KYLIE POV Kasama ko ngayun si Floyd. Inaya ko siya mag-coffee sa SamNiel's Cafe na pagmamay-ari ni Kuya Zack at Ate Sam. Matagal ko na silang kilala since maitayo ang business nilang ito. "Hindi pa rin ako makapaniwala Kylie. Kung hindi ko pa narinig kay Ayessa hindi ako maniniwala. All this time engage na sila Valerie at Carlo. Kaya pala iba yung closeness nilang Dalawa. Si Val ang magiging Mrs. Tolentino." Aniya. Hindi ko mapigilan ang malungkot. 'Mrs. Tolentino' Bigla na lang nagfa-flashback sa akin yung promise namin sa Retreat Center na kahit kailan hindi na mangyayari. "Iniiwasan mo pa rin ba si Nathan?" Marahan akong tumango. "I don't understand Kylie. Bakit nagagalit ka kay Nathan. He only wants you to be happy. Kung hahadlangan niya kayo ni Carlo. Do you think mapipigilan