CHAPTER TWENTY - SECRETLY IN LOVE WITH YOU

1526 Words
Kylie POV Nagmamadaling kinuha sa akin ni Allen ang pitchel at agad na uminom ng tubig. Hinahabol pa rin ng ilan sa kanila ang hininga. Halos hindi naman mawala sa labi ni Carlo ang pagpipigil niya ng tawa. Hinarap ko si Carlo at pinaningkitan siya ng mata. Agad naman umiwas ng tingin sa akin si Carlo. Huminga ako ng malalim at tinignan sila isa-isa. "Ano ba kasing ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Ibinaba ni Allen ang baso sa table.. Tinuro ni Allen si Carlo. "Siya.. siya ang may kasalanan. Kung hindi lang namin siya kaibigan hahayaan namin siya mag-isa na lapain ng aso niyo." Inis na hinihingal na sabi ni Allen. Nag-agree ang tatlo. "Kylie, bakit di mo sinabi na may alaga kayong aso. Ang masama pa doon ang laki. Akala ko nga mamamatay na ako." Hysterical na sabi naman ni Daniel. "So kasalanan pa namin? Eh kayo nga tong bigla na lang papasok sa bahay na hindi naman inyo." Sita ko sa kanila. "I'm sorry kylie. Si Carlo ang awayin mo. Huwag kami. Nandito lang kami para maging supportive friends ni Carlo. Kung alam lang namin na ganito mangyayari samin. Sana hinayaan na lang namin pakiusap samin ni Carlo na samahan siya dito." Paliwanang naman ni Ralph. Napabuntong hininga ako. Hinarap ko si Carlo. "Sa susunod. Magpasabi ka kung balak mo akong puntahan dito sa bahay para sana nagbigay ako ng warning na may aso kami na talagang lalapa sa inyo ng buhay." Inis na sabi ko kay Carlo. Nahihiyang yumuko at tumango si Carlo. "Sorry na. Miss na kasi kita. Ilang araw din tayong hindi nagkita. Ngayun lang ako nabakante kaya nakiusap ako sa kanila na samahan ako para makita man lang kita." Paliwanang ni Carlo. Naawa naman ako. Naiintindihan ko na gusto akong makita ni carlo. Tama siya, ilang araw din hindi namin nakita ang isa't-isa. Acceptable naman ang reason ni Carlo. Kaya lang, Masyado ng gabi para tumanggap pa ako ng bisita. Kung pwede naman na bukas o sa susunod na araw niya ako bisitahin. I'm always Free. Siya lang naman itong may kina-a-abalahang iba. Napabuntong hininga ako.. "Okay, fine.. magsiuwi na kayo. Anong oras na oh." Sabi ko sa kanila. Nagsitayuan na ang mga kaibigan ni Carlo. Sinamahan ko sila sa hanggang sa labas ng bahay. Nagpaalam na sa akin ang mga kaibigan ni Carlo at sumakay na sa loob ng kotse. Si Carlo na lang ang kasama ko ngayun. Humarap ako sa kaniya. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. "I'm sorry kylie." Aniya. "It's okay Carlo. You don't need to say sorry." "But still may kasalanan pa rin ako sa'yo. I know we're not in relationship yet. Ngayun palang parang napapabayaan na kita. I'm sorry Kylie. Sana hindi ka magtanim ng galit sakin dahil sa mga ginagawa ko." I shut him off. "Tama na kakaexplain Carlo. Ang mahalaga okay na tayo hindi ba. Tyaka you already explain to me everything. Kaya wala ka na dapat pang ipag-alala." I said and smiled at him. He smile and hug me. Humiwalay na ako sa pagkakayakap niya sa akin. "Pano 'yan. Uwi na kayo." Tumango si Carlo. "See you tomorrow." He said and kiss me. Sumakay na si Carlo sa car. Nang mawala na sila sa paningin ko. Pumasok na ako sa loob ng bahay. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kinabukas, maaga akong nagising. Sinundo ako ng Pinsan kong si Nathan. Naikwento ko sa kaniya ang nangyari. Halos hindi na makahinga si Nathan sa kakatawa. Pagkarating namin sa University. Agad akong nilapitan ni Jestine. Saktong maaga pa kaya kasama namin si Floyd. Naikwento ko rin sa mga kaibigan ko ang nangyari kagabi. Halos lumuwa na ang mata ni Jestine sa gulat. "Oh my god. Kawawa naman si Allen kung ganun." Nalulungkot na sabi ni Jes. Agad siyang sinita ni Floyd. "Hindi na kasalanan ni Kylie ang nangyari sa kanila ano. Buti nga sa kanila. Bigla na lang papasok sa bahay na hindi nagpapaalam." Inawat ko na ang dalawa. "Okay tama na iyan. Baka saan pa mapunta itong usapang ito." Tumigil na ang dalawa. Nakita ni Jestine si Nathan. Kita ng dalawang mata namin na magkasama si ang pinsan ko at si Anthony. Hindi naman sa pag-aano pero madalas kasi namin silang makitang magkasama ni Anthony. I'm a fan of Yaoi kaya ang hirap hindi sila iship. Bagay kasi sila hihi.. Napatili kami ni jestine ng magtama ang aming paningin. Magkaibigan nga kami. Iisa lang ang tinatakbo ng isipin namin. Napapailing na lang sa tabi namin si Floyd. Iniwan muna ako sandali ng dalawa. Habang nagmumuni-muni. Nakita kong papalapit sa direksyon ko si Red. Umiwas ako ng tingin ng magtama ang aming paningin. Nagulat ako ng tumabi sa akin si Red. Hindi ako nagsalita. Hangggang sa basagin niya ang katahimikan. "Kamusta ka na Kylie.." Tinapunan ko siya ng tingin. "As you can see i'm perfectly fine. Thank you for asking.." I said. Ngumiti si Red. Yung ngiting ngayun ko lang ulit nasilayan. Aaminin ko, hindi naging madali sa akin nung naghiwalay kami. Sa tulong ni Carlo naover come ko yung pain na naranasan ko kay Red. Tinulungan ako ni Carlo na unti-unting kalimutan ang mga masasama kong karanasan sa pag-ibig. Malaking tulong sa buhay ko si Carlo. Dahil sa kaniya, nakukuha kong ngumiti at ipagpatuloy ang buhay kahit na wala sa buhay ko si Red. "Kylie.." "Yes?.." Tumitig ako sa mga mata niya. "May tanong lang ako sa'yo. Kung sakali bang hindi tayo naghiwalay. Tingin mo tayo pa rin kung sakali?" Aniya. Tumikhim ako at napaisip. Ano nga ba ang mangyayari sa amin ni Red kung hindi kami naghiwalay. Well baka siguro hanggang ngayun ay baka nagpapakatanga ako sa kaniya. Si Red kasi ang Puppy love ko. Kaya mahirap para sa akin at sobra akong nasaktan ng maghiwalay kami. Mabuti na rin sigurong nangyari sa amin iyon. Para marealize namin na ang heartbreak hindi 'yan mawawala sa buhay natin kapag nagmamahal tayo. Hindi dapat umaasa na habang buhay ay puro saya lang. "Red, wala akong pinagsisisihan na minahal kita. Kasi dahil sa ginawa mo. Narealize ko na sa'yo halos umikot ang buhay ko. Minahal kita ng lubos kaya nung naghiwalay tayo. Sobrang sakit sa akin. Kahit ganun nagpapasalamat pa rin ako sa'yo dahil naranasan ko na mahalin ng isang katulad mo. Hindi man naging perfect ang naging relasyon natin. Still, naging mabait ka pa rin sa akin." Mahabang paliwanang ko.. "Kylie.." "Red, kung ano man ang nangyari sa atin. Lahat ng iyon nakalipas na. Nakamove on na ako sa'yo. Kaya sana ikaw rin." Ani ko ng nakangiti. "I'm sorry kylie for being a jerk. Dahil sa katangahan ko. Pinakawalan ko ang babaeng mahal ko. I'm sorry for hurting you. I know i'm to late but I want you to know kahit anong mangyari mamahalin pa rin kita." I cut him off. "Red, enough.. tama na palayain na natin ang isa't-isa. Tapos na ang kwento natin. Kaya dapat lang na isara na natin. Meron ka ng Ayessa at ako naman ay Carlo. Masaya ako kay Carlo. He always making me smile katulad ng ginagawa mo para sa akin noon.. i'm not comparing you to Carlo, Red. Mas lamang lang talaga si Carlo sa'yo when it comes to making me happy. Ginagawa niya ang mga bagay na sana hinihiling ko na ginawa mo rin para sakin." Hinawakan ko ang kamay ni Red at marahang pinisil. "Sana maging masaya ka na lang sa kung anong meron ka Red. Hindi ba matagal mong pinangarap na mahalin ni Ayessa at piliin. Nangyari na hindi ba. Kaya dapat lang na ingatan mo ang taong mahalaga sa'yo. Dahil pareho nating alam na kapag binitawan mo ang isang tao. Hindi mo na siya makukuha pang-muli." I smiled at him. "Kylie, kung papipiliin ako. Ikaw ang pipiliin ko. Tama ka, matagal kong pinangarap si Ayessa pero narealize ko na hindi siya ang para sa akin. Habang siya ang kasama ko iniisip ko na sana ikaw siya. Pinagsisihan ko na pinakawalan kita. Sana kung may pagkakataon akong baguhin ang lahat. Gusto kong baguhin na akin ka na lang ulit." Natigilan ako. Nakikita ko sa mga mata ni Red ang pagsisisi. Umiwas ako ng tingin. "I'm sorry Red. Kahit anong gawin mo. Hindi na magbabago pa ang lahat. Sana tanggapin mo na lang ang katotohanang hanggang dito na lang tayo." Biglang tumayo si Red. Nagulat ako ng ilahad niya ang kamay. "Thank you for being part of my life. Sa sandaling naging tayo. Naramdaman ko ang pagmamahal mo para sakin Kylie. I'm sorry pero hindi matatapos dito ang lahat. Kahit na magkalayo tayo. I'm still Secretly In Love with you." He said while smiling to me. "Red.." i'm speechless. Hindi ko akalain na mangyayari ang araw na ito. Kinuha ni Red ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Titig na titig ako sa ginagawa ni Red. Nakakagulat talaga ang araw na ito.. Bigla akong napatingin sa gilid. Kung saan nanlalaki ang mga mata ng PG squad. Kasama nila si Carlo na hindi maipinta ang mukha. Napatingin ako sa tabi ni Carlo. May Kasama siyang babae at nakalingkis sa kaniya. Grabe nakakagulat talaga ang araw na ito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD