KYLIE POV
"Bilisan niyo baka malate tayo sa next class natin!" Sigaw ni Paul na president ng classroom namin. Tamad na niligpit ko ang mga gamit ko at inilagay sa bag.
Nilapitan ako ni jestine at hinila palabas ng classroom "Uy teka lang dahan dahan lang baka madapa ako kakahila mo" Sita ko sa kanya pero ngiting aso lang ang sinagot sa sakin ni Jestine.
Hihinto na sana ako ng pinagpatuloy pa rin niya ang pagtakbo kaya nadala niya pa rin ako.
Napakunot noo ako sa ginagawa ni jestine. Saan naman niya ako dadalhin? Nalagpasan na namin ang Mapeh room. "Jestine saan ba tayo pupunta. Hindi na to papunta ng Mapeh room."
Hindi siya umimik, Ang pinagtataka ko ay malapit na sa avr room ang nilalakaran namin. Kita ko mula sa sliding window ng avr room ang St. Simon class.
Nakabukas ang pinto ng avr at laking gulat ko ng pumasok kami doon ni jestine. Tumigil muna kami sa harapan at nilibot naman ng tingin ni jestine ang loob. Ano ba hinahanap nito?
Lumapit ako ng konti kay jestine at binulungan siya "Ano ba sumagi sa isip mo na dito tayo pupunta? Hindi dapat tayo nandito baliw ka na ba?"
Ngumisi lang siya sa akin at hinawakan ang kamay ko paupo sa likod kung nasaan ang grupo ni carlo. Hindi ko magawang sulyapan sila kaya napayuko na lang ako hanggang sa makaupo kami ni jestine sa harapan nila.
Siniko ko si jestine ng tumingin siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Nagpeace sign naman siya.
"Halika na papagalitan tayo ni ma'am dahil wala tayo sa mapeh room." Sabi ko.
Napalingon ako sa harap ng pumasok ang mga kaklase ko. Bakit sila nandito?
"Dito ang next class natin kylie. Wala si ma'am kaya si Sir delos santos ang teacher natin ngayun. Pinagsama na lang ang klase natin at ang St. Simon." Paliwanag niya.
Nagkagulo ang loob ng avr room dahil sa mga kaklase ko. Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pagtayo ng grupo ni carlo except sa pinsan ko.
Tumabi naman ng upo sa akin si nathan at nakatingin sa harapan namin. Napalumbaba ako.
"Wala pa ba si sir? Nakakabored na.." Napahikab ako at tumingin sa white board sa harap. Nawala ang antok ko at pagkabagot ng dahil sa nakita ko.
Nakaramdam ako ng selos at pagkirot sa bandang dibdib ko kung saan ang puso ko. Gusto ko na ba si carlo? Kaya ba nasasaktan ako dahil masaya siya dahil sa kausap niya? Ako dapat 'yun.
Pinilig ko ang ulo at ipinikit ang mata. Nakalawaran pa rin sa isip ko kung paano siya tumawa at ngumiti kay christine na taga St. Simon. Maganda ito at makinis ang balat. Matalino din at Secretary ng SSG president na si Gian.
May kumalabit sa akin at tinapunan ng tingin si nathan.
"Problema mo?!.." singhal ko sa kanya. Kapag ganito talaga na bad mood ako nabubuntongan ko ng inis ang kakausap sa akin. Kinuotan niya lang ako ng noo.
"Selos ka no? Kaya ka nagkakaganyan kasi nagseselos ka!" Sabi niya. Napatingin naman ako sa harapan namin dahil ilang sa kanila nakatingin sa likuran or should i say sa amin?
Pano ang lakas ng boses ng hinayupak na to.
Nadagdagan ang inis na nararamdaman ko dahil napatingin din sa amin si christine at carlo pero bumalik din ang atensyon niya sa kaharap niya. Napabuntong hininga ako bago samaan ng tingin si nathan.
"Hindi ako nagseselos.." Pagdidiin ko.
"Sus kunyare ka pa pero deep inside selos na selos ka na.." Pang-aasar niya pa sa akin.
"Hay naku kylie kilala kita simula pa ng ipinanganak ka kaya wag kang magsinungaling kasi huling-huli na kita" Napairap ako, sige siya ng magaling.
"Bahala ka kung anong isipin mo basta hindi ako nagseselos."
"Okay lang sayo na sa ibang babae na ang buong atensyon ni carlo? Sayang naman boto pa naman ako sa kanya para sayo." Nahihimigan ang pagkadismaya sa sinabi ni Nathan.
"Wala akong magagawa kung ibabaling ni Carlo ang atensyon niya sa babaeng nakapaligid sa kanya. Malay natin baka trip niya lang ako at naghahanap ng magagawa sa buhay." Napayuko ako pagkatapos kong sabihin iyon.
Nakakalungkot lang na tuluyan na s'yang nakapasok sa buhay ko. Siguro hanggang dito na lang kami. Kung lalayuan niya ako okay lang. Sasanayin ko na lang sarili ko na hindi siya iniisip at tanggalin na sa sistema ko.
Nagkagulo naman ang mga kaklase ko at ang kabilang section. Nagmamadali silang makapasok sa loob ng avr at agad na nagsiupo sa mga bakanteng upuan sa harap.
Pumasok si Sir delos santos at nakatingin lang sa kanya ang mga estudyante. Tahimik naman ang dalawang katabi ko. Habang sila carlo naman ay nasa likuran namin.
"Wala bang absent today?.."
"Wala po sir.." Sagot namin.
"Since nandito ang St. Peter ang pinagawa sa inyo ni ma'am tess ay maghanda ng kakantahin hindi ba? Katulad din ng St. Simon. So sino ang unang kakanta dito sa harap." Nagkagulo na ang lahat pero wala akong pakialam sa kanila.
Nakalumbaba lang ako at sinisilip ang labas sa binta dito sa Avr.
"Ms.Cruz ikaw ang pinili ng mga kaklse mo. Pumunta ka na dito sa harap."
Laking gulat ko ng tawagin ako ni sir. "Ah-ako po?.." di makapaniwalang tanong ko.
"Yes.." Sagot ni Sir.
Wala akong magawa kundi ang tumayo sa upuan at pumunta sa harap pero bago 'yun simamaan ko ng tingin isa-isa ang mga kaklase ko. Masyado ata ako wala sa sarili kanina kaya hindi ko namalayan na pinipili ako ng mga kaklase ko.
Nakarating na ako sa harap at nanlalamig ang kamay dahil sa kaba. Sinimulan ko na ang pag-kanta
Bakit hindi mo maramdaman
Ikaw sa akin ay mahalaga
Ako sayo’y kaibigan lamang
Pano nga bat di ko matanggap
At ako pa bay iibigin pa
Ang dinadasal makikiusap na lang
Akin ka na lang
Akin ka na lang
Ang dinadasal sa araw-araw
Akin ka na lang
Akin ka na lang
At maghihintay hanggang akin ka na
Giliw
At sa panaginip lamang
Nahahagka’t nayayakap ka
At ako pa ba’y iibigin pa
Ang dinadasal makikiusap na lang
Akin ka na lang
Akin ka na lang
Ang dinadasal sa araw-araw
Akin ka na lang
Akin ka na lang
At maghihintay hanggang akin ka na
Giliw
At ako pa ba’y iibigin pa
Ang dinadasal makikiusap na lang
Akin ka na lang
Giliw
Akin ka na lang
Ang dinadasal sa araw-araw
At maghihintay hanggang akin ka na
Giliw
Nagpalakpakan ang mga estudyante na naririto ngayun. Binalot ng hiya ang buong pagkatao ko. Ngayun lang ako kumanta sa maraming tao.
Bumalik na ako sa upuan ko at ng makaupo ako ay narinig ko ang pagkanta ng mga kaibigan ni carlo.
"Akin ka na lang
Akin ka na lang
Ang dinadasal sa araw-araw
Akin ka na lang
Akin ka na lang
At maghihintay hanggang akin ka na
Giliw". Sinabayan pa nila ito ng tawa
Naiiling na lang ako sa kalokohan nila.
"Next!" Sigaw ni sir para mabaling ang atensyon namin sa kanya.
Naglakad papuntang harap si Carlo. Siya na ba ang kakanta?
Naghiyawan naman ang mga babae na nandito, napairap ako. Para namang artista kung ituring nila si carlo. Well parang artista nga naman kasi bukod sa mabait at matalino saksakan din siya ng gwapo.
Tumikhim muna siya bago kumanta.
If the heart is always searching Can you ever find a home I've been looking for that someone I'll never make it on my own Dreams can't take the place of loving you There's gotta be a million reasons why it's true
Ang kanyang mata ay nasa bandang likod kung saan ako nakaupo. Kinalabit ako ni jestine.
"He's looking at you." Kinikilig na sabi niya
Baka nagkataon lang.
When you look me in the eyes And tell me that you love me Every thing's alright When you're right here by my side When you look me in the eyes I catch a glimpse of heaven I find my paradise When you look me in the eyes
Ramdam ko na para sa akin ang kanta? I dunno siguro dahil hindi maialis ang tingin niya sa amin or should I say sa akin?
How long will I be waiting To be with you again Gonna tell you that I love you In the best way that I can I can't take a day without you here You're the light that makes my darkness disappear
Napakagaling niya talagang kumanta.
When you look me in the eyes And tell me that you love me Every thing's alright When you're right here by my side When you look me in the eyes I catch a glimpse of heaven I find my paradise When you look me in the eyes
Hindi ko rin maialis ang tingin sa kanya habang kumakanta siya.
More and more, I start to realize I can reach my tomorrow I can hold my head high And it's all because you're by my side
Parang may nagsasabi sa akin na ngitian siya kaya 'yun ang ginawa ko. Nakita ko ang pagngiti ni carlo habang nakanta.
When you look me in the eyes You tell me that you love me Every thing's alright When you're right here by my side When I hold you in my arms I know that its forever I just gotta let you know I never want to let you go
Ano nga ba ako sayo carlo? Lahat ng pinakita mo sa akin ano ba ibig sabihin niyon? Wala kang sinasabi kung meron man ay biro lang. hindi mo sinasabi na seryoso ka . Ang gusto ko, walang halong biro dahil handa akong aminin sayo ang nararamdaman ko sayo.
'Cause when you look me in the eyes And tell me that you love me Every thing's alright When you're right here by my side When you look me in the eyes I catch a glimpse of heaven I find my paradise When you look me in the eyes
Natapos ang kanta, nagpalakpakan naman ang mga estudyante na nandito ngayun. Naglakad si carlo pabalik sa likuran kung saan siya nakaupo.
Nagkatitigan kaming dalawa ng dumaan siya sa akin. Nag-iwas ako agad ng tingin.
Siguro kasing pula na ng kamatis ang buong mukha ko. May naririnig akong bulong-bulungan na para sa akin ang kanta ni carlo.