KYLIE POV
Lumapit sa amin si Carlo. Nakatitig ako sa kanila hanggang sa makarating sila sa harap namin.
Tumikhim ang kasamang babae ni carlo.
walang nagtangkang magsalita sa amin. naputol lang ng dumating ang mga kaibigan namin.
"Oh Carlo, Kylie.. Anong ganap? Parang ang tahimik niyo.." Sabi ni Ralph hanggang makalapit sila sa amin.
Napansin nila si Red at ang babaeng kasama ni Carlo.
Binati nila ang Babae.
"Hi, Valerie. Kamusta?" The named valerie just smile at Ralph.
"As you can see ralph. I'm perfectly Fine. I'm so happy to see you guys. Ang tagal kasi nating hindi nagkita-kita." Lumapit si Valerie sa grupo ni Carlo at isa-isa niyang niyakap sila.
Nakafocus ang atensyon ko kay Carlo. Halos hindi maipinta ang itsura niya.
Tumikhim ako at laking gulat ko ng bigla akong hawakan ni Carlo at hinila palayo sa kanila.
Nagpatanggay ako kay Carlo. Hinayaan ko siya kung saan niya ako gustong isama.
Pumunta kami sa PGH. Pagkasara palang ng pinto agad niya akong tinulak sa pinto. Inilagay niya ang magkabilang kamay sa magkabilang side ko.
Tumitig ako sa mga mata niya. "Carlo.."
Ani ko, hindi siya sumagot at pinagdikit ang mga noo namin. Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya. Agad ko siyang niyakap.
I know he wants hug right now.
"Carlo.. are you okay?" I asked. He didn't say anything.
Lumayo ako sa kaniya at pinagtama ang aming paningin.
"Carlo. May problema ba?" Tanong ko ulit.
"Nothing.." He said. Hindi ako naniniwala na wala siyang kahit anong nararamdaman..
Di kaya nagseselos si Carlo? Base sa itsura niya kanina. Halos patayin na niya sa tingin si Red.
May naisip akong idea para hindi na mag-isip pa ng kung ano-ano si Carlo.
I kiss his lips. Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa ko. Ngumiti ako sa kaniya.
Kalaunan, ngumiti na rin ang future boyfriend ko..
"Alam kong nagseselos ka.." Agad na umangal si Carlo.
"That's not true.." Umiwas ng tingin si Carlo.
Pinanggigilan ko ang magkabilang pisngi ni Carlo.
"Ang cute-cute mo talaga. Huwag na magdeny. Alam kong nagseselos ka kay Red. Alam mo Carlo. Wala kang dapat ikaselos kasi wala na akong balak na palitan ka. Ngayun pa kaya na totally move on na ako sa kaniya. Tyaka nandito ka kasama ko at kahit kailan hindi mo iniwan. Kaya nga sobrang thankful ako kasi may Carlo ako sa buhay ko." Mahabang paliwanang ko sa kaniya.
Agad na umiwas ng tingin si Carlo. Nakikita ko ang pamumula ng buong mukha niya. Natawa ako ng bahagya.
Ang cute niya talaga. Nagblush ang loko.
He hold my both hands and kiss the back of it. I can't stop smilling watching him.
Carlo hug me tight. Sabay kaming nagulat ng biglang bumukas ang pinto. Naabutan nila kami sa ganung sitwasyon.
Agad akong humiwalay kay Carlo. At ang loko naman ay hinapit ako palapit sa kaniya.
Nagbaba ako ng tingin.
"May naglalambingan pala dito. Labas tayo ulit kunwari wala tayong nakita." Sabi ni Daniel.
Agad siyang binatukan ni Allen.
"Huwag mo intindihin sinabi ni Daniel, Kylie.." sabi naman ni Joshua.
Nahihiyang tumango ako. Natatawa naman sa tabi ko si Carlo.
Napansin ko ang babaeng kasama ni Carlo kanina.
Hindi ko mabasa kung masaya ba siya o hindi.
Nang magtama ang aming paningin. Alam kong napipilitin lang si Valerie na ngitian ako.
Kahit ganun, Ningitian ko pabalik si Valerie.
Nagsimula na magbell. Pumunta na kami sa mga classrooms namin. Pagkatapos ng class sinundo ako ni Carlo. Sabay kaming naglakad papunta sa PGH.
Kami lang dalawa ang nasa PGH. Wala mga kaibigan ni Carlo. May mga kaniya-kaniyang ligaw sa mga babaeng gusto.
Nakaupo ako sa sofa kasama si Carlo at nakasandal sa kaniya.
Naramdaman ko ang paghalik sa akin sa noo ni Carlo. Hindi ko napigilan ang mapangiti sa ganitong simpleng gesture niya sa akin.
"Kylie.."
"Hmm?"
"May tanong ako.." Umangat ako ng tingin.
"Ano 'yun?" Tumitig ako sa kaniya.
"Pano kung bigla na lang ako umalis ng walang paalam. Mapapatawad mo ba ako?"
Natahimik ako at nag-isip. Hindi ko napigilan ang matawa.
"Anong klaseng tanong 'yan Carlo." Tumigil na ako sa pagtawa ng marealize kong seryoso si Carlo.
"I'm serious Kylie."
Hinawakan ko ang kamay ni Carlo at marahang pinisil.
"Ano nga ba.. at first magagalit ako sa'yo. Sino ba naman ang gustong maiwan ng walang kahit paalam muna. Kahit sino naman magagalit di ba pero kung may mahalagang reason naman behind that hindi ako magagalit as long as valid ang reason ng taong gustong umalis na lang ng walang paalam." Titig na titig sa akin si Carlo...
"Bakit Carlo? May balak ka bang umalis ng hindi nagpapaalam sa akin?" Tanong ko pabalik.
Agad na umiling si Carlo at ngumiti.
"I'm not leaving you."
"Promise?"
"Promise.." He said and smile at me. Carlo hug me tight.
I'm so inlove with this Man. Kung dumating man ang araw na maghiwalay kami ni Carlo. Hindi ko na nakikita ang sariling sasaya pa sa ibang lalaki.
Nasubukan ko ng masaktan at ayoko ng maulit pa iyon.
May tumawag kay Carlo. Nagulat ako ng tumayo siya at lumayo ng kaonti sa akin.
"Hi, kylie. Right?" Umangat ako ng tingin sa taong nagsalita.
Tumayo ako at hinarap siya.
"Hello. Yes, I'm kylie.." I said.
Ngumiti si Valerie. "It's nice meeting you. I'm valerie, Carlo- i'm carlo's Friend." She said.
Hindi ko mapigilan mapataas ang kilay. May something talaga sa babaeng to. Hindi ko mawari kung ano. Basta hindi ko gusto ang nafefeel ko sa kaniya.
"Kayo na ba ni Carlo?" Tanong niya at naupo sa sofa.
Naupo ako sa single sofa. "Not yet.."
Sagot ko. Natigilan siya sa pagkuha ng drinks sa glass table.
"Oh really? Akala ko kayo na ng friend ko. Bakit hindi pa naging kayo?" Tanong niya ulit.
"Ah 'yun ba. Hindi pa ito ang tamang oras para maging kami ni Carlo and besides kahit hindi pa kami official ni Carlo basta alam namin na kaming dalawa ang para sa isa't-isa." Sagot ko ng nakangiti.
"Sigurado ka na ba na si Carlo na talaga ang lalaking para sa'yo?" Napapansin ko na parang may ibang pinapahiwatig si Valerie sa mga tinatanong niya sa akin.
"Ofcourse, Yes.."
Tumaas ang isang kilay ni Valerie at sumeryoso.
"Pano kung dumating ang araw na magsawa siya sa'yo at iwan ka niya. Tatanggapin mo ba?" Muling tanong ni Valerie.
Hindi ko na napigilan ang sariling matawa.
"Ang seryoso naman ng mga tanong mo. Isa lang ang sigurado ako Valerie. Kung hindi man kami ni Carlo ang para sa isa't-isa. Sino ba ako para hindi tanggapin kung ano man ang magiging resulta ng lahat ng ito. I choose Carlo because I love him. If one day he choose to leave me. I accept it, because if you really love someone you need to accept that one day iiwan ka din niya dahil hindi lahat nag-iistay ay habang buhay na. Babalik ka pa rin sa kung ano ang buhay mo nung hindi mo pa siya kilala at minahal." Mahabang paliwanang ko.
Nagulat ako ng biglang ngumiti si Valerie. "I like you na Kylie. 'Yan lang ang gusto kong marinig mula sa'yo."
"And one more thing Valerie. Carlo promise me na hindi niya ako iiwan. Panghahawakan ko iyon." Nawala ang pagkakangiti ni Valerie.
Bumalik na si Carlo at palipat-lipat ng tingin sa amin ni Valerie.
Tumayo ako at humalik sa pisngi ni Carlo. Humarap ako kay Valerie pagkatapos.
"I'm so bless to have Carlo in my life. Kung hindi dahil sa kaniya. Hindi ko mararanasan ang maging masaya. Right Carlo?" Baling ko kay Carlo.
Ngumiti sa akin si Carlo at humalik sa noo ko.
"I'm the one that should be proud and lucky to have you Kylie." Sagot ni Carlo.
Wala talagang palya itong si Carlo na pakiligin ako at patibukin ng mabilis ang puso ko.
Hinarap namin si Valerie. Gusto kong ipakita sa kaniya na walang makakasira sa amin ni Carlo.