KYLIE POV "Sir may meeting daw kayong mga teacher's" saad ng estudyanteng pumunta sa AVR. Umalis na ang lalaki at inaayos naman ni sir mga gamit niya. Mabuti na lang at natapos na ang lahat sa pagkanta. "Gian, ilista mo lahat ng pasaway maliwanag?" Tumango si gian at nilabas naman nito ang notebook. Lumabas na si Sir sa room. Natahimik naman ang buong klase. "What now? Ang boring naman." Ani ni Raven. "Kumanta na lang kayo ulit para hindi boring" suhestiyon ni Gian. "Sino naman ang kakanta?" Tanong ni daryl. Nilibot ng tingin ni Gian ang buong klase. Napako ang tingin niya sa akin at sa likuran ko. Napangisi siya at ibinalik din ang tingin sa harap. "Si kylie at carlo ang kakanta." Lahat kami napanganga at napasinghap. No way. "Ba-bakit ako?" Kinakabahang tanong ko. Nagkibit

