LAST DAY KYLIE POV “Are you really sure about this iha?” Mom asked me. Marahan akong tumango at ngimiti sa kanila.. This is the last day na makikita ko ang mga taong naging parte ng buhay ko. Masaya man o hindi. Tinanggap ko na rin na wala ng Carlo ang babalik. Tanggap ko na rin na kinaibigan lang ako ni Jestine para mapalapit sa taong gusto niya. Kakalimutan ko na ang hindi magandang nangyari sa akin sa University na ito. Sana kung dumating man ang araw na magkrus ang landas namin ng mga taong ginusto akong saktan kaysa magstay sa akin. Gusto kong makalimutan ko na sila. Buong maghapon ay wala ako ni isang kinausap sa mga kaibigan ni Carlo. Hindi na rin naman sila nag-explain sa akin kung bakit umalis ng walang pasabi si Carlo. Kahit alam nila ang dahilan hindi ko kailangan m