KYLIE POV
After ng last sub ko. Naghihintay sa akin sa labas si Carlo. Ngumiti ako sa kaniya ng magtama ang aming paningin.
Lumapit siya agad sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.
Hindi ko maitago ang kilig. Biglang may naghiyawan kaya natawa kami ni Carlo.
Nagpunta kami sa PGH. As expected, nandun ang mga kaibigan ni Carlo. And guest what part na rin ng Group nila ang pangit kong pinsan na si Nathan.
Pagkabukas palang namin ng pinto. Bigla silang naghum yung music sa tuwing may ikakasal.
Natatawa na lang kami sa kakulitan ng mga kaibigan ni Carlo. Naupo na kami habang si Allen at Ralph naman ay kumuha ng Beer.
"For the future Mr. & Mrs. Tolentino. Let's Cheer's" sabay-sabay nilang itinaas ang Beer na hawak.
Napapailing na lang ako habang natatawa sa mga kalokohan nila.
Inakbayan ako ni Carlo. Nakikita ko sa mga mata niya na sobrang saya niya. At ganun din ako.
Ngayun ko lang naramdaman ang ganitong kasaya. Naging masaya din naman ako noon kay Red pero iba talaga ang dating sakin ni Carlo.
I feel so secure and loved.
Masaya ang lahat ng may biglang nagbagsak ng pinto. Lahat kami ay napatingin kay Red.
Nang magtama ang aming paningin, agad akong umiwas. Hinawakan ni Carlo ang kamay ko at marahang pinisil. Nagpilit ako ng ngiti.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo." Puna ni Red. Nakita kong ngumiti si Ralph.
"You're late. Saan ka ba nagpunta? Kanina ka pa namin hinihintay." Sabi ni Daniel.
Hindi sumagot si Red at pinalayas si Daniel sa Single Sofa at doon naupo.
Lumipat naman ng upuan si Daniel. "I'm with ayessa. Anong okasyon at nagkakasiyahan kayo?"
Walang ganang tanong ni Red. Walang nakaimik sa amin. Tinikom ko ang bibig..
"Etong si Kylie at Carlo. Malapit ng magkarelasyon. Yun ang sinecelebrate namin." Natutuwang sabi ni Allen.
Sinamaan ng tingin ni Red si Allen. Agad na nag-iba ang itsura ni Allen. Tumayo at umalis.
Tinapunan kami ni Carlo ng tingin ni Red. Huminga ng malalim si Red.
"Congrats sa inyo." Ramdam ko na napipilitan lang si Red na sabihin iyon.
Nagbaba ako ng tingin si Carlo ang sumagot.
"Thanks bro. Hindi ko papakawalan itong si Kylie. Hindi ko siya ibibigay kahit na kanino. Kahit pa kaibigan ko." Seryosong sabi ni Carlo. Agad akong napatingin sa kaniya.
Ngumiti lang sakin si Carlo.
"Well, Goodluck sa inyo. Sana magtagal kayo." Tumayo si Red pagkatapos niyang sabihin iyon.
Ramdam ko ang atensyon sa kanilang dalawa. Para akong tinakasan ng hininga habang pinakikiramdaman ang dalawang magkaibigan.
Nang umalis na si Red sa PGH. Nagsimula ulit silang mag-ingay. Para santo kanina mga kaibigan ni Carlo nung nandito kasama namin si Red. Ngayun ay para mga naka high. Hindi mawala sa isip ko si Red.
Kahit kailan talaga Red. Lagi mong ginugulo ang isip ko.
"May problema ba Kylie?" Tanong ni Carlo. Umiling ako at Ngumiti.
"No, may iniisip lang ako." Sagot ko.
"It's about Red Right?" He asked. Umiling ako. Ayokong isipin niya na habang siya ang kasama ko ibang lalaking ang iniisip ko. Ayokong masaktan si Carlo.
"No, Carlo." Pinisil ni Carlo ang kamay ko..
"Don't worry hindi ako magagalit. Alam kong hindi madali sayo na kalimutan na lang si Red. Lalo at nagkaroon din kayo ng Relasyon. It's okay Kylie kung hanggang ngayun ay iniisip mo pa rin siya. Alam kong nag-iiba na ang mundo."
Ningitian ko si Carlo. Sobrang napakaunderstanding talaga niya.
Pinukaw ng mga kaibigan ni Carlo ang atensyon namin.
"Anong pinag-uusapan niyo d'yan at sobrang seryoso n'yong dalawa. Dapat lang na magsaya lang tayo dito. Huwag puro problema ang iniisip niyo." Sabi ni Anthony.
Tumango-tango si Carlo. "Tama ka Bro."
Napatingin ako kay Nathan. Sinenyasan ako ng pinsan ko sa kitchen. Inalis ko ang kamay ni Carlo na naka akbay sa kin. Napatingin pa sakin si Carlo.
"Punta lang ako sa kitchen." Sabi ko.
Hindi ko na hinintay pa na sumagot si Carlo at iniwan na sila.
Lumapit agad ako kay Nathan.
"May problema ba?" Tanong ko.
"Kayo na ba ni Carlo?" Natigilan ako sandali sa tanong ng pinsan ko.
Ngumiti ako at sinagot siya. "Not yet.. Hindi pa ito ang tamang panahon para maging kami ni Carlo. Ang gusto ko. Kapag ready na ako. Papayag na akong maging kami. For now, gusto ko maging masaya. Gumawa ng magandang memories na magkasama. Ayokong madaliin ang lahat para sa amin Nathan. Lalo at naranasan ko ng maloko at iwan."
Tumango-tango si Natha. "That's good to know. You're right. Mas magandang kilalanin niyo muna ang isa't-isa. Bago kayo magkarelasyon."
Sabay kaming napatingin ni Nathan sa bagong dating na si Ralph.
"Anong pinag-uusapan n'yong dalawa? At parang seryoso n'yo." Aniya. Ngumiti ako sa kaniya at umiling.
"Wala naman Ralph."
"Ahh.." tanging na sabi na lang niya.
"Sige, iwan ko muna kayo d'yan." Iniwan ko silang dalawa at bumalik sa tabi ni Carlo.
NATHAN POV
"Do you think na magiging sila ni Carlo?" I asked Ralph.
Nagkibit-balikat siya.
"Sila lang ang nakakaalam niyan." Sagot ni Ralph.
"Bakit, may problema ba? Ayaw mo ba kay Carlo para sa pinsan mo?" Napangisi ako.
"Hindi ako makikialam sa kung anong disisyon ng pinsan ko. I let her decide on her own. Kilala ko si Kylie. She's a strong woman. I think she already fall in love with Carlo. Kung maging sila man ni Carlo. Hindi ako tutol sa magiging relasyon nila." Tumango si Ralph.
"Pero, Kapag sinaktan niya si Kylie. Kahit mag-kaibigan kami hindi ako tatayo lang at manood lang na sasaktan at lolokohin niya ang pinsan ko."
"Hindi niya magagawang lokohin si Kylie." Muli akong napangisi.
"Are you sure of that?" Kumunot ang noo ni Ralph..
"What do you mean?" He asked. Namula ako at nagkibit balikat.
"This is not the right time para malaman niyo. I want carlo to handle the problem first before.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ng biglang dumating si Anthony.
"Ralph, hinahanap ka ni Carlo." Aniya.
Umalis na si Ralph. Lumapit sa akin si Anthony.
"Sinabi mo ba sa kaniya?" Tanong niya.
Umiling ako at kumuha ng isang basong tubig.
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Anthony ang kamay ko.
"Give me the glass." He said.
Napakunot noo ako. "Why? Huhugasan ko."
"Just give me the glass. Iinom din ako." I give him a weird look. Ngumiti lang si Anthony.
Natigilan ako. Kinuha niya sa akin ang baso. Pinagmamasdan ko bawat galaw niya.
Pati pag-inom niya ng tubig. Kung pano gumalaw ang adams apple niya. Bigla akong kinalibutan.
This is so weird right now. Iniwan ko na siyang mag-isa.