KYLIE POV
Isang linggo na ang nakalilipas. Pagkatapos ng nangyare sa Gym hanggang ngayun naiinis pa rin ako kay Red. Sa isang linggo na hindi ko siya kinakausap eh todo effort naman siya para mawala ang galit ko. Nagsorry din naman siya sakin pag kabalik namin sa classroom pero hindi ko siya pinapansin o tapunan man lang ng tingin.
Pinahupa ko muna ang inis ko para hindi kami mag-away. Yun ang isa sa rason kung bakit wala akong oras para sa mga effort niya na magkaayos kami.
Sana man lang may maganda s'yang gawin ngayung araw para nawala na ang inis ko sa kanya. Second monthsary namin ngayun at siguro mamaya makikipag ayos na ako sa kanya. Siguro naman magtatanda na siya. Marealize man lang niya na nasaktan din ako. Biruin mo ako ang Girlfriend pero iba ang nasa isip niya. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin gayung dalawa naman kami ni Ayessa.
Kakatapos lang ng Filipino Sub namin ng lumapit sakin si Floyd.
"Ano hiniwalayan mo na ba?" Tanong ni Floyd. Napakunot noo naman ako. Simula ng araw na pinagtanggol niya ako walang araw na hindi sinasabi sakin ni floyd na hiwalayan ko si Red pero hindi ako nakikinig sa kanya. Mas nanaig sakin yung pagmamahal ko para sa kaniya. Hindi ito yung makakapaghiwalay samin ni Red. Sana lang ay hindi siya mapagod sakin. Kailangan ko din ng assurance na ako lang ang babaeng mahal niya.
Hindi sa wala akong tiwala kay Red. Gusto ko lang makita na mag-effort siya para maipakita at iparamdam sakin na mahal niya ako. Yun lang naman ang gusto ng mga babaeng katulad ko.
Nakita kong nilabas niya ang water bottle niya sa bag. Lumapit siya muli sakin.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko pagkuwan. Tumingin siya sakin sabay taas ng hawak n'yang bottle water.
"Kukuha lang ng tubig sa water dispencer" Umalis na si floyd sa classroom. Mga ilang minuto ang lumipas ng narinig ko ang boses ni Floyd sa labas ng Door.
Lumapit siya sakin sabay hablot sa kamay ko. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Aba ang sarap ng upo ko tapos papatayuin niya ako at kakaladkadin kung saan niya gusto pumunta.
"Sasama ka sakin" Kinaladkad niya ako palabas. "Saan tayo pupunta? Sandali nga" Pilit kong inaalis ang kamay ni floyd pero mas lalo niya itong hinigpitan.
"Nakita ko si Red kasama si Ayessa nag-punta sila ng AVR Room." Nablangko ako bakit sila magkasama. Kanina lang ay nakita ko pa si Red na kausap si Gian. Ngayun magkasama sila. Sana hindi ako magkamali sa iniisip ko. Sana walang gawin si Red para mas lalo akong masaktan.
Napabuntong hininga na lang ako. Bahala na kung ano ang mangyari. Nandito kami sa labas ng AVR Room katabi ng Computer Room.
"Buksan mo na.." Usig sakin ni Floyd.
Napatakip ako ng bibig pagkatapos kong marinig ang pinag-usapan ni Red at Ayessa. Napa 'tsk' naman si Floyd tila naitulos ako sa kinatatayuan ko. Nangigilid ang luha sa mga mata ko. Tuluyan ko ng binuksan ang pinto at doon nakita kong naghahalikan si Red at Ayessa.
"Anong ibig sabihin nito?" Tila nabalik sila sa katinuan pagkatapos kong magsalita.
"Kylie?" Gulat na nakatingin lang sakin si Red, Si ayessa naman ay tila naging maamong tupa dahil alam n'yang may kasalanan siya sakin.
"Anong ibig sabihin nito Red?" mariing kong sabi.
"Mag-break na tayo" Cold na sabi niya.
Pero bakit? Anong dalhilan?.
Pumunta ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Paulit ulit akong umiling. no! hindi ako papayag.
"No! Hindi ako papayag sa Gusto mo Red. Akala ko ba mahal mo ko? bakit mo ako hihiwalayan?" Naglandas muli ang luha sa mga mata ko, Nasasaktan ako.
"Hindi kita mahal. Ginamit lang kita para pagselosin si Ayessa. Ngayung umamin na siya sakin na mahal niya ako. Maghiwalay na tayo" pilit niya ako inaalis sa pagkakayakap ko sa kanya. Nagtagumpay s'yang maalis ang kamay ko. Bigla akong hinawakan sa braso ni Floyd. Napatingin ako sa kanya. Umiling siya ng ilang beses na nagsasabi na wag ko ng lapitan pang muli si Red.
"Umalis na tayo Kylie" Hindi ko pinakinggan si Floyd sa halip muli nagmatigasan ako sa kanya.
"Why so sudden? Bakit kung kailan hulog na hulog ako sayo tyaka mo pa gagawin sakin to? Bakit Red? Naniwala ako sayo! Pinaniwala mo akong mahal mo ako pero bakit siya pa rin! At ikaw" turo ko kay ayessa "May boyfriend ka pero nakikipaghalikan ka kay Red" Sigaw ko. napayuko naman si ayessa.
"Wala na kami ni Ralph" sabi niya.
Napatawa ako ng malakas. Ang lakas ng loob niya.
"Hindi ibig sabihin na wala na kayo eh pwede mo ng halikan ang gusto mong halikan. hindi niyo man lang naisip ang nararamdaman ko." Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayun sakin.
Umalis na ako sa AVR Room. Kasunod ko lang si Floyd. Kanina ko pa pinupunasan ang luha ko pero kahit anong gawin ko ayaw tumigil.
Hanggang sa makarating kami sa Room. Biglang tumayo sa kinauupuan ang ibang mga kaklase ko para itanong kung anong nangyare sakin. Kung bakit ako umiiyak pero nanatiling tikom ang bibig ko. Pumunta na ako sa upuan ko at kinalma ang sarili. Napatingin kami sa pinto kung saan si Red at Ayessa na magkahawak kamay.
Napaiwas ako ng tingin. Napatingin ako sa taong nasa harapan ko at Nakangiti sakin. Itinayo niya ako, nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
"Wag kang mag-alala poprotektahan ka namin from now on." naramdaman kong ngumiti siya. "...sa- salamat Allen"
Natapos na ang last sub namin pero hanggang ngayun lutang parin ako. Di ko lubos maisip na magagawa sakin ni Red ito. Ginawa ko naman ang lahat para mahalin niya ako. Akala ko naialis ko na si Ayessa sa buhay ni Red pero nagkamali ako.
Nakatingin lang sakin ang mga kaklase ko. Hindi ko sila tinatapunan ng tingin. nakatingin lang ako sa desk ko kahit gusto kong umiyak ay pinipigilan ko. Ayokong kaawaan nila ako.
Lumapit sakin si Nikki. Pinaalis niya sa upuan si Alex na s'yang katabi ko. Naupo siya roon. Bumuntong hininga muna si nikki bago mapunta sakin ang paningin niya.
"Ayos ka lang ba kylie? Bakit ka nga pala umiyak kanina? Wala ka rin sa sarili mo. kanina pa namin napapansin, kaso baka magalit ka samin pag nakialam kami. Nag-aalala lang naman kami sayo sana maintindihan mo" Tumango ako para maintindihan n'yang okay lang.
"Do I Look Okay?" Peke akong ngumiti.
"Masaya na siya sa taong mahal niya kaya pipilitin ko ding maging masaya kahit nasasaktan ako." Sabi ko. Alam na ni nikki ang gusto kong sabihin.
"Mahahanap mo rin ang para sayo kylie tiwala lang" ngumiti lang ako sa kanya. Ayokong ikwento pa sa kanya ang nangyare sakin.
Nasa Hallway na kami ni Floyd. Naupo ako sa silya na para sa section lang namin. Sa sobrang bored ng mapagdisisyonan kong pumunta ng Gym para mapag-isa. Nagpunta ako kay kuya ben para sana magpaalam.
"Kuya ben" tawag pansin ko sa kanya. naka ngiti s'yang bumaling sakin.
"Pupunta lang po ako ng Gym patawag niyo na lang po ako kung nandyan na sundo ko" tumango naman siya sakin. Nag-simula na akong umakyat sa Hagdan ng magkakasalubungan kami ni Red. Hindi niya siguro alam ang gagawin kung dadaan siya o babalik sa pinang galingan niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at nilagpasan siya. Nakarating na ako sa Gym. Naupo ako sa bench nasa likuran ko lang ang stage. Doon na bumuhos ang masaganang luha na kanina ko pa pinipigilan. Iyak lang ako ng iyak ng biglang may nag-salita sa likuran ko.
"Ano ba 'yan natutulog ang tao tapos aatungal ka d'yan ng iyak. Ano bang gusto mo? Marining ng buong school yang hagulgol mo?" Inis na binalingan ko ng tingin ang nasa likuran ko. Tumingala ako para makita ang taong iyon.
WHAT THE f**k! BAKIT SIYA NANDITO? Ngumisi sakin ang lalaki. Siguro natatandaan niya ako. Tumayo ako para magkapantay kami.
"WALA AKONG PAKIALAM KUNG NATUTULOG KA. KUNG GUSTO KONG UMIYAK, IIYAK AKO KAYA UMALIS KA SA HARAPAN KO BAGO KITA MATADYAKAN D'YAN" Inis kong sigaw sa kaniya. Tila wala siyang pakialam sa sinabi ko sa kaniya.Tinawanan lang ako ng mokong sabay hila sakin palapit sa kanya.
Hinawakan niya ako sa kamay at ng tumalikod na. Tumakbo siya kaya nadala niya ako. lintik na 'yan, bakit ba lagi nila akong kinakaladkad.
Nag-punta kami ng back stage ng huminto kami sa room. Kung saan pinagbabawalan ang magpunta doon. Nang akmang bubuksan niya na ang pinto ng pigilan ko siya.
"Hindi tayo pwede dito para lang 'yan sa anak ng may ari nitong school." sabi ko.
"HAHAHA! Don't worry ako bahala sayo pwede tayo dito" tumawa siya. Umiling ako.
"Hindi nga pwede" hinawakan niya ako sa kamay. Naka ramdam ako ng tila kuryente.
Natigilan ako sandali.
"Kilala ko may ari nito kaya halika na." Pag-kumbinsi niya sakin.
Nang makapasok kami, agad akong namangha. May LED tv dito. May mamahaling sofa set. May kitchen, Nagpunta doon si Mr.Feelingero. Naupo ako sa sofa. May glass table kung saan naka patong ang gitara.
Naupo sa tabi ko si Mr. Feelingero. Ngumiti siya sakin, umiwas ako ng tingin. Hindi ko maipagkakaila na Gwapo nga siya.
"Gusto mo bang kantahan kita?" Napatingin ako sa kanya. Tumango na lang ako habang Inihilig ko naman ang ulo ko sa sofa. Kinuha niya sa glass table ang gitara tyaka siya nag-simulang mag-strum.
Minsan napapagod ang puso 'Pag hindi ito pinapakinggan Ng isang taong pilit mong pinaglaban Kulang pa hindi pa rin sapat Hanggang dumating ang araw Na wala ka nang maramdaman Hanggang dumating ang araw nag-iisa ka na lang 🎵🎶
Naramdam ko na para sakin ang kantang ito. Nakakatawa, nananadya ata to eh. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang galing n'yang kumanta. Napangiti ako ng hindi ko namamalayan.
Isipin mo hindi sya para sa'yo Kayanin mo, may darating para sa'yo Ibigay mo man ang lahat lahat Hindi mo ito makukuhang tapat Ang pag-ibig na iyong pinangarap Hindi nya kayang ibalik ng sapat 🎵🎶
Hanggang dumating ang araw Na wala ka nang maramdaman Hanggang dumating ang araw nag-iisa ka na lang Isipin mo hindi sya para sa'yo Kayanin mo, may darating para sa'yo Huwag kang manghihinayang Hindi ka nya kailangan Ilang taong lumaban Bakit ako lang Isipin mo hindi sya para sa'yo Kayanin mo, may darating para sa'yo🎵🎶
Hanggang sa matapos ang kanta hindi niya inaalis ang tingin niya sakin.
"Nagustuhan mo ba?" Tumango ako kasabay ng pag ngiti.
"Ang galing mong kumanta" Pag-puri ko sa kaniya. Actually, He is really a Good singer. Nag-iwas naman siya ng tingin. nahihiya siguro.
Tumikhim muna siya. Nanigas naman ako sa pagkakaupo ng mabanggit niya si Red.
"Bestfriend ko si Rafael. Ex ka niya hindi ba?" Napakunot noo naman ako. Pano niya nalaman? "Kasasabi ko lang bestfriend ko siya. Nasabi niya sakin"
Parang nabasa niya ang nilalaman ng isip ko kaya agad siyang nag-salita. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nanatili kami doon ng ilang minuto. Nagkwentuhan ng kung ano ano. Hindi na niya inulit pa ang mag-tanong sakin.
Nasa tapat na kami ng gate ng humarap ako sa kanya. Bumaba na kami sa Gym dahil anong oras na rin.
"Salamat kahit papaano napagaan mo pakiramdam ko." Sabi ko ng may ngiti sa labi.
"Wala 'yun. sige may pupuntahan pa ako." Tumalikod na siya ng ihahakbang ko palang ang paa ko ng bigla s'yang humarap muli at sumigaw.
"Ano nga pala pangalan mo Miss?" Napailing na lang ako. Dalawang beses na kaming nag-kita pero ni pangalan ng isa't isa hindi namin alam.
"I'm Kylie Rei Cruz Mr.feelingero" Nagsalubong naman ang kilay niya.
"It's Carlo not mr.feelingero." Napatawa naman ako, inirapan ko siya ng hindi inaalis ang ngiti sa labi.
"What ever" sagot ko. Kumaway muna ako at lumabas na sa gate pero bago 'yun narinig ko ang huling sinabi niya sakin.
"KYLIE! TANDAAN MO HINDI SIYA PARA SAYO!."
Napailing na lang ako at bahagyang natawa. Sinalubong ako ni kuya nick, sumakay na rin ako sa kotse.
Di ko namamalayan na ngumingiti ako ng malawak. May maganda din palang naidulot pagkikita namin.