwa pa itong nagsimulang magpaliwanag. Ganoon na lamang ang kaniyang panlulumo sa narinig. Hindi tuloy niya alam kung paano siya nakarating sa presinto. Pero! Pagpasok pa palang niya sa police headquarters ay nanlaki na ang kaniyang blue eyes dahil sa nalaman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD