Carlo POV
Nandito ako sa PGH . Pinagawa ko to kay dad para may pag tambayan ako dito sa Univ sa back stage sa gym. Kami lang ng mga kaibigan ko ang pwedeng makapasok dito. Parating na rin siguro mga kaibigan ko dito. Alam ko naman kahit nawala ako eh ginagamit pa rin nila to.
Pritenteng naupo ako sa sofa ng makarinig ako ng pagpihit ng pinto. Walang pinagbago, katulad pa rin ng dati maiingay pa rin. Nanlalaki ang matang nabaling sila sa direksyon ko. Ngumisi lang ako sa kanila. Dali-daling lumapit sakin mga kaibigan ko. Isa isa nila akong binatukan. Langya naman kung kailan kakabalik ko lang ang ganda ng pang welcome nila sakin. Naupo na sila sa sofa.
"Nasan si Daniel?" Kanina lang nandito siya. Lumabas mula sa kitchen si daniel na puno ng tinapay ang bibig. Kumaway siya sakin at bumalik din sa kitchen. Napailing na lang ako.
"Nasan si Red?" Bigla namang sumeryoso ang apat na kaharap ko.
"Nandun kasama bago niya" saad ni Joshua.
Napakunot noo ako. Sinong bago? si Ayessa kaya? "Si Ayessa?" Tanong ko. tumango naman sila.
"Naging sila din pala kailan pa?" Nagpakawala muna ng buntong hininga si Allen bago sagotin ang tanong ko.
"Kanina lang sinabi samin ni Red. Actually kakabreak lang din niya kay Kylie. Kawawa nga si Kylie dahil wala siya sa sarili niya sa klase. Hindi naman namin siya makausap kaya hanggang tingin na lang kami sa kanya"
"Sino naman yang kylie? Akala ko pa naman si Ayessa ang first ni Red" takang tanong ko.
"Hindi, ginamit ni Red si kylie para mapasakanya si Ayessa at ngayung nagawa niya na. Nakipaghiwalay na siya. nakakadisappoint nga eh ang bait ng tao pero sinaktan niya, gago talaga ni Red." saad ni Anthony.
"Kawawa talaga si Kylie. Umiyak nga ‘yun pagkapasok nila ni Floyd sa room kanina. Tapos hindi na umimik pa ng magsimula na kaming magtanong sa kanya. Kung tutuosin ‘di hamak na mas maganda si Kylie kaysa kay Ayessa" May halong lungkot na saad ni daniel.
"Baka pag nakita mo siya tol malove at first sight ka sa kanya" dagdag pa ni Daniel. wews never pwera na lang kung siya ang babaeng nakabangga ko Two months ago. The girl who captured my heart. Sana magkita kaming muli.
"Maraming may gusto dun at isa na yang si Allen" saad ni Joshua. Sabay turo kay Allen. Napakamot naman ng batok si Allen.
"Sino ba namang hindi magkakagusto kay kylie eh sa bukod na mabait,matalino pa. Kung baga lahat ng katangian na gusto mo sa isang babae nasa kanya na" madamdaming saad ni Allen yuck.
Bumaling naman sakin si Ralph "Pag may nakita kang babae na maputi at maganda at bago sa paningin mo dito sa Univ siya na si Kylie" bored na tumingin ako sa kanya. Sino ba ang kylie na 'yun at puring puri siya ng mga kaibigan ko?.
"Teka kung two months ka ng nasa pinas bakit hindi ka pumapasok?" Takang tanong ni Allen. Inakbayan ko naman siya.
"Tol, baka nakakalimutan mong anak ng may ari nitong school ang gwapo mong kaibigan" napailing na lang si allen at hindi na nagkumento pa.
"Tangina tol ang sipag mo pa ring mag-aral" sabi ni Anthony. Ngiting aso lang ang ibinigay ko sa kanya.
Nagkanya kanya namang ginagawa ang mga ugok. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Ginawa sigurong panakip butas ni Red yung kylie. Kawawa naman yung babae. Napaisip ako, nacurious sa babaeng kanina pa bukang bibig ng mga kaibigan ko.
Unang araw ko sa Tolentino University. Nag aral na ako dito pero last year lang hindi, dad decided na sa US ko na lang ipagpapatuloy pag aaral ko. kaso nagkaproblema dahil nagkasakit si lolo at kailangan si Dad para siya muna ang maghandle ng company ni lolo. Akala ko sa US na kami For Good buti naman at hindi, bumalik kami ng pinas. Hindi naman ako nagpalipat pa ng ibang Univ para saan pa eh kami ang may ari ng school nato. Magagawa ko lahat ng gusto ko.
Nakakatamad pumasok, nakakatamad mag-aral, nakakatamad mabuhay. Hayst, Nakahiga ako sa stage sa gym buong araw na nandito lang ako. Ayoko namang pumasok sa mga sub ko dahil wala akong inspiration wews dejoke lang. Hindi ko na kasama mga kaibigan ko dahil tapos na ang lunch time ng nag-punta sila sa PGH.
Nakarinig ako ng Takong ng sapatos. Napakunot noo naman ako. Wala na dapat estudyante dito dahil uwian na. Nagtago ako sa back stage pero sinigurado ko muna na makikita ko pa rin ang nangahas na magpunta dito sa teritoryo ko.
Nakayukong babae na wala na atang pag asa sa buhay HAHA pero seryoso wala siya sa sarili niya. hanggang sa makalapit siya sa stage at naupo sa Bench. Pinakatitigan ko ang babae. Teka eto yung babaeng nakabanggaan ko two months ago. Tinakpan niya ang mukha at nagsimula na s'yang umiyak. May problema ata siya.
Lumapit ako sa kanya. Gusto ko ulit s'yang asarin katulad ng unang pagkikita namin.
"Ano ba 'yan, natutulog ang tao tapos aatungal ka d'yan ng iyak ano bang gusto mo? Marining ng buong school yang hagulgol mo?" Yun na lang ang nasabi ko. Alam kong nainis siya ng dahil dun. Umangat ang ulo niya para tingalain ako.
“Alam kong gwapo ako kaya sana bawiin niya na ang tingin sakin at baka mahalikan ko agad siya.” Saad ko sa isip ko.
Napasmirk ako ng napaawang ang bibig niya dahil sa gulat ng makita ako.
Hell yeah baby we meet again.
Tumayo siya para magkapantay kami ng di ko inasahan ang sasabihin niya sakin.
"WALA AKONG PAKIALAM KUNG NATUTULOG KA KUNG GUSTO KONG UMIYAK IIYAK AKO KAYA UMALIS KA SA HARAPAN KO BAGO KITA MATADYAKAN D'YAN" natawa ako. Ang sadista naman ng babaeng to.
Hinila ko siya palapit sakin. Hinawakan ko siya sa kamay. Tumalikod ako at sinimulang kaladkarin siya.
Nagpunta kami ng back stage ng huminto kami sa room kung saan pinagbabawalan ang magpunta doon. Ako lang ang pwede at mga kaibigan ko.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng pigilan niya ako.
"Hindi tayo pwede dito para lang 'yan sa anak ng may ari nitong school." kung alam mo lang na akin to.
"HAHAHA! Don't worry ako bahala sayo pwede tayo dito" sabi ko pero umiling siya.
"Hindi nga pwede" hinawakan ko na siya sa kamay. Ang kulit naman ng babaeng to. Sinabi ko na nga na pwede kami rito. "Kilala ko may ari nito kaya halika na."
Pagpilit ko, Wala siyang nagawa. Pagbukas ko sa door. Pumunta ako sa kitchen counter para kumuha ng tubig. bigla akong nauhaw. Bumalik ako sa kanya at nakita s'yang nakaupo na sa sofa. tumabi ako sa kanya. Ngumiti ako ng napatitig siya sakin pero umiwas siya ng tingin.
"Gusto mo bang kantahan kita?" Tanong ko. Tumingin siya sakin at marahang tumango. Humilig siya sa sofa at kinuha ko naman ang gitara ko sa Glass table tyaka ako nagsimulang magstrum at kantahan siya.
Nakatingin lang ako sa kanya sa pamamagitan man lang ng kantang ito malaman n'yang hindi para sa kanya si Red na may darating na mas higit pa sa taong nanakit sa kanya. Alam ko na siya ang tinutukoy ng mga kaibigan ko. Ngayun ko lang siya nakita dito sa Univ at base sa Description ng mga kaibigan ko alam ko na siya ang Ex ni Red.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko ngumiti siya sakin. Lalo s'yang gumaganda sa paningin ko.
"Ang galing mong kumanta" sabi niya, Napaiwas naman ako ng tingin. tumikhim naman ako. kanina pa ako atat na tanongin ito sa kanya.
"Bestfriend ko si Rafael ex ka niya di ba?" Gusto kong makasigurado. Napakunot noo naman siya kaya inulit ko ang sinabi ko. "Kasasabi ko nga bestfriend ko siya nasabi niya sakin" Ayoko naman ipahamak mga kaibigan ko kaya idinahilan ko na lang si Red.
Di ko na napigilang tumawa, sinamaan naman niya ako ng tingin. Ilang minuto din ang inilaan namin sa PGH gusto ko s'yang makilala ng lubusan.
"Salamat kahit papaano napagaan mo pakiramdam ko" sabi niya. nandito kami sa harap ng gate, uuwi na kasi siya kahit ayoko. Hindi naman pwedeng buong magdamag kaming nasa PGH.
"Wala 'yun sige may pupuntahan pa ako" tumalikod na ako at naglakad palayo. Naalala ko na hindi ko alam ang buo n'yang pangalan. Hindi pa naman siya nakakalabas ng school ng tawagin ko siya.
"Ano nga pala pangalan mo miss?"
"I'm Kylie Rei Cruz mr.feelingero" Sagot niya.
"It's Carlo not mr.feelingero" natawa siya. tangina lang biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Walang duda na gusto ko siya. Kahit kakakilala palang namin. Napairap sakin si Kylie.
"What ever" ang sabi niya. Nakapaskil parin sa maganda n'yang mukha ang masaya nitong ngiti. Ang ngiting kahit kailan hindi ko makakalimutan. Bago siya makalabas bigla ko na lang nasabi ito sa kanya.
"TANDAAN MO KYLIE HINDI SIYA PARA SAYO!" dahil ako ang para sayo..
Gusto ko sanang idagdag. May paraan pa naman para iparamdam sayo at sisimulan ko 'yun bukas na bukas din. Napangiti ako sa plano ko.
Umuwi ako sa house, As expected inaantay pala ako ng mga kaibigan ko. Busy sila sa paglalaro ng online games. Si Ralph ang unang naka pansin sakin.
“Bro, Kanina ka pa namin hinihintay. Bakit ngayun ka lang?” Tanong ni Ralph.
“Carlo, Iba na yang ngiti mo ah. May nakita ka na naman chicks ano.” Sabi naman ni Allen dahilan ibato ko sa kaniya ang cushion pillow.
“Let's Just say na tumpak ka. Kaso hindi Chicks eh. Chick lang hahaha.” Sabay tawa. Agad silang natigilan.
Curious ang pagmumukha ng mga tropa ko.
“Do you get her number?” Allen said.
“Do you know her name?” Si Joshua naman ang sumunod.
“Baka May boyfriend na Bro.” Si Ralph naman ang sumbat.
Naupo ako sa tabi ni Ralph. Hinihintay nila ang Sagot ko. Ngumisi ako sa kanila dahilan para ibato nila ang Cushion Pillow.
“Ang tagal sumagot ah. Baka seryoso ka d'yan sa girl na ‘yan.” Humarap ako kay Ralph at walang alinlangan na sumagot.
“This is the first time that i'm interested to a Girl and Yes, I know her. I already Got a chance to get closer to her.” I said while dreaming about Kylie. God, Ngayun lang talaga ako na inlove sa babaeng hindi ko pa talaga lubos na kilala.
Natahimik ang mga kaibigan ko. Well, Ngayun lang kasi ako nag-open up sa kanila sa babaeng natitipuhan ko.
“Bro, Baka naman ipakilala mo samin yang type mo. Who knows baka kilala namin.” Ani ni Allen. Muli akong ngumisi.
“You know her and Ngayun palang sinasabi ko sa inyo. Hindi ko siya papakawalan.” Sabi ko. Nagkatinginan ang mga kaibigan ko. Saktong dumating si Red.
“Nandito na pala si Red.” Tumayo ako at naki bro hug sa kaniya. Habang ang Lima ay busy sa kaniya-kaniyang Phone. Napabuntong hininga na lang ako.
“Ano pala pinag-uusapan niyo?” Curious na tanong ni Red. Inakbayan ko siya at muli ay hindi ko mapigilang ang ngumiti. Mag-sasalita na sana ako na si Daniel na ang sumagot.
“May Natitipuhan si Carlo na babae.” Bumaling sakin si Red.
“Totoo ba? Sino?” Takang tanong niya. Ngumisi ako at sumagot.
“Kilalang-kilala mo siya Bro.” Sagot ko na siyang pinagtaka ni Red.
Gusto ko sanang ipamukha sa kaniya kung sino tinutukoy ko pero alam ko na malalaman din nila sooner and later.