NAKATAYO pa rin si Ella sa labas ng pintuan ng apartment na tinutuluyan nya. At nakatingin sa papalayong sasakyan nila Jaden. At doon ay parang automatikong nagsilabasan ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan.. Luhang dumudurog sa puso niya. Luhang nag sisilbing armas nya para maibsan yung sakit na nararamdaman nya. Bakit ang sakit naman? Napakasakit umasang mahal ka talaga ng lalaking nagpa ibig sayo at nagpadama na napakaespesyal mo sakanya? Napakatanga nga siguro niyang ng umasa siyang walang langit o lupa sakanila ni Jaden na handa itong bumaba sa langit na kinalalagyan nito para abutin lang sya at magkasama sila. Ngunit nakalimutan niyang manatili lang sa kung san siya bagay. Kaya tuloy iyon nang bitawan sya nito ay napakasakit ng pagka lagapak niya. "Huwag ka na nga umiyak!