KYLIE POV
Nagpunta ako ng garden. Pagka tapos akong kausapin ni Red. Kinalma ko ang sarili. Mali siya ng iniisip tungkol sakin.
Hindi ko kasalanan kung dikit ng dikit sakin ang kaibigan n'yang si Carlo para isipin n'yang gusto kong mapalapit sa kanya. Walang akong intensyon na siraan sila ni Ayessa. Tinanggap ko ang relasyon nila kahit nasasaktan ako. Hindi ako gumagawa ng paraan para bumalik siya sakin. Hindi ako ganun, kanina pa tumutulo ang masaganang luha sa mga mata ko. Ang sakit na mapagbintangan kahit wala ka namang ginagawang masama.
"Nandito ka lang pala" Naupo sa tabi ko si Carlo. hindi ko napansin na nandito siya sa harap ko. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at pasimpleng pinunasan ang luha ko. Hinawakan ni Carlo ang magkabilang pisngi ko at pinaharap sa kanya. Naka kunot noo siya. Napansin niya sigurong namumula mata ko.
"Umiyak ka ba? Bakit? Sinong nagpaiyak sayo?" Sunod- sunod na tanong niya. sa halip na sagutin ko, umiling ako at matamang siya pinakatitigan.
"Bakit ka nandito? Baka kung anong isipin ni Red satin" Narinig kong nagtagis ang bagang niya. Galit ba siya?
"So si Red. Ang nagpaiyak sayo? Bakit ano bang sinabi niya sayo?"
"Wala umalis ka na lang sa harap ko" Niyakap niya ako. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya. Nagpumilit akong makawala pero mas lalo nga lang akong inilapit pa sa kanya. Ramdam ko ang t***k ng puso ni Carlo. Tumigil na ako kakapumiglas sa pagkakayakap niya. Ipinikit ko ang mata.
"Nandito lang ako kylie. Ako ang magpoprotekta sayo. hindi ko hahayaan na saktan ka ulit ni Red" Tumango ako at hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako. Bakit mo to ginagawa carlo? Bakit ako?
Dumampi ang mainit n'yang labi sa noo ko at bigla s'yang nagsalita.
"Kantahan kita" naramdaman kong ngumiti siya. Napangiti ako. Nagsimula na s'yang kumanta.
This life has twists and turns
But it's the sweetest mystery
When you're with me
We say a thousand words
But no one else is listening
I will be
Every night and every day
No matter what may come our way
We're in this thing together
The dark turns to light
We both come alive, tonight
I'm talking 'bout forever
Never gonna let you go
Giving you my heart and soul
I'll be right here with you for life
Oh, baby, all I wanna do
Is spend my every second with you
So look in my eyes
I'll be by your side
The storms may come
And winds may blow
I'll be your shelter for life
This love, this love
I mean it 'til the day I die
Oh, never gonna let you go
Giving you my heart and soul
I'll be right here with you for life
Oh, baby, all I wanna do
Is spend my every second with you
So look in my eyes
I'll be by your side
Yeah, look in my eyes
I'll be by your side
For life
Hanggang sa matapos ang kanta, tahimik lang akong nakikinig. Niyakap ako ng mahigpit ni Carlo. Tila nakikipagkarera ang puso ni Carlo sa bilis nito. Ganito ba ang epekto ko sayo Carlo?
"Nagustuhan mo ba?" Lumayo ako para tignan siya. Ngumiti ako na s'yang nagpamula sa kanya. Nagblush siya, ang cute. Hindi ko napigilan ang sariling Pinisil ko ang pisngi niya. Napatawa ako ng sumimangot siya.
"Ahh ganun" bigla akong napatayo ng akmang lalapit na ang kamay niya para hawakan ang pisngi ko. Gagawin niya rin ang ginawa ko sa kanya.
Tumatawang nagpaikot ikot kami sa isang puno dito sa garden. Takbo lang ako ng takbo habang parehas kaming natawa. Hindi ako pumayag na maabutan niya ako. Hanggang sa mahabol niya ako at agad na hinawakan sa bewang at niyakap ng mahigpit.
"Salamat carlo. Salamat sa mga nagawa mo para sakin" Nagkatitigan kami, ang mga mata n'yang puno ng emosyon na di ko mawari kung Ano, lumapit ang mukha niya sa akin. Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Biglang tumibok ng malakas ang puso ko.
Onti na lang carlo. Onti na lang malapit na akong mahulog sayo.
Magka hawak kamay kami ni Carlo. kahit anong pilit kong tanggalin hindi niya hinahayaan na matanggal ko ng tuluyan. kaya pinabayaan ko na lang, umalis na kami sa garden. tahimik lang kaming naglalakad papunta sa gate ng school. Napansin kong maraming estudyante ang nagkukumpulan sa gate ng school. Nagpunta kami roon at humawi naman ang mga estudyante ng napadaan kami. May nakaparadang sasakyan kulay red na toyota Altis.
Lumabas mula roon ang lalaking saksakan ng pangit dejoke lang. Lumabas ang lalaking nakashades at nakasuot ng hoodie na kulay brown. binaba niya ang suot n'yang shades, bigla namang naghiyawan ang mga estudyante ng makita nila ang itsura ng lalaking sakay ng altis.
Naglibot ito ng tingin hanggang sa mapako ang tingin niya sakin. Ngumiti ito ng pagkatamis- tamis. Naramdaman kong hinawakan ng mahigpit ni Carlo ang kamay ko. Nagtatanong na tingin ang ibinigay samin ng mga estudyante na nandito. Yung iba nagbubulungan. Mga chismosa, napairap ako.
Naglakad siya sa direksyon namin. nang nasa harap namin siya akmang hahawakan niya ako ng ilayo ako ni Carlo at dinala sa likuran niya. Natawa naman ang nasa harapan namin.
"Back off dude she's mine" Seryosong sabi ni Carlo. Lihim akong napangiti.
Parang wala namang narinig ang lalaki ng higitin niya ako palapit sa kanya at agad na niyakap. Napasinghap naman ang mga estudyante. Naglilisik na mata ang pinukol ni Carlo sa lalaking yumakap sakin. Itinaas nito ang magkabilang kamay. Tanda ng pagsuko. Matalim kasi ang pagkakatingin sa kanya ni Carlo. Inilayo agad ako ni Carlo sa kanya.
"What are you doing here? Sa pagkakaalala ko nasa US ka?" Tanong ni Carlo.
Magkakilala sila. Humigpit ang pag kakawak sakin ni Carlo. nang tanggalin ko iyon napatingin siya sakin na puno ng pagtataka sa kanyang mga mata. Ngumiti lang ako sa kanya at nagsalita. Humarap ako sa bagong dating.
"How are you? It's been what? Ten years last time na nagkita tayo my dear cousin." nang marinig iyon ng mga estudyante. Agad silang napamaang at nagsimulang muling magbulungan.
Natatawang nakatingin lang sakin ang pinsan ko. Yeah, he's my cousin sa Father side. Ang pangit na nasa harap ko ngayun ay walang iba kundi si Nathan Cruz.
"Guess what dito na rin ako mag-aaral" nakangiting sabi niya sakin.
"Magpinsan kayo?" sabay kaming napatingin kay carlo at tumango, nagsulputan naman agad ang mga kaibigan niya.
"Oh pinsan mo kylie? Maganda pala lahi niyo" sabi ni anthony. Natawa naman ako kasabay ng pag-iling.
"Siya ang pinaka pangit kong pinsan" Agad naman itong tinutulan ni nathan.
"Hindi ah. Ako ang pinaka gwapo sa ating magpipinsan" buong pag mamalaki n'yang sabi.
I chucked, carlo pull me closer to him and hug me from my back. "Boyfriend mo?" Tanong ni nathan.
"Yes/No!.." Sabay naming sagot ni carlo. ng tignan ko siya, ngumiti lang si Carlo sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Napansin ko si Red sa gilid ng gate. nakatingin siya sakin habang nanlilisik ang matang nakatingin samin. Problema niya? Napakunot noo ako at ibinalik din ang tingin sa pinsan ko.
"So uwian na? Sabay ka na sakin. Gusto ko na makita si tita at tito namimiss ko na luto ni tita" Humarap ako kay carlo at lumayo sa pagkakayakap niya sakin.
"Kahit kailan talaga ang takaw mo pa rin." Sabi ko.
"We have to go" tumango lang si Carlo. Nakakaisang hakbang palang ako ng bigla niya akong hawakan sa kamay at laking gulat ko ng gawin niya iyon. He kiss me sa lips. wala s'yang pakialam kahit maraming nakakakita ng ginawa niya. Napayukong nanahimik ako.
"Good bye, see you tomorrow" narinig kong sabi niya. Tumango ako at nagpaalam na sa mga kaibigan namin.
Pinag buksan ako ng pinto sa passanger seat ni Nathan. Agad naman akong naupo. Umikot si Nathan at sumakay sa driver seat. Sinimulan na n'yang paandarin ang sasakyan.
"Boyfriend mo si Carlo?" Napatingin ako sa kanya "Hindi bakit?"
"Hindi mo siya boyfriend pero hinalikan ka niya?" Umarko pataas ang isang kilay niya.
"Di ko alam kung totoo ba ang pinapakita niya sakin" saglit s'yang napatingin sakin. "Di ka sigurado?" Tumango ako.
"Hindi ka sasaktan ni Carlo kilala ko siya naging ka schoolmate ko sa US nang doon pa ako nag-aaral"
"Kaya pala magkakilala kayo"
"Ano ba ang rason kung bakit dito ka na sa pinas mag-aaral?" Tanong Ko.
"Namiss kita kaya bumalik kami ng pinas" tumawa siya.
"Gusto mo ng suntok?" Napailing naman si Nathan habang natawa pa rin.
"Sorry, ewan ko ba kay dad kung bakit dito na kami sa pinas" nanahimik na lang ako.
Umalis na kami sa University. I let out a deep breath. Biglang sumagi sa isip ko si Carlo. Hindi ko tuloy maiwasan isipin na maswerte pa din ako dahil may taong handa akong mahalin. Konti na lang ay mahuhulog na ang loob ko kay Carlo. Sana lang ay hindi siya katulad ni Red. Sana ay hindi ako saktan at lokohin ni Carlo.