CHAPTER TWELVE - MY SAVIOR

1547 Words
KYLIE POV Inis na tumakbo agad ako pababa sa hagdan. Alam kong nakasunod lang siya sakin. Pag katapos sabihin ni Carlo na girlfriend niya ako kay Red. Siniko ko siya dahilan para maghiwalay kami. Lumayo agad sakin si Carlo at iniinda ang pagkakasiko ko sa kanya. Lumabas agad ako sa PGH. Nasa third floor na ako ng biglang may humawak sa pulsuhan ko. Inis na binalingan ko ng tingin si Carlo na nakangiti sakin na tila walang ginawa. "Pwede ba bitawan mo ako" Sinamaan ko siya ng tingin. He chuckled. Napa 'tsk' naman ako. "No! Kailangan natin mag-usap." hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "Kailangan ko ng bumalik sa classroom kaya pwede umalis ka sa harap ko at bitawan mo na ako!" Pagsusungit ko sa kanya pero hindi siya natinag kaya hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sakin. Ako na ang nagtanggal, Tumalikod na ako. Nakakaisang hakbang palang ako ng bigla siya nagsalita. "Pwede mo akong gamitin kylie para makamove on ka at kung sakali na mahulog ka sa akin handa akong saluhin ka" Gulat na napatingin ako sa kanya. "...Ba- bakit ako carlo?" Ramdam ko naman na gusto niya ako. Ayokong isipin nila na pag katapos ko kay red ay kay carlo naman. Ayokong may masabi silang masama tungkol saming dalawa. na parang tinutuhog ko ang dalawang magkaibigan. "Di ko alam kylie. Hayaan mo na lang ako pumasok sa buhay mo. Kung iniisip mo na katulad ako ng kaibigan ko, hindi ako ganun at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. I want you to be mine!" Umiling ako. Hindi pwede ayokong gawin s'yang panakip butas. "Carlo wag ako, iba na lang. marami pa naman d'yan. Sige alis na ako" Naglakad na ako paalis sa kanya. "Hindi mo ako mapipigilan kylie. Gagawin ko ito dahil gusto ko." sigaw niya. Hindi na ako lumingon pa at agad pumasok sa classroom. Napahawak ako sa dibdib ko, parang nakikipagkarera ang puso ko sa sobrang t***k nito. Minsan ko ng naramdaman ito kay Red pero hindi ganun kabilis ng katulad na nararamdaman ko na to. "Class Dismiss" lumabas na sa classroom si ma'am janet. Lutang ako buong maghapon hanggang sa matapos ang last sub namin. Naramdaman kong nakatingin sakin si Jestine pero hindi ko siya tinatapunan ng tingin. "May problema ba kylie?" Tanong niya. umayos ako ng pagkakaupo. "Wala, wag mo na lang ako pansinin" pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa desk. "Pwede mo akong sabihan ng problema mo kasi bestfriends na tayo di ba?" "Wala akong problema, salamat" ngumiti siya sakin. Inayos niya mga gamit tyaka ako hinarap at tumayo. Nagpaalam siya na mauna ng bumaba. Inayos ko ang mga gamit ko ng makitang okay na ang lahat. Lumabas na ako sa classroom. Naisipan ko na sa computer room malapit ang hagdaan doon ako bumaba. Nagulat ako ng pagliko ko sa computer room ng mabungaran ko si Red at Ayessa na naghahalikan. Nangingilid ang luha ko dapat umalis na ako sa kinatatayuan ko pero hindi ko maigalaw mga paa ko. Naramdaman kong may tumabi sakin. Hinapit ako palapit sa kanya at bahagyang niyakap. Naramdaman ko ang init ng labi niya sa noo ko. Hindi ko na napigilang hindi umiyak. Ano bang meron sayo Carlo na sa tuwing kailangan ko ng masasandalan dumarating ka agad. I Feel safe kapag nasa tabi kita. Sana ikaw na lang. "Nandito lang ako kylie hinding-hindi kita iiwan" tumango ako, ng lingunin ko sila Ayessa at Red nanlilisik ang matang ipinukol sakin ni Red. Nag-iwas ako ng tingin. RED POV Sa tuwing maaalala ko ang nakita ko sa labas ng computer room tila merong tumatarak na kutsilyo sa puso ko. Nakayakap si Carlo kay Kylie habang inaalo ito. Hindi ko maiwasang hindi mainis sa harapan ko pa talaga sila maglandian, kaya ng tignan ako ni kylie sinamaan ko siya ng tingin. Siguro gagamitin niya si Carlo para makalapit sakin. "Hey babe nakikinig ka ba?!" May halong inis na saad ni Ayessa. Nabalik ako sa katinuan ng magsalita siya. "Yeah, ano nga ulit 'yun?" Tumaas ang isang kilay niya "Ano bang nangyayare sayo? Kanina ka pa ganyan, anong iniisip mo? Si kylie ba?" "No! Hindi si kylie" sagot ko. "Then bakit ka ganyan? Simula ng bumaba tayo. Naging tahimik ka na at walang kibo! Siguro dahil 'yan kylie noh?! Red hayaan mo na siya kay carlo tutal single si carlo at labas ka na sa gusto nilang gawin. Ang atupagin mo ako dahil ako ang gf mo" Tumaas ang boses niya. Tumayo ako at umalis. Narinig ko pa ang pag tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin. Gusto kong magalit pero anong dahilan? Dahil ba kay kylie? Tama siya hayaan ko na sila sa gusto nilang gawin pero bakit ganun? Naiinis ako na malamang maging sila ng kaibigan ko. Alam ko na nasaktan ko siya. Sana naman maisip niya na wala pang isang buwan ng maghiwalay kami at gamitin niya ang kaibigan ko. Nang sabihin iyon ni Ayessa nakaramdam ako ng inis. Ano bang nangyayare sakin. Naglalakad ako sa pasilyo ng hallway ng magkakasalubungan kami ni Kylie. Nang tumapat na siya sakin. Agad kong hinawakan ang kamay niya dahilan para huminto siya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Gusto mo bang gamitin kaibigan ko para ano? Makalapit sakin? Ganyan ka na ba kadesperada para bumalik ako sayo?!" Nakaawang ang labi niya ng dahil sa sinabi ko. "Mali ka ng inisip Red. Hindi ako ganun" Peke akong Natawa. "Naglolokohan ba tayo? Bakit lagi kayong magkasama? Kayo na ba? Oh wait sinabi nga pala n'yang gf ka niya. Akala ko pa naman iba ka sa mga babaeng nakilala ko na bagong hiwalay may bago na agad." Nakaramdam ako ng pamamanhid ng pisngi ko. Nanlilisik ang matang pinukol sakin ni Kylie. namumula ang buong mukha niya. Sinampal niya ako. "Wala akong dapat ipaliwanag sayo, hindi kita boyfriend para magsabi ka ng ganyan sakin. you're my f*****g ex at wala ka ng pakialam kung ano ang gusto kong gawin" Umalis na siya sa harap ko. Napabuntong hininga na lang ako. Nagpunta na lang ako sa PGH. Nadatnan ko sa PGH si Carlo at Ralph na may kanya kanyang ginagawa. Agad akong naupo sa single sofa. "Carlo, kayo na ba ni kylie?" Pukaw ko sa atensyon niya. Agad s'yang napatingin sakin at malawak na ngiti ang binigay niya sakin na parang may naalala. "Oo wala namang masama di ba? Ex ka niya. Wala ka namang nararamdaman para sa kanya. So walang masama na mahalin ko siya" Sagot niya. Nainis ako ng dahil sa sinabi ni Carlo pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanya. "Baka gamitin ka ny-..." hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng agad niya itong putulin. "I don't care ang mahalaga maging akin siya tyaka Red. Gusto ko siya at wala akong pakialam kung ano ang gusto n'yang gawin sakin ang mahalaga akin si Kylie." Seryosong sagot sakin ni Carlo. Mukhang seryoso talaga siya kay Kylie. "Kung usapang gamitin lang wala ka ng pakilam pa Red. Ikaw ang unang nanloko sa inyong dalawa ni Kylie. So walang masama sa ginagawa nila ni Carlo. Don't tell me gusto mo na siya?" Sabat naman ni Ralph. "Hindi ko gusto si Kylie, Nag-aalala ako sayo carlo at baka saktan ka niya. Alam niyo kung sino ang totoong mahal ko at 'yun ay si ayessa" Napailing lang si ralph ng dahil sa sinabi ko. "Wag kang mag-alala Red. Salamat sa concern pero hindi ganun si Kylie." Ngumisi si Carlo kasabay ng sabihin niya iyun. "Ayos 'yan tol. bakuran mo na agad HAHA" Nagtawanan silang dalawa. Lalong dumagdag ang inis na nararamdaman ko. "I'll already fall for her and you can't do anything about it, She's mine and mine alone" Seryosong saad ni Carlo nang magtama ang aming paningin. Nagsukatan kami ng tingin. Tumayo si Carlo at nagpaalam na aalis muna siya para puntahan si Kylie. Kinantyawan naman siya ni Ralph. Nakangiting lumabas si Carlo sa PGH. Gusto kong burahin sa pagmumukha niya ang ngiting iyon. Nagpipigil ako. Nabaling ang tingin sakin ni Ralph. "Masaya ka ba?" Nangaasar na tanong niya sakin. Napa 'tsk' naman ako. "Why not akin na si Ayessa" Ngumisi ako na s'yang pagseryoso ni Ralph. "Ramdam kong nagseselos ka kay carlo at kylie. Bakit mahal mo na ba? Nagsisisi ka na? Na sayo si kylie pero pinakawalan mo pa. Bro, you can't change the fact na ikaw ang unang nanloko. So labas ka na sa kanilang dalawa, and one more thing walang kaibi-kaibigan pag nagmamahal lalo na kung iisa ang mahal ng isa sa atin. Like what you did to me right? Inagaw mo sakin si Ayessa so tanggapin mo ang naging disisyon mo. wag na wag kang magpapakita kay kylie at sasabihing mahal mo na siya dahil sinisigurado ko sayo. Hindi lang ako ang makakabangga mo" Tumayo si Ralph at Lumabas na sa PGH. Napabuntong hininga ako. Nagsisisi nga ba ako? Bakit nga ba ako nakikialam pa sa kanila? Mahal ko na ba si Kylie? Biglang bumalik sakin lahat ng masasayang araw na kasama ko si Kylie. Inaamin ko, simula ng naging kami ni ayessa hindi ko magawang maging masaya. Gayung nakipagrelasyon na ako sa babaeng mahal ko. Tama nga ba ito? Napahilamos ako gamit ang kamay ko. Naguguluhan na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD