Rodolfo Romualdez Nakahinto ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada malapit sa Erie Restaurant. Tinatanaw at nagbabakasakali na makausap ang taong hinihintay ko. Nang makitang naglalakad siya ay pinaandar ko na ang kotse upang salubungin siya. “Ihahatid na kita!” sambit ko pagbaba ng bintana ng kotse. Palingon-lingon sa paligid bago sumakay ng kotse. “Alam mong delikado ang ginagawa mong ito, Rod!” Kaswal niyang tugon sa akin. Hindi ko ‘man lang maramdaman na concern siya sa tuwing sinusubukan ko na mag effort para sa kanya. Tumingin siya sa akin, “Ano pa ba ang kailangan mo? Nag-usap na tayo, ‘di ba?” Pinaandar ko ang kotse bago muli siyang lingunin, “Babe! Ilang linggo mo na akong tinitikis. Nung nagpunta ko sa inyo todo effort na nga ako para masuyo ang magulang mo! Pati ang Ate mo