KYLIE POV
Naging maayos naman ang paglipat ko sa St.Peter. Namimiss ko na ang bestfriend ko. Hanggang sa matapos ang second sub ko ng magbell. Hudyat na break namin. Nagpunta agad ako sa St.Simon. Yung iba sa dati kong mga kaklase binabati ako. Hindi naman sila nagtanong kung bakit nasa kabilang section ako. Nakita ako ni Floyd, malungkot na nakatingin siya sakin.
Agad naman akong pumasok at ningitian ang mga natitira na nandoon.
"Floyd halika na nagugutom na ako" Ngumiti ako sa kanya pero nag-iwas siya ng tingin. Nagsimula na kaming lumabas ng classroom hanggang sa makapunta kami ng cafeteria. Nakakuha na kami ng order at naupo sa dulo.
Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa basagin ni floyd ang katahimikan.
"Bakit mo ginawa 'yun kylie?" Nagbaba ako ng tingin. Ayokong salubungin ang pagkakatitig niya.
"Ang gusto ko lang naman ay makamove on Floyd. Hindi ko magagawa 'yun kung nasa iisang lugar lang kami. Mahal ko si red pero alam naman nating hindi ako ang mahal niya. Hindi ako maghahabol dahil para saan pa di ba? Kung ayaw sakin ni Red. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko. Ginawa ko ito para magmove on at ngayun nga sinisimulan ko na. hindi ko sinabi sayo dahil alam kung tututulan mo. I'm sorry sana maintindihan mo." Paliwanag ko.
"Kylie alam mo naman ikaw lang kaibigan ko sa St.Simon tapos iniwan mo pa ako. pano na ako n'yan? Kung lumipat din kaya ako?" Umiling ako di siya pwede sa St.Peter "baka magalit si Tito harold tyaka hindi ka nababagay sa St.Peter. Magkikita pa rin naman tayo at magkakasama hindi na nga lang bawa't oras" Napabuntong hininga naman siya.
Ramdam ko ang lungkot ni Floyd. Alam kong sa part na to. Naging selfish ako. Hindi lang naman para sakin to kundi pati na rin sa mga taong kakilala namin na masyado nang naiipit samin ni Red. Kaibigan ko na rin ang kaibigan ni Red. Kaya kahit mahirap. Kailangan kong kalimutan ang sakit na ito.
Iniba ko na ang usapan.
"Naalala mo ba yung nakwento ko sayo? Yung lalaking sobra kung inisin ako. Nagkita kaming muli." Napatigil si floyd sa pagkain at Agad na hinarap ako "Alam mo na pangalan niya? Saan kayo nagkita?"
"Nung araw na nakipagbreak sakin si Red. Nagpunta ako sa gym tapos dun ko siya nakita. Dinala niya ako sa PGH."
Napakunot noo naman si Floyd "PGH? Sure ka d'yan?" Tumango naman ako.
"Hindi si Ralph? Joshua? Allen? Anthony? Daniel? Ang nakabangga mo?" Huh? Pano sila nasali sa usapan?
Umiling ako. Wala ni isa sa kanila tyaka kung meron man edi napangalanan ko na sa kanya si Mr.feelingero. Napangiti naman si Floyd na tila may naalala. tumingin siya sakin, nagtatanong na tingin ang ipinukol ko sa kanya.
"Na meet mo na pala si Carlo na s'yang may ari ng PGH" nagsalubong ang kilay ko? Seriously? "You sure about that? Di ba nasa US anak ni Mr.Tolentino at doon nag-aaral?"
PGH means Pulcher Genio Hideout.
Pulcher and Genio from the latin word. Handsome and Genius.
Ang sabi sakin ni Floyd. Si Daniel ang nagpangalan sa hideout nila. Handsome and genius raw kasi sila.
"Base kasi sa sinabi mo at binanggit kong pangalan. Si Carlo ang isa sa gumagamit ng PGH. Wala ng ibang kaibigan si Carlo kundi si Ralph,Daniel,Red,Joshua,Allen at Anthony. Kung wala sa kanila malamang si Carlo ang sinasabi mo."
"Yeah, sinabi niya sakin na carlo ang pangalan niya. Hindi naman niya sinabi kung anong surname niya" Napangiti si Floyd ng malawak.
"So dinala ka niya sa PGH?" Aniya habang nakangisi.
"Oo bakit?" Natawa siya ng bahagya.
"Ang pangako ng magkakaibigan na 'yun na kapag may gusto sila at Magkagirlfriend eh dadalhin sa PGH" Natawa naman ako.
"Naku hindi totoo 'yan" Naging seryoso naman si floyd, napalunok ako.
"Kung magmamahal kang muli kylie. ang gusto ko si Carlo dahil hindi ka niya sasaktan"
"Kung magmahal nga ba ulit ako. hindi pa nga ako nakamove on naghahanap ka na ng pwede mong ireto sakin HAHA" Natawa naman siya ng dahil dun.
Naramdaman kung may tumabi sakin at agad na inakbayan ako. Gulat na napatingin ako kay Carlo. kinindatan naman ako ng loko.
"Bakit nung pumasok ako sa St.Simon wala ka doon?" Tanong niya habang hindi inaalis ang pagkakatitig niya sakin. Tumikhim naman si Floyd at napatingin ako sa kaibigan ko na nagpipigil ngumiti. Agad namang tinanggal ko ang braso ni Carlo na nakaakbay sakin.
"Hindi na siya sa St.Simon. kakalipat lang ni Kylie sa St.Peter" Si floyd na ang sumagot para sakin. Tumango naman siya.
"Kung ganun lilipat din ako." Ngumiti sakin si Carlo. Agad naman akong umiwas ng tingin.
"Bakit naman? Mas nababagay ka sa St.Simon kaysa sa St.Peter.."
"Wala ka kasi doon" saad niya.
Napakunot noo naman ako "...At bakit ako?" He chuckled.
"Alam mo na para inisin ka HAHA." Sinamaan ko siya ng tingin.
Naupo sa tabi ko si Carlo. Nang sulyapan ko si Carlo. Ngumiti lang siya sa akin.
Ilang minuto din kaming nagkatitigan ni Ralph. Walang kumukurap samin na akala mo laro na kapag kumurap ka talo ka, Nasa PGH ako. Ang mokong na carlo na 'yun. Pinapunta ako dito dahil may ibibigay raw siya sakin. Ayaw ko sana kaso nagpumilit din si Floyd na puntahan ko na lang. Yun ang dahilan kung bakit nakiupo siya sa table namin ni Floyd. Nadatnan ko si Ralph sa Kitchen Counter kanina ng makapasok ako sa PGH, nakaupo sa Stool. Tumabi ako ng upo sa kanya at 'yun nga hanggang sa may naisip akong itanong sa kanya. Dala na rin ng walang imik kaming dalawa.
"Ralph, may tanong ako." sabi ko. Agad naman natuon ang atensyon niya sakin
"...ano yun?" Tumikhim muna ako bago ko sabihin ito. Nakita kong kinuha ni Ralph ang Fruit Drink sa harap niya at tyaka niya tinungga.
"Ralph, aso ka?" Agad namang naibuga ni Ralph ang iinumin niya sana. Naubo pa siya ng dahil dun. Seryoso naman akong nakatingin sa kanya. Buti na lang hindi sa harap ko naibuga niya ang ininom. Patay siya sakin pag nagkataon.
Nang makakalma na si Ralph, agad namang sinamaan ako ng tingin. Nag peace sign naman ako. "Hindi ako aso at bakit mo naman natanong iyon?" Nakataas ang isang kilay niya na s'yang itinawa ko lang.
"Pano kada makikita kita. Nakalagay yung panyo mo sa balikat mo tyaka mo kinakagat na akala mo aso na ningangat- ngat yung panyo" Agad naman s'yang nag-iwas ng tingin.
"Minsan kasi nakakalimutan ko kung saan ko nailagay panyo ko. kaya sinanay ko sarili ko na ilagay sa balikat para hindi ko makalimutan. kagat kagat ko rin para sure na hindi mawala" Agad naman akong tumango.
"Bakit ka pumayag?" Nagtatanong na tingin ang pinukol niya sakin "..I mean bakit ka pumayag na maghiwalay kayo ni Ayessa?" Nagbaba siya ng tingin.
"Katulad mo kylie hindi ako yung tipo ng lalaki na kapag iniwan maghahabol. kung mahal talaga ako ni Ayessa, hindi siya aalis sa tabi ko pero nakita mo naman. nakipaghiwalay siya sakin dahil kay Red"
"Nag-uusap pa ba kayo ni Red? Galit ka ba sa kanya?" Ilang minuto bago sagutin ang tanong ko ni Ralph. Nagpakawala muna siya ng buntong hininga.
"Oo, nung una nagalit ako kasi feeling ko sinulot niya sakin si Ayessa. Simula ng saktan ka niya at piliin si Ayessa. Nagalit ako ng sobra. You don't deserve to be hurt kylie, you deserve a man that can give you his attention, love and care about your feelings. Yung tipong ayaw ka ng pakawalan dahil sobra ka n'yang mahal" tahimik lang akong nakikinig sa kanya.
"Hindi ko pa kinakausap si Red dahil iniiwasan ko siya. kahit na nandito si Red di naman siya nagtangka na kausapin ako. Alam n'yang mali ang ginawa niya lalo na sayo. Alam ko darating ang araw na marealize n'yang mali ang disisyon niya"
"At pag dumating ang araw na 'yun. Wag ka sanang pumayag agad na bumalik ulit siya sa buhay mo. Tandaan mo kylie maraming lalaki na nagkakagusto sayo alam mo ba?" Umiling ako laging sinasabi ni Floyd at Jestine na marami kunno nagkakagusto sakin. Natawa naman ang katabi ko.
"Masyado kang manhid para hindi maramdaman na maraming gustong lapitan at ligawan ka. Natuon mo kasi kay Red ang buong atensyon mo kaya hindi mo alam na maraming nagkakadarapa para makilala mo sila" Sabay kaming napatingin ni Ralph sa pinto kung saan pumasok si Red. Agad namang umayos ako ng upo.
"Anong ginagawa niya dito Ralph?" Nakakunot noo sabi niya. Tahimik lang ang katabi ko. Akmang magsasalita ako ng putulin ito ng bagong dating na si carlo.
"She's my Girlfriend that's why nandito siya" Sabay akbay sakin ni Carlo ng makalapit sa kinauupuan ko. Napatanga naman ako dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sa lalaking nakaakbay sakin kinindatan niya lang ako. Hindi na nag-salita pa si Red at umalis sa harap namin.