Tyler Vasquez I received a text message from Ram and Kendric. ‘They are throwing a bachelor party for me. Kakaiba nga naman sila dahil noong sila ang kinasal ay wala naman ganitong ganap.’ I’m not in favour of the idea but Deserie convinced me. Hindi lang kasi kaming mga lalaki ang may party kundi pati rin ang mga girls. “Saan ba gaganapin ang party niyo?” tanong ko kay Des. On the way na kami sa bahay ni Kendric dahil doon ang usapan ng meet-up venue namin. “Wala akong idea! Basta niyaya nila ako, ‘yun!” “Iba ang pakiramdam ko ngayon!” tugon ko. Kakabigin ko sana pabalik ang manibela ngunit narinig ko na kaagad ang kanyang boses na galit. “Ang KJ mo naman, Tyler! Pwede ba, mag enjoy-enjoy naman tayo!” Tinuro ang harapan, “Mag drive ka at bilisan mo na! Gusto ko rin sila makita!” “E