Mabagal na itinutungga ni Kenneth ang alak. Matapos ang nakakapagod na pag-aasikaso niya sa magiging office ng SkyShip Express ay dumiretso siya sa isang bar kung saan nagkayayaan sila ng mga dating kabarkada.
Sina Kyro at Athan.
Nalaman na ng dalawa na bumalik na siya ng Pilipinas. At dito na raw sila sa Maynila nakatira kasama ang mga misis nila kaya't pinilit talaga siya na makipagpakita ngayon, sakto pa na ini-advance ang kaarawan ni Kyro.
Pagdating nga niya sa bar kanina ay kinantyawan siya nang kinantyawan. Kay tagal daw niyang nawala, buti buhay pa raw siya.
“Hindi ka nabo-bored dito, handsome? Want to go somewhere more exciting?” nang bigla ay bulong sa kaniya ng isang babae na tumabi sa kinauupuan niya sa may bar counter. She crossed her legs and gently brushed his hair seductively.
Napalunok si Kenneth nang makita ang kabuuan nito. She was wearing a black super sexy buckle dress. Halos kita na ang kaluluwa nito sa daring nitong kasuotan. Sa konting pagkakamali nga ng kilos nito ay marahil sisilip na ang pinkish na mga korona ng mga d*bd*b nito. Mataas na nakapusod ang buhok nito na nagbibigay-laya sa lahat na makita ang makinis nitong leeg at balikat. She was delightful to look at despite her thick makeup.
“Sumunod ka, ha? Hihintayin kita sa labas,” malanding bulong pa sa kaniya ng babae bago ito naglakad paalis.
Sinundan niya ito ng tingin at matamis na ngumiti sa kaniya nang minsan pa ay lingunin siya.
“Hindi mo papatulan ang chiks? Don't tell me you've already changed up when it comes to girls, bro?” mga tanong sa kaniya ni Kyro na may halong panunukso sa boses nang wala siyang naging kilos kundi ang umiling.
“Hindi natin siya masisisi, bro. Halos ten years ba namang nawala ang kaibigan natin. Syempre madami na tiyak ang nagbago sa kaniya,” panggagatong pa ni Athan.
“Sinong may sabi sa inyo?” maangas nang tuligsa ni Kenneth. Pagkuwan ay ibinottoms up ang alak sa kaniyang baso at tumayo.
“’Yan si Kenneth Fontalan na kilala namin,” natuwang wika ni Kyro.
“Matinik pa rin sa mga chiks!” pang-aasar din sa kaniya ni Athan saka nakipag-high five kay Kyro pagkatapos ay humagalpak ng tawa parehas.
Kenneth chuckled lightly. Hindi na niya pinansin ang dalawa na nagpapalakasan ng tawa. Sumunod na nga siya sa babae.
Makalipas ang ilang sandali ay kasugpong na nga ng dila niya ang sexy na babae sa loob ng isang kotse. Ang exciting na lugar na sinabi ng babae ay naging sa parking lot ng bar dahil tila sila tuyong mga dahon na nasindihan pagkadikit na pagkadikit ng kanilang mga balat.
Nakahatak ang mga kamay ng sexy na babae sa kuwelyo ng kanyang polo para malalim ang kanilang halikan. Animo’y tigang na tigang ang babae sa isang lalaki, na siya namang nagpapaulol kay Kenneth.
“Oh, d*mn!” he muttered when he realized she wasn’t wearing a bra. Wala siyang sinayang na sandali. In an instant, his mouth was suck*ng on her pinkish mammilla.
Manamis-namis at mabango ang tuktok ng d*bd*b ng estrangherang babaeng kaniyang kaniig. Tama lang na pinatulan niya ito. Hindi na masama.
Ang sumunod ay naibaba na niya upuan ng kotse kasama na ang p*nty ng babae. Handa na siyang angkinin ito. Nang bigla-bigla ay natigilan siya dahil nag-flash ba naman sa balintataw niya ang maamo at inosenteng mukha ni Leia—ang kaniyang kasambahay na malamang ay naghihintay na ngayon sa kaniyang pag-uwi doon sa bago niyang bili na bahay.
F*ck! Bigla-bigla ay natigil siya sa pagromansa sa babae.
“W-what’s wrong?” takang-taka tuloy ito na napatitig sa kaniya nang magmulat ng mga mata.
“Nothing,” aniya, tumataas-baba ang kaniyang dibdib.
“Kung ganoon ay ituloy na natin. Huwag mo akong bitinin,” babala ng babae. Hinuli nito ang kaniyang mga labi at siniil ng mas naglalagablab na halik.
"I'm sorry, but I can't continue anymore,” ngunit ay pag-iwas na ni Kenneth.
“What?!” dumagundong ang boses ng babae sa loob ng kotse.
Hindi na niya ito pinansin. Mabilis niyang inayos ang kaniyang sarili at lumabas ng kotse na parang walang nangyari.
“You’re a pathetic jerk! Bakla!” nanggagalaiti tuloy na pahabol na sigaw sa kaniya ng babaeng nabitin bago pinaharurot ang kotse paalis.
Napailing na lang si Kenneth habang pabalik sa loob ng bar. Inagaw niya ang iinumin dapat ni Kyro na alak. Siya na ang lumaklak.
“Ano’ng nangyari? Bakit ang bilis mong bumalik? Akala ko busy ka na sa pag-ubos ng katas ng babaeng iyon?” maang na tanong sa kaniya nito.
Umupo siya sa dating kinauupuan kanina. “Huwag ka na lang magtanong,” tapos ay sabi niya sa kaibigan. “Si Athan?”
“Tumawag ‘yung misis. Sinagot niya muna.”
Tumango-tango siya’t muling tumungga sa alak.
“Teka, may pumigil ba sa dapat ay gagawin mong pagpapaligaya?” balik-tukso na naman sa kaniya ni Kyro. Hindi pa rin talaga ito nagbago. Parang bata pa rin.
Bumuntong-hininga lang siya. Ayaw niyang sagutin dahil parang ang dyahe na amining dahil sa kasambahay niya kaya hindi niya napaligaya ang babae. Baka lalo siyang pagtawanan ng dalawang luko-luko na kaibigan.
“Hulaan ko, bro. Siguro may napupusuan ka nang babae, ano?”
Kung nasa college pa lang siguro sila tulad noon, tiyak na nabatukan na niya si Kyro.
“Umamin ka. Nahanap mo na ba ang katapat mong babae tulad namin?” pangungulit pa sa kaniya ng gunggong.
“Ano ‘yon, ha? Ano’ng pinag-uusapan niyo na katapat na babae? May syota ka na, Kenneth?” sakto na balik ni Athan. Ngingisi-ngisi ito.
“Hindi lang syota kundi fiancée ko na,” pagyayabang na lang din niya upang tigilan lang siya.
“Woah!” hindi makapaniwalang sabay na reaksyon ulit tuloy ng dalawa.
Inirapan niya ang mga ito bago pa man sila ulit makabigkas ng panunukso. “Akala niyo kayo lang ang may misis? Ako rin meron na. Actually, she is probably waiting for me at our house right now, kaya aalis na ako. Maiwan ko na kayo.”
Athan grinned. “At sino naman itong malas na babae? Kilala ba namin?”
“Hindi at ayoko siyang makilala niyo at baka kung ano lang ang sasabihin niyo sa kaniya,” patol niya na tatawa-tawa kasabay nang pagtayo.
Pilyong nagngitian sina Athan at Kyro. Para ba’y imposible talaga na magmamahal siya ng isang babae. Mga luko-luko talaga.
“Ano’ng pangalan niya, aber? Baka naman gawa-gawa mo lang ‘yan para makatakas ka?” tukso pa rin sa kaniya ni Kyro.
“Leia. Siya si Leia Rojales,” walang kagatul-gatol na sagot niya. At wala siyang pinagsisihian o pangamba dahil sigurado na talaga siya ngayon na mapapasakanya si Leia. Titiyakin niyang hindi siya mapapahiya.
“Naks, pangalan pa lang ay mukhang mabait na ang fiancée mo, bro. Sana makilala namin siya,” seryosong saad na ni Kyro. Kinamayan din siya.
“Soon,” tipid niya lang na sagot. Hands in his pockets, nilisan na niya ang lugar. Iniwan na niya ang dalawang kaibigan. Umuwi na siya dahil kahit hindi totoo na hinihintay siya ni Leia bilang fiancée niya ay baka hinihintay naman na talaga siya nito bilang amo nito.
Sinulyapan niya ang kaniyang relo sa bisig. Alas onse y media na. Ang tanga niya pala na hindi man lang naisip kanina si Leia na baka naghihintay sa kaniya dahil uuwi pa ito.
Nag-aalala siya habang nagmamaneho. Baka galit na si Leia sa kaniya. Sana lang ay hindi na siya hinintay. Sana umuwi na iyon kahit wala siya.
Pasado alas dose na siya nakarating sa bagong bahay niya. Napansin niya agad si Leia na nakatulog sa mahabang sofa. Naroon nga talaga at talaga namang naantig ang puso niya.
Guilting-guilty na nilapitan niya ito upang sana ay gisingin. Subalit nang matitigan niya ang mala-anghel nitong mukha habang natutulog ay napatiim-bagang siya. Agad na nademonyo ang kaniyang isipan.
Bakit? Bakit niya gigisingin pala si Leia? Mas maganda nga na sa bahay niya ito natutulog. Wala naman siyang pakialam sa asawa nito.
Ito na ang magandang pagkakataon, ang unang hakbang niya upang magulo ang pagsasama ng mag-asawa. Sigurado siyang naghihimutok na ngayon sa inis ang mister ni Leia at nag-iisip na kung anu-ano. Natitiyak niya na sa pag-uwi ni Leia bukas ay mag-aaway silang dalawa.
Ilang titig pa siya kay Leia bago nagpasyang buhatin ito. Napakamarahan niyang pinangko ito at inilipat sa isang guest room.
“I'm sorry, Leia, but I really need to do this. Kailangang masira kayo ng asawa mo para tayo naman ang magsasama,” madamdamin niyang bulong nang mas komportable nang natutulog si Leia sa malambot na kama. Kating-kati rin siyang halikan ang mga labi nito, pigil na pigil lang niya ang sarili. Isiniksik niya sa kaniyang isipan na kung gusto niya talagang makuha si Leia, dapat ay puros kabutihan muna ang ipapakita niya rito.
Magaan na lamang niyang hinaplos ang mamula-mulang pisngi ni Leia. “Sleep well, my love,” at saka buong pagmamahal na usal niya bago niya kintalan ng mabilis na halik sa noo nito.