CHAPTER TWENTY THREE - PROMISE RING

1591 Words
PROMISE RING KYLIE POV Nagmamadaling lumabas ako ng house. Biglang tumawag si Carlo at gusto akong makita. Mula sa malayo, nakikita ko na ang nakatalikod na si Carlo. May ngiti sa labing naglakad ako papunta sa kaniya. Iba pa rin ang feeling kapag makakaharap mo ang lalaking mahal mo. Nandito pa rin yung excitement at hiya sa tuwing kasama ko si Carlo. Masayang-masaya ang puso ko kapag kasama ko siya palagi. Humarap sa akin si Carlo at mahigpit niya akong niyakap. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. "Biglaan naman ata ang pag punta mo dito." Ngumiti lang sa akin si Carlo. Hinawakan niya ang kamay ko. "I miss you kaya nagdecide ako na puntahan ka." Hindi ko mapigilan ang kiligin. "Ikaw talaga." Inaya ko sa loob ng bahay si Carlo. Sinabi ko sa kaniya na ipapakilala ko siya sa magulang ko. Hindi naman umangal si Carlo at gusto pa nga niya ang idea na ipakikilala ko siya sa magulang ko. Pinagmamasdan ko si Carlo. Mukha namang okay lang siya. Hindi ko nakikita na kinakabahan siya or what.. Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Mom, Dad. This is Carlo Tolentino." Pagpapakilala ko kay Carlo. Ngumiti si Mom. "Hello, Iho. Nice to meet you." "Nice to meet you din po Ma'am, Sir." May ngiti sa labing sagot ni Carlo. "Boyfriend mo ba siya anak?" Seryosong tanong ni Dad. Sasagot na sana ako ng pigilan ako ni Carlo at siya na ang sumagot sa tanong ni Dad. "Hindi pa po Sir and I want to formally introduce my self. Nililigawan ko po ang anak niyo. Bago po ako sagutin ni Kylie. Gusto ko po na hingin ang permisyo niyo. Kung papayagan niyo po ba ako sa buhay ng anak niyo." Matapang na pahayag ni Carlo sa magulang ko. Natahimik sandali si Dad at kalaunan ay ngumiti. "Hindi ka ba natatakot na ilayo ko sa'yo ang anak ko iho?" Tanong ni Dad. Agad na sumagot si Carlo sa tanong ng ama ko. "No, Sir. Alam ko po na mabuti kayong tayo dahil napalaki niyo ng mabuting tao si Kylie. Naniniwala ako na hindi niyo sasaktan ang nag-iisa niyong anak." Matapang na sagot ni Carlo. Bumilis ang t***k ng puso ko. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Carlo. Si Dad naman ay ngumisi kalaunan. "Hanga ako sa tapang mo Iho. Ang anak ko na ang bahala sa'yo dahil siya naman ang makakasama mo at hindi kami. Hindi ko kailangan na magparesko ka sa amin o magpakitang gilas. Ang mahalaga sa amin ng asawa ko ay makitang masaya ang anak ko. Hindi ko kailangan bantaan ka dahil simula ng makilala mo ang anak ko. Tahimik ang buhay niya. Kaya kung sakali man na may balak kang saktan ang anak ko. Isipin mong mabuti kung karapat-dapat bang saktan si Kylie." Pahayag ni Dad. Naluluhang ngumiti ako kay Dad. "Binibigay ko sa anak ko ang disisyon kung para sa kaniya ay kayo talaga ang para sa isa't-isa. Hindi kami tutol ng asawa ko. May tiwala kami kay Kylie na alam niya ang ginagawa niya." Dagdag pa ni Dad. I mouthed 'thank you dad' Nagtama ang paningin namin ni Carlo. Ngumiti kami sa isa't-isa. Mabuti na lang at walang ano mang pagtutol si Dad. Very supportive talaga siya pagdating sa akin. Never nakialam ng parents ko sa buhay pag-ibig ko. Hinahayaan nila akong gawin ang sa tingin ko ay tama. Never nila ako diniktahan sa dapat kong gawin. Lahat ginawa nila para sa akin na sobra kong pinagsasalamatan. Iniwan muna kami ng magulang ko. Dinala ko sa room ko si Carlo. Naupo siya sa gilid ng kama. "Hindi ka ba kinakabahan nung nakausap mo si Dad." Tanong ko. Umiling si Carlo. "Bakit ako kakabahan Kylie. May tiwala ako na kaya kong harapin ang magulang mo. Hindi ako natatakot na ilayo ka nila sa akin. Mabuti kang tao kaya alam kong ganun din ang magulang mo." Natawa ako ng bahagya. "Confident ka talaga sa kalalabasan neto." Ngumisi si Carlo at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa kaniya. Pinalibot niya ang magkabilang kamay sa bewang ko at niyakap ako. "Masaya ako na dumating ka sa buhay ko Kylie. Kaya kung sino man ang hahadlang sa atin. Gagawa ako ng paraan para magkasama lang tayo at walang iwanan." "Carlo, pano kung hindi tayo." Tumingala si Carlo at tinitigan ako sa mata. "Gagawa ako ng paraan para maging tayo." Sagot niya. "Pano kung ikaw ang mang-iwan." "Hindi iyon mangyayari kylie. Dahil simula ng makilala kita. Wala na akong ibang ginusto kundi ang maging akin ka." Seryosong saad ni Carlo. "Mahal mo ba talaga ako?" Tumayo si Carlo at hinawakan ang magkabilang kamay ko.. "Mahal na mahal kita kylie." Dumukwang siya para halikan ang labi ko.. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Gumalaw ang labi ni Carlo na siyang sinabayan ko. Nang halos mawalan kami ng hininga. Agad kaming lumayo sa isa't-isa. Hindi namin mapigilan ang ngumiti sa saya. Pinaalam sa akin ni Carlo na may pupuntahan lang kami. Nagpaalam ako sa magulang ko at pinayagan naman nila ako. Nagpunta kami sa Theme Park. Carlo decide na sa Ocean Park kami pumunta Habang namamasyal kami ni Carlo. Halos hindi niya binibitawan ang kamay ko. Pinagmamasdan namin ang mga iba't-ibang klaseng isda. Biglang nagsalita sa gilid ko si Carlo. "You know what, Para akong isda." Aniya. Naguguluhang tinitigan ko siya. "Bakit?" "Kasi kung walang ikaw. Hindi ako mabubuhay." Aniya habang nakangiti. Hindi ko mapigilan ang hampasin siya dahil sa pasimple niyang banat. "Tigilan mo nga ako Carlo. Yan ka na naman sa pasimple mong banat eh." Nag-rolled eyes ako para itago ang kilig na nararamdaman. Seryoso siyang tumitig sa akin. "I'm serious Kylie. Kaya dapat na huwag ka mawala sa buhay ko dahil hindi ko kakayanin." Hinaplos ko ang mukha ni Carlo. "Hindi ako mawawala. Kahit hilingin mo pa sa akin." Pinagdikit ni Carlo ang mga noo namin. Sabay kaming ngumiti sa isa't-isa. Hayst. Ang sarap talagang mahal. Lalo na't kasama mo ang taong mahal mo. Nang matapos naming libutin ang Ocean Park. Ang sunod naman naming pinuntahan ang TU. Hindi pa rin binibitawan ni Carlo ang kamay ko hanggang sa makarating kami ng PGH. Naupo kami sa sofa habang si Carlo naman ay nagpunta sa Kitchen at kumuha ng miryenda. Tumayo ako ng mabagot. Mula sa gilid, kinuha ko ang mga litrato nilang magkakaibigan. Bata palang ay magkakaibigan na si Ralph, Red at Carlo. Mas lalong naging solid ang pagkakaibigan nila ng dumating si Joshua, Allen, Daniel at Anthony. Ngayung nadagdagan ang grupo nila dahil sa Pinsan kong si Nathan. Mas lalong matunog ang Grupo nila na puro gwapo at matatalino. Hindi na iba sa akin na makakita na maraming nagkakagusto sa kanila. Lalong-lalo na kay Carlo. Hindi ako natatakot na may umagaw kay Carlo sa akin. Dahil alam kong hindi titingin sa iba si Carlo. Biglang dumating si Carlo, bumalik na ako sa sofa at tumabi naman siya sa akin. Masuyo niyang hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako ng biglang may inilabas siyang Ring at inilagay sa palasing-singan ko. Nagtatanong na tingin ang ipinukol ko sa kaniya. "Carlo.." Ngumiti si Carlo at hinawakan ang kamay ko. "Bagay sa'yo Kylie." Tanging na sabi na lang niya. "Para saan to Carlo?" Muling tanong ko. "This is a Promise Ring. Symbolize Purity and Nobility." Aniya. "I'm giving this to you as a sign that my love for you is Pure and Honest. Ikaw lang ang tanging mamahalin ko Kylie. So please don't ever remove this dahil sa Ring na'to. Binibigay ko sa'yo ang buong puso ko." Hindi ko mapigilan ang Maluha. "Thank you for loving me Carlo. Akala ko nga hindi na ako magiging masaya pagkatapos ng pinagdaanan ko pero dahil sa'yo. Nakuha ko ulit maging masaya. Thank you dahil dumating ka sa buhay ko. In Perfect and Right time." Ani ko habang naluluhang tinitigan siya. Sterling silver ring features 0.13 ct sapphire ang Sinuot na Ring sa akin ni Carlo.. Marahan kong hinaplos ang Ring na nakasuot sa akin. Matamis kong ningitian si Carlo. "Thank you for this. Iingatan ko to." May ngiti sa labing sabi ko. Biglang bumukas ang pinto. Nagulat kami ni Carlo ng biglang pumasok ang mga kaibigan namin.. "Oh bakit nandito kayo?" Takang tanong ni Allen. "Ako dapat ang magtatanong niyan sa inyo. Anong ginagawa niyo dito?" Napakamot ng ulo si Allen. "Naramdaman kasi namin na may something dito at hindi kami nagkamali." Sagot naman ni Daniel. Naningkit ang mata ni Carlo. Natawa ako dahil sa itsura niya. "Anong ibig mong sabihin daniel?" Iniwas ni Daniel ang usapan at napansin ang kamay ko.. "Teka, Yan yung Promise Ring na binili mo dati ah Carlo. Bakit suot ni Kylie." Ngumisi ang mga kaibigan ni Carlo at Binatukan isa-isa si Daniel. "Malamang nakapagdecide na si Carlo na si Kylie lang ang babaeng mamahalin niya." Sabi naman ni Anthony. Natawa na lang kami. "Pero seryoso Carlo, Sigurado ka na ba na si Kylie talaga ang babaeng para sa'yo?" Seryosong Sabi ni Ralph. Ngumiti sa akin si Carlo ng magtama ang aming paningin. "Sigurado na ako bro. Si Kylie lang naman ang babaeng hinihintay ko matagal na. Ngayung sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa kaniya. Bakit ko pa siya papakawalan." Pahayag niya sa mga kaibigan. Tinutukso kami ng mga kaibigan niya. Hindi ko mapigilan ang kiligin. Kaya dinaan ko na lang sa tawa. "Kung ganun, Let's Celebrate. Ilabas ang manok at alak. Maglalasing tayo buong magdamag hahaha." Malakas na sabi ni Daniel. Kaya naka tikim siya ulit ng hampas at bugbog sa mga kaibigan. Natatawa na lang ako sa kakulitan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD