KYLIE POV
Nagpakawala muna ako ng buntong hininga. kinakabahan ako, sana pumayag si Dad sa gusto ko. Nasa tapat ako ng pinto sa Office Room ni Dad. kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok. Nakita kong naglalambingan sa Couch si Daddy at mommy.
Lumapit ako sa kanila. Pinukaw ko ang atensyon nila. sabay naman silang napatingin sakin. Matamis na ngiti ang ibinigay sakin ng magulang ko. Umupo ako sa pagitan nilang dalawa. Naglalambing na niyakap ko si dad. Natawa naman siya ng dahil dun.
"Mom, Dad? May sasabihin po ako" Napakunot noo naman si Dad.
"What is it?" Kinakabahan ako pero naglakas loob pa rin akong sabihin ito sa kanila.
"Gusto ko pong lumipat sa St.Peter kung papayag po kayo" saad ko.
"For what? Wala ka bang kaibigan sa section niyo o di kaya inaaway ka ba nila?" Sunod sunod na umiling ako.
"Mabait po sila tyaka may friends din naman po ako sa section ko pero gusto ko pong maranasan yung makasalamuha ng ibang tao but don't worry dad hindi ko naman pababayaan pag-aaral ko-..." pinutol na ni dad ang sasabihin ko.
"No need to explain anak. I understand, sige sasabihin ko agad kay Mrs. Nelly. sure ka na ba d'yan?" Tumango ako.
"Yes Dad" Sagot ko.
Hinahaplos haplos naman ni Mom ang buhok ko. I really love my family. meron akong ama na sobrang supportive at meron akong ina na sobra kung mag-alaga samin ni dad.
Nanatili kami ng ilang minuto sa Office ni dad at nag kwentuhan ng kung ano ano. Isa na rin dun ang pag aaral ko sa Tolentino University. Hindi ko na rin ipinaalam pa kay Dad ang pakikipagrelasyon ko kay Red at ang pananakit niya sakin. Ayokong mag-alala pa sila tutal wala na rin naman kami.
Kasalukuyan kaming nasa classroom ng mga kaklase ko. kahapon din tumawag agad si dad kay Ma'am Nelly para ipaalam ang paglipat ko sa St.Peter. Ang totoong rason ko ay dahil gusto ko na ring magmove on. Masaya na si Red, hindi ko na kailangan pa magmakaawa para hindi niya ako iwan.
Kung hindi niya ako mahal wala na akong magagawa kundi ang tanggapin. Hindi ako yung tipo ng babae na magmamakaawa sa iisang lalaki para manatili sa tabi ko.
"Ang lalim ng iniisip natin ah." ngumiti lang ako kay Floyd. Ngayung araw ang paglipat ko sa kabilang section alam kong magagalit si Floyd pero pipilitin ko din na ipaintindi sa kanya mamaya sa ngayun ayoko munang malaman nila. Tumayo ako at humarap sa kanya.
"Napakabuti mong kaibigan Floyd. I'm lucky to have you as my Bestfriend. Thank you for everything" Nagpipigil akong maiyak. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.
"Thank you din Kylie dahil naging bestfriend kita. Alam mo namang hindi ko masyadong kaclose classmate's natin ikaw lang ang nag-tyaga sa ugali ko. Kaya nagpapasalamat din ako dahil kahit papaano hindi ka lumayo sakin"
"Hindi ko magagawa 'yun sayo dahil hindi ka na iba sakin. Sige labas muna ako."
Tumango naman siya. Lumabas ako ng classroom at pinakatitigan ang pinto. Hindi ko na siya makakasama sa mga sub ko. I'm sorry Floyd but I need to do this.
Nasa gilid ako sa bintana na katapat ng St.Peter class. Nakadungaw ako sa bintana para makita ang nasa ibaba. Ako na lang ang nasa labas. Hinihintay ko si ma'am janet na advicer ng bagong section ko.
"Kylie, pasok na baka maabutan ka d'yan ni ma'am tess" napalingon ako sa likod ko. Si Nikki pala ang lumabas para sabihan ako. Ngumiti ako sa kanya.
"Sige may hinihintay pa kasi ako. susunod na lang ako" sabi ko. Tumango naman siya at hindi na nagsalita pa. Umalis na rin siya sa harapan ko at bumalik sa St.Simon.
Nakatingin sakin ang mga kaklse ko na hindi na ngayun, napatingin ako sa St.Peter class. Nag-iwas agad sila ng tingin. Siguro na wi-wirduhan sakin dahil ako na lang ang nasa labas ng classroom. Nakarinig ako ng takong ng sapatos paakyat dito. Nabungaran ko si ma'am tess. Ngumiti siya sakin at nilagpasan ako. Siguro nasabi na sa kanya, napatingin ako sa St.Simon. nakatingin sakin ang mga kaibigan ko. Ngumiti ako sa kanila ng mapukaw ang atensyon ko sa nag-salita sa harap ko.
Kinausap ako ni ma'am janet at ipinakilala niya ako sa St.Peter bilang bagong classmate nila. Natuwa naman sila at agad ko namang binigyan sila ng masayang ngiti. Mabait naman sila Kaso nga lang pag wala nang teacher dun na nagkakagulo.
"Hi! i'm Kylie Rei Cruz please be good to me." Nahihiyang ngumiti ako sa kanila. siguro nagtataka sila kung bakit nasa harapan nila ako at nagpapakilala sa kanila. Pinaupo ako sa dulo kung saan malapit ang bintana may tatlong chair's dalawa ang vacant. Walang naka upo. Siguro may absent sa kanila. Naupo na ako at napatingin sa left side ko. Ngumiti ako sa kanya pero umiwas siya ng tingin. katabi ko sa upuan si Paul. Kilala ko siya dahil president siya ng section na to.
Ayokong tumingin sa bintana kung saan malayang nakikita ang mga estudyante sa kabilang section. Alam kong nakatingin sakin si Floyd. Nakakalungkot pero kakayanin.
"I'm sorry! I'm late" humihingal na babae ang nasa pinto. Habol ang hininga na tumayo siya ng tuwid. Napatingin kami sa kanya.
"Ms.Enverzo hindi ka ba nadadala lagi ka na lang late" sabi ni Ma'am Janet.
"I'm sorry ma'am. Si kuya neil kasi late na akong sunduin sa bahay para ihatid"
"You may sit now" naupo naman sa vacant chair sa tabi ko ang babaeng bagong dating. Ngumiti siya sakin at ganun din ako.
"Hi! I'm Jestine Enverzo" inilahad niya ang kanyang kamay para makipag shake hands.
"I'm kylie-.." bago ko pa matapos ang sasabihin ko ng agad niya itong pinutol.
"Kylie Rei Cruz. Yeah! sino nga ba ang hindi nakakakilala sayo ang ganda mo kasi" Natawa siya. kaya napailing na natawa din ako.
"Sobrang sikat ka dito dahil bukod sa maganda ka. ikaw lang ang nakabihag sa pusong bato ni Red." Natahimik naman ako "uy sorry di ko sinasadya"
"Okay lang" ngumiti ako.
"You know what. maraming naiingit sayo dito" saad niya. bakit ako?
"Why me? Sa pagkakaalala ko walang kakaiba sakin. Simpleng tao lang naman ako" Umiling siya.
"Hindi ka ganun para samin. Kung dati si Ayessa ang Tinitingala ng mga kalalakihan dito pero nung dumating ka. ikaw na ang pumilit sa kanya. Bukod daw kasi sa maganda ka matalino at palakaibigan ka rin kaya pag sinabing kylie ikaw ang naiisip namin and because of that I want you to be my friend. No erase that I want you to be my bestfriend pwede ba?" Nagpuppy eyes siya kaya nagtawa ako.
"Yes pwede naman" I said.
Nakikita ko sa kanya si Floyd. Girl version kung baga.
"YES! kaibigan ko na ang pinakamaganda dito sa school hihi" Natawa ako. Nakakaaliw siya.
"Hindi porket kaibigan mo na si kylie eh maganda ka na. Pangit ka pa rin" sabay kaming napalingon sa katabi ko.
"Tche! Wag kang epal Paul. Kung wala ka rin namang magandang sasabihin, manahimik ka na lang. Kylie di ba pareho tayong pretty?" Tumango ako habang pinipilit hindi matawa.
"See napilitan lang si kylie. Ibig sabihin hindi ka maganda."
Nagtagisan ng titigan ang dalawa hanggang sa manlisik ang mata ni jestine kay paul.
"Onti na lang talaga iisipin kong gusto mo ako."
"Pwe kilabutan ka nga. Hindi ako magkakagusto sa pangit na katulad mo!" Sabi ni paul. Nakakaaliw silang pagmasdang nagtatalo, napangiti ako.