HINDI mapakali si Ella sa bahay at panay ang silip sa labas ng apartment niya o kaya ay silip sa hawak niyang cellphone.
To: Jaden
Hey, are you okay? Text or call mo ako pag hindi ka na busy.. Nag aalala na ko sayo.
-Ella
Countless text and missed calls na ang nagawa ni Ella sa pag aalala kay Jaden pero still no response from him.
Naitanong na rin nya sa pamilya nito at malalapit na kaibigan kung nasaan ang binata but same answer for two weeks..
Nagpaalam lang ito sa mga magulang na may kailangang asikasuhin at huwag nang mag alala sakanya.
It's been two weeks since she last saw Jaden at miss na miss na nya ito. Nagtatampo sya sa binata dahil hindi man lang sya nito icontact o kaya ay sinabihan.
Pinipilit nyang intindihin ang sinabi ng pamilya nitong may kailangan daw itong asikasuhing importanteng bagay.
Hindi rin alam ng pamilya nito kung ano iyon kaya umaasa na lang syang baka maalala sya nito.
Wala naman siyang karapatan pang magalit dito o magdemand na malaman ang lahat dito dahil hindi pa naman sila.
Akala pa naman niya ay magtutuloy tuloy na ang masayang samahan nila ni Jaden. Dahil alam niya sa sariling mahal na niya ito.
Nakatutok si Ella sa trabaho niya ng pumasok si France sa office nila at nagtitiling nilapitan sya.
"Ella he's back! Boss is back! Dali!" Excited na sabi nito.
Agad siyang napaangat ng tingin sa kaibigan at abot abot na rin ang pinaghalong kaba at excitement na muling makita si Jaden kaya sinundan nya ang kaibigan patungo sa Resto.
Thank God he's okay!
Tila ang excitement at saya nya ay biglang naglaho ng makita niyang hindi lang pala ito ang naroon.
Kasama nito ang isang napakagandang babae. She stood up with so much sophistication at nakahilig sa braso ni Jaden na nakangiti.
"Hello, nice to meet you all. I'm Aria Olivar, Jaden's Girlfriend." She proudly said and kissed him in front of those people including her.
Napasinghap silang lahat at ang karamihan ay napatingin sakanya.
Jaden's Girlfriend..
Jaden's Girlfriend..
Jaden's Girlfriend...
Ilang ulit na nagreply sa isip ni Ella ang nakita.. Her heart crushed into million pieces dahil lang sa mga salitang iyon
Bakit ganon? Dati sya yung ipinagmamalaki nitong liligawan sa harapan mismo rin ng mga taong ito but now there is someone out here claiming her right to him. And slapping to her face that she's nothing to him.
Hindi nya na kaya ang nakikita. All eyes are at her with so much pity.. At ayaw nya ng ganoon, she fakes her smile and walks out.
"Ella wait!" Sigaw ni France at hinabol ang dalaga..
NARINIG ni Jaden ang pagtawag ni France kay Ella and then cursed!
Sh*t si Ella. Bigla niyang naalala ang dalaga at akmang hahabulin at magpapaliwanag dito ng pigilan sya ni Aria.
"Jaden where are you going?"
"I'll just talk to someone.. just stay in my office." He said ngunit hindi pa rin nito binibitawan ang braso niya.
"Stay here first, please? You promise me you will help me? Please Jaden.. Stay." Nagmamakaawang sabi nito.
Yes, he promised. Kahit na ang magpapanggap na syang kasintahan nito para sa kaligtasan nito.
Nalaman niyang Aria has an obsessive ex boyfriend at masyado na ang pagka-obssesed nito kaya nagpakalayo layo na ang dalaga para hindi matunton nito.
In two weeks ay iniayos niya ang lawsuit at temporary restraining order sa lalaki upang mas mapanatag si Aria. Masyado kasi ang trauma na naexperience nito.
At sa loob din ng dalawang linggo na nakasama nya ang dating kasintahan ay hindi sya nakaramdam ng galit mula rito.
Bagkus ay awa. He saw how miserable she is dahil she suffers from severe trauma sa stalker nito. Creepy notes, photos of her, at napaparanoid ito sa tuwing mag iisa na lang ang dalaga.
Maybe she is strong and fierce outside but she is very fragile. At kahit nasaktan sya nito ay hindi naman niya kayang pabayaan ang dalaga, so he decided to agree with her na magpanggap na kasintahan nito hanggang hindi nahuhuli ang stalker nito.
Ngunit ang isipin lang na masasaktan nya si Ella ay gusto nyang umatras. God knows kung paano niya tinikis ang kagustuhang sagutin ang mga text at tawag nito.
But he also wants to secure her safety at baka madamay ito, because their enemy is powerful at baka idamay nito si Ella.
Hindi nya alam if matutuwang nasasaktan ito dahil sa kaalamang may girlfriend na sya at ibig niyong sabihin ay mahal na rin sya nito.
Pero sino bang matinong lalaki ang gustong masaktan ang babaeng mahal nya?
Kaya masakit para sakanya ay titiisin nya yun to make sure she is safe.
KINAGABIHAN uwian na ng lahat gusto man niyang kausapin ang dalaga ay hindi nya ata kayang harapin ito.
Wala siyang mukhang ihaharap sa dalaga kahit gustong gusto niyang yakapin ito sa sobrang pagkamiss niya dito.
Sumakay na silang dalawa ni Aria sa kotse nya at pauwi sa condong tinutuluyan nila. Yes same roof but separate rooms.
"Wait, Jaden its Miss Fernandez right? Isakay na natin sya." Sambit sakanya ni Aria.
At doon ay nakita nyang si Ella nga ito at naglalakad patungo sa apartment nito. Nagsalubong ang kilay nya. At humito sa dalaga.
Bakit hindi ito humanap ng kasabay? Paano kung mapahamak nanaman sya sa daan? Does she think about herself!
"Hi Ella, ihatid ka na namin sa bahay mo. Baka mapano ka pa sa daan it's late na.." Si Aria ang nakipagusap dito.
Nakita niyang napagawi ang mata niya rito at may kung ano sa puso nya ang lumukso. Peke itong ngumiti bago sumagot.
"Hindi na po Maam, malapit na lang po yung tinutuluyan ko. Salamat nalang po." Magalang na sagot nito.
"No, dapat nag iingat ka. Sakay ka na at ihahatid ka namin." Pamimilit ni Aria.
"Ayos lang po talaga --"
"Sumakay kana lang." Putol ni Jaden sa sinasabi nito.
Hindi naman niya sinasadyang mabahiran ng konting inis ang pagkakasabi nya dito. Naiinis kasi siyang mas inuuna pa yung pride nya kaysa sa safety nito.
"Jaden." Aria warned. At binalingan si Ella na walang nagawa kundi ang sumakay na lang at pumuwesto sa backseat.
"Sorry sa kasungitan nya ha? Moody talaga yan. " Aria chuckled.
"Ayos lang po Maam." Pilit na ngiti ang ibinigay ni Ella rito.
She's silent and very casual since kaning umaga. Alam naman niya kung bakit at mukhang ganoon din ang lahat base sa pagtingin ng mga empleyado nya sakanya at tingin ng pagkaawa naman dito.
Kaya nga mas lalo siyang natatakot at nahihiyang kausapin ito. Wala syang mukhang maiharap dito.
"How's your work at Casa?" Tanong ni Aria, trying to create conversation.
"Okay naman po Maam."
"You're too formal Ella.. You can call me Aria. Drop that Maam please? I'm not a teacher." She chuckled.
"Pero G-girlfriend po kayo ng Boss ko.. kaya dapat pong igalang ko kayo." Casual lang ang pagkakasabi ni Ella doon ngunit tila sinampal sya ni Ella sa sinabi nito.
"No need.. I'm just her boss but not everyone in Casa. Kaya itreat nyo ko just as friends." Nakangiting sabi ni Aria. Pinilit naman ni Ella ang ngumiti dito.
"Sige po."
Tahimik lang na nakikinig si Jaden sa usapan ng dalawa hanggang sa makarating sila sa apartment ni Ella.
"Salamat po sa paghatid." Muli isang tipid na ngiti ang ibinigay nito sa kanila bago pumasok sa apartment.
Jaden sighed. She was too close, yet so far. Parang hindi ito ang Ella at tila ibang tao na.. na minahal nya na sobrang ingay at daldal sa harap ng lahat.
"She's pretty and looks so kind.. I like her." Nakangiting sabi ni Aria sakanya ng maihatid na nila si Ella.
Tumingin naman siya sa side mirror upang tignan pa ng ilang segundo ang dalaga.
"She is.." and I love her.. but I need to sacrifice her..
I'm really sorry Ella.. I will explain to you, once everything is fine.
===
©Miss Elie