KYLIE POV
Nangangalay na ang paa ko dahil kanina pa ako sa labas kakahintay sa pangit kong pinsan. Sinabi ni Nathan kanina sa text habang nakain ako ng breakfast na dadaanan niya ako para sabay na kaming pumasok sa University. Hanggang ngayun wala pa rin siya. arrrgh nakakainis na.
Nakatingin ako sa phone ko ng biglang may bumisina sa harap ko. Kamuntikan ko ng mabitawan ang phone ko ng dahil sa ginawa ng driver ng kotse. Lumabas mula roon si nathan at cool na naglakad hanggang sa kinatatayuan ko.
"Halika na at baka malate pa tayo" Bago pa siya tumalikod sakin binatukan ko muna siya dahilan para humarap siya sakin habang hawak-hawak ang ulo niya.
"Bakit mo ginawa 'yun?" Sinamaan niya ako ng tingin. Inirapan ko siya at tumalikod na sa kanya. Nauna na akong pumasok sa kanya sa kotse.
Pumasok na rin si Nathan at sinimulan ng paandarin ang kotse.
"Kanina pa ako naghihintay sayo sa labas ng gate pero ilang minuto pa bago ka makarating. Hindi naman kalayuan bahay niyo samin" May halong inis na sermon ko sa kanya. Napakamot naman si Nathan sa ulo.
"Napasarap kain ko pagkatapos kong itext ka sorry na" inirapan ko siya. Sinandal ko ang ulo ko sa upuan at pumikit.
"Nga pala sa St.Simon ako dun ka rin ba?" Anito. Umiling ako, dumilit para lingunin siya.
"No, kakalipat ko lang sa St.Peter dati ako sa St. Simon" Sagot ko.
"Bakit ka lumipat? Hindi ka na ba matalino?" He chuckled. Inis na inirapan ko siya. Umagang umaga bwinibwisit ako.
"No, gusto ko kasing magmove on" bored na sagot ko.
"Move on saan?" Saglit niya akong tinapunan ng tingin.
"Nagkaboyfriend ako. So ayun Iniwan, Sinaktan, Lumipat. Nag move on"
"At naghanap ng bago?" Umarko pataas ang isang kilay ko.
"Aray.. aray naman kylie pwede ba lubayan mo nga ulo ko. Ang sakit na ng pag kakabatok mo sakin kanina dinagdagan mo pa" May paawa effect pa ang gago.
"Tche! Manahimik ka" nang tumingin ako sa bintana. Malapit na kami sa school. Pagkarating namin agad akong bumaba at hindi na siya hinintay. binigay niya kay kuya ben ang susi ng kotse at hinabol ako para magsabay kami pumasok.
Inakbayan ako ni Nathan. "Insan, pwede bang pakibawasan ang pagiging masungit mo ngayung araw? Ang pangit mo kasi lalo na kung naka busangot." Bigla ko s'yang siniko. Napadaing naman si Nathan. I flip my hair at taas noo na naglakad hanggang sa makapasok ako sa Hallway.
Hindi niya na ako naabutan pa.
Nabungaran ko si carlo. Nakasandal sa dingding at ng makita niya ako. Agad s'yang umalis at inakbayan ako.
Biglang may dumaan na couple sa harap naman. Napairap ako.
"Pyung seng eun eopseo (Walang forever)" narinig kong nagpipigil ng tawa ang katabi ko.
"Wala bang forever? Haha" hindi na niya mapigilan ang pagtawa niya. Naialis na rin ni carlo ang braso n'yang nakaakbay sakin para sapuin ang t'yan niya sa kakatawa.
Napairap ako. Sige tawa lang.
Umalis na ako at nagpunta sa table namin. Agad akong naupo at napalumbaba. Nakita kong tuwang tuwa ang pinsan ko na pinalilibutan ng St. Simon girls hayst.
Hindi ko naramdaman na nakatabi ko si jestine. Napalingon ako sa kanya at nakatutok ang mata niya sa pinsan ko.
"Alam mo kylie. I think i'm inlove" kulang na lang maghugis puso ang mata ni Jestine.
"In love agad? Eh pangit naman n'yan" Napalingon si Jestine sakin at gulat na tinignan ako. Kumaway siya sa harap ng mukha ko habang seryosong ginagawa 'yun. Inialis ko naman ang kamay niya.
"Kylie nabulag ka na? Ghad ang gwapo kaya niya" anito.
"Tsk, 'yan gwapo?" Turo ko kay nathan
"Ang pangit kaya."
"Hello ang gwapo niya kaya super. Kaya nga in love na ako sa kanya" kinikilig ang bruha.
"Hindi naman kagwapuhan 'yan eh" Pagpupumilit ko.
"Ay ang sama" Saad niya.
"Pinsan ko kasi ang pangit na 'yan. Kaya ako na ang nagsasabi sayo pangit 'yan para sakin." Napamaang naman si Jestine sa gulat. Di na bago sakin eto. Kada sasabihin ko sa ibang tao na pinsan ko si nathan. Gustuhin na nila akong maging kaibigan. Siguro para makalapit sila sa kanya sa pamamagitan ko.
"Kaya naman pala ay sus pero aminin ang gwapo niya HAHA. Ang ganda ng lahi niyo kaya maraming nagkakagusto sa inyo dahil maganda't gwapo. malahian man lang ako huhu" Baliw na ang isang to.
"Look tignan mo si Ayessa." Napatingin ako sa direksyon ni Ayessa. "What about her?"
"Hindi mo makita? Naghuhugis puso ang mata niya. Ghad, don't tell me may bago na naman s'yang biktima." Bigla akong tumayo ng mapansin kong todo pag papapansin ang ginagawa ni ayessa sa pinsan ko. Nang makalapit na ako. Itinayo ko si Nathan sa pamamagitan ng pagpingot ko sa tenga niya. Tyaka ko siya kinaladkad sa hindi maraming estudyante. Nagulat ang lahat ng dahil sa ginawa ko. Binitawan ko na si Nathan. Sapo- sapo niya ang tenga na namumula na ngayun.
"Sabing bawasan mo pagiging sadista eh. taena ang sakit." Iniinda pa rin ni Nathan ang pagpingot ko sa kaniya.
"f**k you. Tuwang tuwa ka pa talagang pinalilibutan ka ng mga babaeng 'yun. Hinahayaan mo silang landiin ka lalo na si ayessa!" Tumaas ang boses ko.
"What about her? Hindi ko naman nilalandi ah." Depensa niya.
"Wag mo ientertain ang babaeng 'yun. may boyfriend siya" sabi ko na lang.
"You should told me agad para hindi ko siya magustuhan. Taena ang ganda niya" akmang itataas ko na ang kaliwang kamay ko ng bigla s'yang umiwas, s**t hindi pa umabot.
"Lumapit ka sakin at ng makatikim ka ulit ng batok" Nanlilisik ang matang sabi ko sa kanya. Ngiting aso lang ang loko.
"Yeah! Yeah! whatever. Sige, Una na ako. Wag kang mag-alala. Lalayuan ko siya mahal na prinsesa." Umalis na si Nathan at bumalik na rin ako sa kinauupuan ko kanina.
Sakit talaga sa ulo ang pinsan ko.
Nakapalumbaba akong nakaupo. Hindi pa dumarating si sir cabrera pati na rin mga teacher's kaya hindi pa kami nakakaakyat sa mga classroom's namin. Marami ng nakakaalam na pinsan ko si Nathan mukhang nakakasundo na sila ng mga kaibigan ni Carlo. Kanina ko pa siya nakikitang palakad lakad kasama nila.
"Ka bored" humihikab na sabi ko. Napalingon sakin si Jestine.
"Kanta ka na lang para hindi ka ma bored" Umiling ako.
"Ayoko pangit ng boses ko." Sagot ko.
"Hindi 'yan. Sige na ngayun lang naman." Pag pupumilit ni Jestine.
"Hindi na jestine, hindi ako magaling kumanta."
"Naku excuse mo lang 'yan. sige na please ngayun lang naman eh." Nakapout na sabi niya. Natawa ako.
Nilabas ko ang phone sa bag ko at inilagay sa tenga ko ang earphone. nagscroll ako ng pwede kong kantahin ng matigil na kakakulit sakin si jestine. nang makahanap na ako. Agad akong kumanta. Nakita ko sa peripheral version ko na naupong muli ang grupo ni Carlo sa table nila. Nakatingin sakin ang lahat.
Bakit ba ganyan ang unang pag-ibig?
Labis na kay hirap namang sambitin
Di masabi'ng saloobin
Hanggang sa matangay na ng hangin
Dila'y pilipit... pag sa akin ay lumalapit
(Chorus I)
Nandiyan ka na naman pasulyap-sulyap sa kin
Lagi-lagi na lang paligaw-ligaw tingin
Ba't di mo subukang aminin
Di mo alam ako'y may pagtingin din
(Chorus II)
Tigilan nang patago tago mo ng lihim
Dahil ang puso koy sadyang naghahanap din
Nang tunay na pag ibig, na tangi kong
Mamahalin...
II
Ano ba? Para bang wala kang magawa
Buti pang tuluyang 'wag kang pansinin
Di masabi'ng saloobin
Hanggang sa matangay na ng hangin
Dila'y pilipit... pag sa akin ay lumalapit...
(Repeat Chorus I and II) 2x
(Refrain)
Paligaw-ligaw tingin...
Hindi makatingin si carlo sa akin. Maraming estudyante ang naghiyawan. Siguro dahil na rin sa message ng kinanta ko. Yes! para sa kanya ang kanta. Wala pa s'yang sinasabi sakin na gusto niya ako hanggang paramdam lang siya. Hindi ko alam kung anong status ng relasyon nga ba matatawag kung ano kami.
Biglang hinawakan ni ralph sa magkabilang braso si carlo habang si anthony at daniel sa magkabilang paa naman. Puno ng tawanan ang first floor. hindi ko mapigilang hindi matawa sa kalokohan nila. Nagsimula silang maglakad dahil na rin sa makulit si Carlo kanina. Hindi nila mabuhat buhat. Namalayan ko na lang na sa akin sila pupunta. Bininaba nila si carlo sa harap ko at lumakas ang hiyawan ng mga estudyante.
Nahihiyang ngiti ang iginawad ko sa kanya. Napakamot naman siya ng batok.
"Ang ganda mo-.. i mean ang ganda ng kanta mo .. pa- pati na rin ng boses mo" Ngumiti siya sakin.
"Thank you." Agad na tumakbo si carlo pabalik sa table nila. Natawa ako dahil sa ginawa niya.
"Anong ngiti 'yan ah? Yiee kilig siya HAHA" sabi ni jestine na lalong nagpangiti sakin. Naupo akong muli at ibinalik ang phone ko sa bag.
Lumipas ang ilang minuto. Napatingin ako kay jestine.
"Uy, laway mo natulo na." natatawang sabi ko. Agad naman n'yang hinawakan gilid ng labi niya. Napasimangot si Jestine na kinatawa ko.
"Ang gwapo talaga ni nathan yung tipong hindi ka magsasawang titigan siya hihi" I chuckle dahil sa sinabi niya.
"Kahit ano pang sabihin mo jestine. hindi ka mapapansin ni nathan dahil pangit ka." Inis na binato ni jestine ang hawak n'yang notebook. Agad namang nakaiwas si Paul.
"Kahit kailan talaga panira ka sa buhay ko bwisit ka!" Nagtagis na bagang sabi ni jestine. Nagsisimula na naman silang mag-asaran.
Tumayo ako at umalis sa table namin. Nagpunta ako sa library na hindi kalayuan. Pumasok ako at nakarinig ng nagpa piano.
May nilagay kasi sa library na piano minsan nagpupunta ako dito para tumugtog. Hilig kong magpiano kaya walang araw na hindi ako pumupunta dito.
Nakatalikod na lalaki ang nasa harap ng piano na s'yang gumagamit. Napasandal ako sa bookshelves. Napapikit ako ng mata at pinakinggang mabuti. Ikaw by yeng costantino ang pinapatugtog niya.
Nang matapos na ang kanta. Napadilat ako at nakita kong tumayo na sa kinauupuan ang lalaki. Pinagmamasdan ko ang galaw niya ng pipihit na siya patalikod ng maayos na niya ang pagkakasara at pag balik ng upuan sa piano ng tumalikod na ako para umalis pero
Tila naitulos ako sa kinatatayuan ng magsalita ang nasa lukuran ko.
"Kylie?" Hindi ako humaharap sa kanya.. ayoko.
Ihahakbang ko palang ang paa ko ng bigla niya akong higitin sa braso para magkaharap kami. Nag-iwas agad ako ng tingin. With his other hand he reached up and gently grasped my chin and forced me to meet his gaze. He look at my parted lips slowly bend down and kiss me.
Nanlalaki ang matang tininulak ko siya at agad na dumapo ang kaliwang kamay ko sa para sampalin siya.
"Ang kapal ng mukha mong halikan ako" nanlilisik ang matang sabi ko.
"I want you back" Red said in serious tone.