CHAPTER TWENTY TWO - LIE'S AND JEALOUSY

1568 Words
Kylie POV Kanina pa ako naghihintay kay Carlo. Inaya niya ako mamasyal. Saktong sa bahay lang ako at walang masyadong gagawin kaya pumayag ako. Pasilip-silip ako sa suot kong wrist watch. Anong oras na pero wala pa din yung hinihintay ko. Kapag hindi pa nagpakita sa akin si Carlo. Ako na lang ang mag-isang pupunta sa mall.. Nang hindi ko na mahintay si Carlo. Nagdisisyon akong tawagan mga kaibigan ko. Sakto rin at hindi sila busy. Sinabi ko sa kanila na magkita-kita kami sa mall. Pagkarating ko sa mall. Nakita ko agad ang dalawa sa labas ng entrance. Kumaway ako sa kanila. May ngiti sa labing lumapit ako sa kanila. "Akala ko ba may date kayo ngayun ni Carlo." Sabi ni Jestine. "Ah 'yun ba. Tingin ko may ibang gagawin si Carlo kaya di siya nakipagkita sakin. Okay lang naman. Baka busy lang 'yung tao." Sagot ko. Ang totoo niyan ay disappointed ako. Ngayun lang kasi nangyari ito samin ni Carlo. Kapag kasi nangako sakin si Carlo. Hindi niya hahayaan na mapako iyon. Baka nga ay busy lang siya kaya di nakarating. Pumasok na kami sa mall. Halos lahat ng shop ay pinasukan namin. Tawang-tawa kami ni Jestine dahil halos hindi na makahinga ng maayos si Floyd sa kakahila namin sa kaniya. Naupo kami sa bench. Bumili kami ng ice cream. Kinuha ko ang phone sa bag. Laking gulat ko ng may missed call ako galing kay Red. Bakit kaya tumatawag pa rin siya sakin. May mahalaga ba siyang sasabihin sakin. Pinilig ko na lang ang ulo at nagfocus sa kinakain ko. Mabuti na lang at kasama ko ang mga kaibigan ko. Kahit papaano ay naibsan ang lungkot na nararamdaman ko. Matapos namin lantakan ang ice cream. Umalis na kami at naglakad-lakad. Napahinto si Jestine at ganun na lang ang panlalaki ng mata niya. Agad akong hinila ni Floyd. Tumingin kami sa glass wall ng resto kung saan masayang kumakain si Carlo at Valerie. "Kylie.." banggit ni Floyd sa pangalan ko. Ngumiti ako ng pilit sa kanila. "Umuwi na tayo jestine, floyd." Hindi sila umimik. Nauna na akong naglakad sa kanila. Kinuha ko ang phone at tinawagan si Carlo. Nagri-ring ang phone ni Carlo at sa huli in-end niya ang call. Napait akong napangiti. Well baka ayaw niya lang maistorbo sila ni Valerie. Umuwi ako sa bahay ng wala sa sarili. Pagod ang buong katawan ko. Pasalampak akong nahiga sa bed ko. Hindi ko mapigilan ang maluha. Kaya pala hindi siya sumipot dahil may iba siyang kasama. Siya pa naman ang nag-yaya sa akin tapos siya din pala ang hindi pupunta. Itinulog ko na lang ang pagod at sakit na nararamdaman ko. Nagising ako ng biglang nagring ang phone ko. Si Carlo ang tumatawag. Bumangon ako at wala sa mood na sinagot siya.. "Napatawag ka?" Tanong ko. "Kylie.. i'm sorry kung hindi ako nakapunta. Promise babawi ako sa'yo." Hindi nakapunta dahil busy kay valerie. "Saan ka ba nagpunta carlo?" Gusto ko marining mula sa kaniya ang totoo. Hindi umimik ang kabilang linya. Papatayin ko na sana ang tawag pero agad din siyang nagsalita. "May pinagawa lang sakin si Dad kaya hindi ako nakapunta. I'm sorry talaga kylie.." hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ni Carlo. Bakit kailangan niya pa magsinungaling. Maliwanag pa sa sikat ng araw na kasama niya kanina si Valerie. Bakit kailangan niya pang itago sakin ang totoo. Gusto ko sanang sabihin na nakita ko sila ni Valerie pero pinili ko na lang na itikom ang bibig. Hindi ko na hinayaan na gumawa pa ng maraming dahilan si Carlo dahil alam ko naman na magsisinungaling lang siya sa akin. Kinabukasan, maaga akong pumasok sa university. Agad na lumapit sakin si Floyd at Jestine. "Nag-usap na ba kayo ni Carlo?" Bungad na Tanong ni Jestine. Tinitigan ko siya at tumango. "Anong pinag-usapan niyo? Sinabi mo ba sa kaniya na nakita mo siya sa mall kahapon?" Umiling ako bilang sagot. Naupo kami at ang dalawa naman ay nasa harapan ko. Nagkatinginan si Floyd at Jestine. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayun. Para nga akong mababaliw sa kakaisip kung bakit ganun sa akin si Carlo. Lumapit sa amin si Carlo kasama ang mga kaibigan niya. May hawak siyang boquet. Tumingala ako ng mag-salita siya. "Kylie for you." Tumayo ako at tinitigan siya. Kinuha ko ang boquet at inilapag sa table. Nakatingin sila sa akin. Hinihintay ang susunod kong gagawin. "Thank you." Walang buhay kong sabi. Hinawakan ni Carlo ang kamay ko. Agad kong tinanggal ang mga kamay niya sa akin. Nagulat si Carlo pati na rin ang mga kaibigan namin dahil sa inasta ko. Alangan naman na makipagplastikan ako kahit na ang totoo ay naiinis at nagtatampo ako sa kaniya. Mas maganda na yung bokal ako sa nararamdaman ko. Kapag kasi hindi ko mailabas to. Para akong mababaliw. "Kylie.." banggit ni Carlo sa pangalan ko. Nilagpasan ko siya. Balak ko pumunta ng library. Nagulat ako ng hawakan ni Carlo ang kamay ko. Hinila niya ako at kinaladkad. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Wala naman akong magagawa kahit na umangal ako. Dinala niya ako sa PGH. Pagkarasa ng door. Hinarap niya ako. "Galit ka pa rin ba sakin Kylie?" Agad niyang tanong. "Anong gusto mong maramdaman ko Carlo? Dapat bang matuwa ako dahil yung lalaking nag-aya sakin hindi sumipot? Hindi ako ganung klaseng babae na magpapatawad na lang agad Carlo." Sagot ko. "I'm sorry Kylie." Nakikita ko na naguguilty siya pero hindi 'yun sapat para patawarin ko na lang siya. "Nakita kita Carlo kahapon. Kasama mo si Valerie. Umamin ka nga sa akin. May relasyon ba kayo?" Agad na tumutol si Carlo. "No, alam mo naman na ikaw ang mahal ko Kylie. Valerie is just my friend. I'm sorry kung nagsinungaling ako sa'yo. Yes, magkasama kami kahapon.. nakalimutan ko na pumayag ako na samahan siya magmall kahapon -" hindi ko na pinatapos ang sasabihn niya. "Kaya si Valerie ang sinamahan mo kasi may importante siya sa'yo." Mahihimigan ang lungkot sa binitawan kong salita. Ang sakit lang dahil akala ko, ako ang importante kay Carlo pero hindi pala. "That's not true. Ikaw pa din ang importante sakin Kylie dahil mahal kita." Umiling ako at hindi napigilang maluha. "Pareho nating alam na hindi Carlo. Huwag mo ng ipagpilitan pa. Alam mo mas mabuti pang tigilan na natin to. Hindi magwo-work ito kung ngayun palang nagsisinungaling ka na sa akin." Lumabas ako sa PGH. Iniwan ko na si Carlo. Hindi ko mapigilang mapaluha. Naabutan ako sa ganung tagpo ni Red. Lalagpasan ko sana siya ng biglang hinawakan niya ang kamay ko. Napatigil ako at napatingin sa kaniya. "What happened? Why are you crying?" He asked. Winaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. "I don't need to explain to you everything. Just leave me alone." Nagmamadali akong naglakad palayo. Ayokong kausapin sila. Pare-pareho lang silang nagsinungaling sakin. Hanggang sa nagstart ang class. Wala ako sa sarili. Walang gustong kumausap sakin. Kahit ang mga kaibigan ko. Hindi na nagtangkang magtanong sa akin kung anong problema ko. Pagkatapos ng class, hindi ko pinansin si Carlo kahit na hinihintay niya ako. "Kylie please mag-usap tayo." Pakiusap ni Carlo. "Leave me alone." Matigas kong sabi sa kaniya.. Lumapit samin si Valerie. "It's my fault. Patawarin mo na si Carlo, kylie. Kasalanan ko kung bakit sakin sumama si Carlo. Ang totoo nyan. He really wants to see you. Ayaw nga niyang sumama sana sakin dahil nga may plan kayo that day. Nakiusap lang ako since 'yun na ang last na magkikita at magkakasama kami ni Carlo. My family wants me to go back abroad. Kaya patawarin mo na si Carlo." Pakiusap ni Valerie. Tinitigan ko sila. Nakikita ko naman na sincere si Valerie sa mga sinasabi niya kaya mabilis niya akong napaniwala. "Fine, I forgive him." I said. Ayokong magtanim ng sama ng loob kay Carlo. May reason naman pala kung bakit sila magkasama. Ang masama kasi nagsinungaling sakin si Carlo na hindi niya dapat ginawa.. Natuwa si Valerie sa sinabi ko. Nagkatinginan sila ni Carlo. Nakikita kong masaya sila. Hinawakan agad ni Carlo ang Kamay ko. "Thank you Kylie." Hindi ako sumagot. Pinatawad ko si Carlo pero hindi ibig sabihin nun ay nakakalimot na ako.. Sumabay ako ng uwi kay Carlo. Tahimik naming binabaybay ang daan pauwi. "Kylie, ang tahimik mo." Pagbasag ng katahimikan ni Carlo. "Iniisip ko lang kung bakit nagsinungaling ka sa akin." Sagot ko. Agad na iginilid ni Carlo ang kotse at hinarap ako.. Tinitigan niya ako sa mata. Huminga siya ng malalim at nagsalita. "I'm sorry Kylie kung nagsinungaling ako sa'yo. Ayoko lang na magselos ka lalo pagnalaman mo na si Valerie ang kasama ko. Kahit na magkaibigan kami para sa ibang tao iba ang meaning at lalo na sa taong mahal ko. Alam kong makakaramdam ng selos." Marahang hinawakan ni Carlo ang kamay ko. "Patawarin mo na ako Please. I promise, hindi na mauulit to." He assure. "Totoo na ba 'yan." Tumango si Carlo at ngumiti.. "Smile ka na. Lalo kang gumaganda kapag nagsmile ka." Nahampas ko si Carlo. Hindi ko tuloy napigilan ang sariling matawa. "Nambobola ka na naman. Gusto mo lang takasan kasalanan mo sakin eh." Niyakap ako ni Carlo. "I love you Kylie." Himiwalay siya sakin at pinagdikit ang noo namin. Maya-maya lang ay bumaba ang labi niya at sinakop ang labi ko. Tumugon ako sa halik ni Carlo. Naniniwala ako na wala ng makakasira sa amin ni Carlo. Basta maniwala lang kami sa isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD