Deserie ‘Andeng’ Salvacion Naging masaya ang in-arrange na dinner party namin ni tyler para sa aming pamilya at malalapit na kaibigan. This is the best thing we can do to thank them. Lalo na sa walang sawang suporta na binibigay nila sa amin. Nasa isang malaking lamesa kami. Kasama ang buong pamilya ni Tyler, pamilya ko, at ang pamilya Russo. Nandito rin ang pinaka importanteng kaibigan namin na silang dahilan kung bakit muling nagkaroon ng pagkakataon ang aming relasyon. “Malaki ang pasasalamat ko sa katigasan ng ulo ni Jayana para pilitin ako na muling magpakita kay Tyler.” I raise my goblet, “Everyone!” agaw atensyon ko sa kanila. “Saying my gratitude for each and everyone of you is not enough. I’m so blessed to have all of you here, especially to the Russo Family.” I smiled and look