Kylie POV
"Anak. May bisita ka." Sabi ni Mommy mula sa labas ng room ko.
Kumunot ang noo ko. Sino namang bisita ang sinasabi ni Mommy? Sa pagkakaalam ko, wala akong pinagsabihan kahit isa sa mga kaibigan ko na pumunta dito sa house.
Tumayo ako mula sa bed at lumabas na para harapin ang bisitang sinasabi ni mommy.
Today kasama ko ang pamilya ko. Nangako si Dad at Mom na babawi sila sa akin. Lalo ng mga nakaraang buwan. Sobrang busy ng magulang ko na halos hindi na sila umuuwi dito sa house dahil sa sobrang pagkabusy sa Work.
I understand if their busy. Alam ko naman na ginagawa nila ang lahat ng iyon para sa akin. At sa magiging future ko.
Hindi ko kayang magalit sa magulang ko na tanging ginagawa lang ay ang mapabuti ako.
"Surprise Kylie!" Sigaw ni Floyd at Jestine pagkapunta ko sa living room.
Natawa ako sa tinuran nila. Niyakap ko sila ng mahigpit.
"Anong ginagawa n'yo dito?" Tanong ko. Biglang ngumuso si Jestine.
"Yan ba talaga ang una mong sasabihin kylie. Hindi ka ba masaya na makita kami ni Floyd?" Napatawa ako.
"Sorry, nakakabigla lang kasi ngayun lang may bumisita sa akin na kaibigan ko. Usually kasi ako ang bumibisita sa mga friends ko." Nakangiti kong sagot.
"Well from now on kami na ang bibisita sa'yo. Nakakasawa na kasi na laging house ko at ni floyd tayo tumatambay. Kaya naisipan namin ni floyd na puntahan ka dito. Grabe kylie ang laki ng house niyo." Manghang sabi ni Jestine habang nililibot ng tingin ang bahay.
Natawa ako. Pinaupo ko muna sila. Nagdala si mommy ng miryenda. Nagpasalamat si jestine at floyd. umalis na si mommy.
Masaya ako na nandito kasama ko ang mga kaibigan ko.
"Nga pala kylie, kamusta kayo ni carlo?" Ibinaba ko ang hawak na baso at sinagot si floyd.
"Ang totoo n'yan hindi pa kami nagkikita at nag-uusap ni Carlo." Nagkatinginan ang dalawa. nagtataka silang pareho.
"Bakit?" pareho nilang sambit.
Nagkibit- balikat ako.
"I don't know. I try to call and text him pero di man lang siya magreply."
"baka busy lang si Carlo." Sabi ni floyd.
"Kahit na Floyd. Dapat mag-update si Carlo kay Kylie para alam ng kaibigan natin kung ano nangyayari kay Carlo. Pwera na lang kung may ibang babae na kinalolokohan si Carlo."
"Tama na nga 'yan." Napapansin ko kasi ang tensyon sa dalawang kasama ko.
Baka mauwi sa away. Lalo parehas silang ayaw magpatalo.
"Maiba tayo, saan nakatira si Nathan Kylie?" Tanong ni Jestine.
"Actually malapit lang samin ang bahay nila Nathan. Gusto niyo bang puntahan natin siya?" Tanong ko sa dalawa. Agad na tumango-tango si jestine.
"Big Yes!" Kinikilig na sabi ni Jes.
Napailing na lang ako. Si Floyd naman ay parang nandidiri sa inaasta ni Jestine.
Nagpipigil ako ng tawa. Tumayo na kami at umalis sa house.
Pagpunta namin sa house ni Nathan.. nagulat kami sa nadatnan.
Hindi namin napigilan ni Jestine ang mapanganga.
Nakayuko kasi si Nathan kay Anthony at nakikipagsukatan ng tingin kay Anthony. Nakatayo ang pinsan ko habang nakaupo sa sofa si Anthony.
Tumikhim ako dahilan para mapukaw ang atensyon ng dalawa.
"Hi couz." Sabi ko habang di mapigilan ang ngiti..
Halata sa pinsan ko ang hiya. Hindi naman makatingin sa amin si Anthony.
Nangangamoy ano hahaha.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Nathan at naupo sa tabi ni Anthony. Medyo umusod ng konti si Anthony sa pinsan ko.
"Well, ito kasing dalawa gusto makita house niyo kaya nandito kami." Sagot ko.
Naupo kami sa sofa. "Hi anthony." Sabi ko.
Nahihiyang ngumiti si Anthony sa akin. Tahimik ang dalawa sa tabi ko.
Naglakas loob akong magtanong kay anthony..
"Ikaw lang ba ang nandito?" Ani ko.
Tumango si Anthony. "Yes.."
"Ahh.." saad ko at tumango.
"Si Carlo ba hindi ka pa binibisita?" Tanong ng pinsan ko.
Umiling ako. "Ilang araw na siyang di nagpapakita sa akin tapos di pa nagtetext at call sakin. Ano na kaya nangyari sa mokong na 'yun."
"Baka busy lang." Sabi ni Nathan.
"Yan nga rin ang sinasabi ko Nathan." Sabat ni Floyd.
"Busy sa ibang babae?" Sabi ni Jestine habang naka cross arm.
Sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya.
"What?" She said and frown.
"Actually tama si Jestine." Napatingin kami kay Anthony.
"See, ayaw niyo kasing maniwala sa akin. May kinalolokohang Babae si Carlo kaya di na niya binibigyang pansin si Kylie." Halata ang inis ni Jes sa salitang binitawan niya.
"What do you mean anthony?"
"Dumating kasi 'yung friend ni Carlo from france. Si Carlo ang inutusan ni Tito na magbantay kay Valerie. Kung saan gustong pumunta ni Val dapat nandun din si Carlo." Paliwanang ni Anthony.
"Di ko gets. Bakit si Carlo ang dapat na magbantay dun sa Valerie?" Takang tanong ni Nathan.
"Well, kaibigan ni Tito ang magulang ni Val. Simula pagkabata ni Carlo at Val sila na ang magkasama. Nagmigrate sila Val sa France at nito lang sila bumalik sa pinas. Mahilig magparty si Val madaling araw na kung umuwi. Kaya nakiusap yung father ni Val kay tito na si Carlo ang sumama kay Val sa tuwing lalabas mamasyal si Val para alam nila ang nangyayari kay Valerie."
"Kylie.." Tumingin ako kay Anthony.
"Huwag ka mag-alala. Siguradong tatawag sayo si Carlo kapag may time siya. Ang alam ko may big event na gaganapin ang pamilya ni Val at siguradong kasama si Carlo sa pag-aayos."
Ngumiti ako at tumango.
"Naiintindihan ko. Tyaka hindi pa naman official na kami ni Carlo. Kaya okay lang sa akin kung hindi ako ang priority niya."
Tumayo ako. "Tara na Jestine at Floyd."
Sunod na tumayo ang mga kaibigan ko. "Alis na kami."
"Kylie.." napatingin ako kay Jestine.
"Alam ko tumatakbo sa isip mo." Aniya. Nagpilit ako ng ngiti.
"Ano ka ba Jestine. Wala sakin 'yun. Katulad nga ng sabi ko. Naiintindihan ko kung bigla na mawala sa buhay ko si Carlo."
Natahimik ang dalawa. Wala ng nagtaka pang magsalita sa kanila.
Bumalik kami sa house. Hindi na tinangka pang pag-usapan ng dalawa si Carlo.
After one hour nagpaalam na ang dalawa na uuwi na..
Nang mawala na sa paningin ko ang dalawa. Pumasok na ako sa loob ng bahay.
Pabagsak na naupo ako sa Sofa. Kinuha ko ang phone at tinignan kung may nagmessage ba sa akin.
Ibinato ko sa tabi ko ang phone. Napabuntong hininga na lang ako.
Pagdating ng gabi. Ready na ako matulog ng biglang nagring ang phone ko.
Hindi ako umaasa na si Carlo ang tumatawag. Alam kong busy yun sa Valerie katulad ng sabi ni Anthony.
Nagulat ako ng makita ang pangalan ni Carlo. Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag.
Sa huli inaaccept ko ang tawag niya. Hindi muna ako nagsalita at hinintay na si Carlo ang unang magsasalita.
"Kylie.. are you mad at me? Bakit di ka nagsasalita." Ani ng kabilang linya.
Bumuntong-hininga ako.
"Bakit ka tumawag? Di ba dapat bantayan mo si Valerie. Mamaya niyan may mangyari masama sa friend mo at ikaw ang masisi."
"Alam mo na pala. I'm sorry kylie. Di ko kasi mahindian si Dad. Babawi ako sa'yo promise."
"Hindi na bale Carlo. Kailangan ko na rin siguro masanay na hindi ako ang priority mo." I end the call.
Ibinaba ko ang phone sa bed side table.
Ang totoo niyan. Naiinis ako kay Carlo. Madali lang naman sabihin sa akin kung ano nangyayari sa kaniya. Hindi yung nagmumukha akong tanga kakahintay yun pala nagpapakasaya siya kasama nung Valerie.
Hindi ko mapigilan ang sariling mainis sa kaniya.
Sa ibang tao ko pa talaga dapat malaman na madalas niya kasama yung friend niya.
Humiga na ako. Pipikit na sana ang mata ko ng marinig ang tahol ng aso ko.
Bumangon ako at sinilip sa bintana ang aso ko. Ganun na lang ang gulat ko ng makita si Carlo sa puno na katapat ng kuwarto ko. Ngumiti siya sa akin.
"Anong ginagawa mo dyan." Gulat kong sabi.
Tumalon si Carlo at pumasok sa room ko.
"Hindi ako makakatulog ng maayos lalo alam kong galit ka sakin." Aniya.
Nilagpasan ko si Carlo at nagcross arm.
"Hindi ka na dapat nagpunta pa dito."
"Kylie, i'm sorry."
"I understand Carlo. Wala tayong relasyon para humingi ka ng sorry sakin." Iniwas ko ang tingin sa kaniya.
Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.
"I'm really sorry. Huwag ka ng magalit. From now on tatawag at magtetext na ako sayo. Huwag ka ng magalit please." Pakiusap niya.
Nagpapacute sa harap ko si Carlo.
"Ngingiti na yan." Panunukso niya sa akin.
Hindi ko mapigilan ang sariling ngumiti.. iniwas ko agad ang mukha sa harap niya.
"Nakita ko 'yun." Ani ni Carlo habang nakangiti.
Humarap ako kay Carlo at Tinitigan siya sa mata.
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Carlo.."
"Shh! Miss na miss kita Kylie. I'm sorry at ngayun lang ako nagparamdam sayo. Babawi ako sayo promise ko yan."
"Carlo, huwag ka mangako. Ang gusto ko gawin mo." Hinarap niya ako sa kaniya.
"So bati na tayo?" Aniya habang nakangiti.
Sumimangot ako at umiwas ng tingin.
"Hindi pa. Naiinis pa rin ako sa'yo." Pagsusungit ko sa kaniya.
"Sorry na nga di ba. Kylie naman please. Huwag ka ng mainis sakin." Pinisil niya ang kamay ko.
"Siguraduhin mo lang na babawi ka sakin ha." Tumango si Carlo na may ngiti sa labi.
Tumitig ako sa mga Mata niya. Paunti-unting lumalapit siya sa mukha ko.
Halos magdikit na ang mga labi namin ng biglang nakarinig kami ng Sigaw.
"Shit.." bulalas ni Carlo.
"Sino 'yun?" Takang tanong ko.
"Mga kaibigan ko.." sagot ni Carlo.
"Nandito sila?" Tumango si Carlo.
Sumilip kami ni Carlo sa verandah. Ganun na lang ang gulat namin ng nag-uunahang umakyat sa puno si Ralph, Allen, Daniel at joshua.
Mabuti na lang at wala rito ang magulang ko. Tawa kami ng tawa sa itsura ng mga kaibigan ni Carlo.
Takot na takot sila sa Alaga naming aso.
Pano isang rottweiler ang humahabol sa kanila.