8

1784 Words
WHEN you are happy hindi mo mapapansin ang oras.. Yung tipong ang mga araw, linggo at buwan parang nagsisilbing minuto nalang sa bilis dumaan? That's what Ella felt when Jaden is around. Masaya siyang kasama ito at alam niyang napamahal na sakaniya ang binata. Sa loob ng anim na buwan na panliligaw nito ay hindi nagbago ang pakikitungo sakanya nito. Consistent ang sweetness at pag aalaga sakanya. Sinong babae ba ang hindi mahuhulog sa charm at sweetness nito? Samahan pa ng palagi sya nitong tinatratong espesyal na babae sa paningin nya. Kaya nga kahit nangungulila sya sa pamilyang hindi nakasama noong pasko ay hindi sya gaano nalungkot dahil kasama nya ito at ang pamilya nitong mainit pa rin ang pagtanggap sakanya. Kaya naman napagpasyahan nilang dalawa na uuwi siya sa bagong taon at kasama ito para pormal na makilala ang pamilya nya. And that's Ella signal na sagutin na ang binata kapag aprubado ng pamilya nya. Kaya naman hindi mapigilan ni Ella ang maexcite habang hinahanda ang gamit niyang pang tatlong araw pabalik sa probinsya nila bukas ng umaga para doon mag celebrate ng bagong taon. Natawagan na rin nya ang binata na magprepare na din ng mga gamit nya at gaya nya ay excited din ito. KINABUKASAN maagang nakaabang si Ella sa pagdating ni Jaden papunta sa Airline na pagmamay ari ng pinsan nito. Dahil punuan at madaming aberya sa mga bus stations dahil nagsisiuwian din ang karamihan sa mga probinsya ay naisipang ni Jaden na mag eroplano nalang silang dalawa para sa Ilocos na sila magsisimulang magbyahe papuntang Abra at pumayag naman ang pinsan nitong si Derick Castroverde na may ari ng Castroverde Airlines na siyang mismong maghahatid sa kanila. "Grabe ganda namang Airport nato. Walang wala sa NAIA ah? May ganito pala ka high tech na Airport sa Pilipinas?" Hindi maiwasang mapahanga ni Ella sa Airport dahil napaka moderno nito. "Yes.. Private Airport ito na tanging mga private personalities at sikat na mga tao lang ang pinapayagan.. And if may iba man, mga mayayaman lang mahal kasi." Paliwanag ni Jaden habang naglalakad sila papunta boarding area. Hindi maiwasan ni Ella ang maglilikot nyang mata para suriin ang lugar.. Glass walls, hightech na mga gamit at amazing building! Sinalubong sila ng ilang staffs at iginaya sa sasakyan nila at mula doon ay natanawan nya ang mga magagarang jets, eroplano at hellicopter na may nakatatak na Castroverde Airlines. "Wow. Just wow!" Hindi napigilang bulalas ni Ella. "Hello there!" Masiglang bati ni Derick Castroverde sa dalawa. "Bro.. Thanks for this." Jaden said at niyakap ang pinsan nito. "Magkamag anak tayo Bro. And you know na malakas samin si Tita Jianne. And just make sure mapasagot mo na sya bago pa maagaw ng iba." Derick said to him grinning. Hindi naman naiwasan ang pamumula ng mukha ni Ella sa usapan ng mga to. "Sana nga bro." sagot ni Jaden sabay kindat sa dalaga bago inalalayan papunta sa private plane na sasakyan nila. Matapos ang ilang oras na byahe at nakalapag na sila sa Vigan Airport at doon iniwanan si Derick upang bumalik sa Manila. At dahil walang kotseng dala ang binata ay pinilit itong sumakay ni Ella sa Bus at sumunod sa jeep. Hindi naman nagreklamo ang binata at sumakay na rin na hawak ang kamay nya. Nasa sakayan sila at nag aabang na mapuno ang sasakyan halatang naiinitan ang binata dahil sa tagaktak na pawis nito. Kinuha ni Ella ang panyong gamit nya at ipinunas sa pawis ni Jaden. Jaden smiled at her and mouthed 'thank you.' Dahil punuan ang jeep may nakatabi si Ella na mamang balbas sarado. Naningkit ang mata ni Jaden at inakbayan sya para magkaroon ng konting distansya sa katabing lalaki nito. "Bakit? Mas lalo kang maiinitan nyan.. Siksikan pa naman." Ella said. May kalahating oras pa ang byahe papunta sa barangay nila at isang sakay pa ulit bago makarating sa mismong bahay nila. "Ang lapit mo kasi sakanya." He whispered to her ear. "Baliw ka talaga malamang siksikan dito sa jeep." Sagot nya kahit sa loob loob nya ay kinikilig sya sa pagka possesive nito. "Basta gusto ko sakin lang." Seryosong sabi nito na hindi nya alam kung isa nanaman ba iyon sa mga banat nito. Imbis na sumagot ay nginitian nya lang ito at pinisil ang ilong nito gaya ng madalas nyang gawin kapag nacucute-tan nya si Jaden. Matapos ang byahe nila sa jeep ay sumakay naman sila sa tricycle at hinatid sila sa bahay. Jaden keeps on telling na ang dami daw niyang first-time sa araw na to. And that made her smile dahil naexperience nya ito kasama sya. "Ate Ella!" Sigaw ni Jessa na nakakabatang kapatid nya sa ama. "Jessa! Miss ka ni ate.." She said at niyakap ito. Lumabas din ang isa pa nyang kapatid na lalaki kasama ang Nanay Cecil nya kasama ang Ama niya. Mahigpit niyang niyakap ang bawat isa at sobrang saya nya na nakasama ang mga itong muli. "Namiss ko po kayong lahat! Namiss ko dito.." "Kami din anak. Kita mo ikaw ang laki ng ginanda mo sa Maynila.. " sagot ng Nanay Cecil nya. "Nay naman, maganda naman talaga ako ahh." "Oo na ate. Sino nga pala yang kasama mo? Boyfriend mo te?" Usisa ni Jessa. "Ay ou nga pala! Family heto si Jaden.. Boss ko, at .. Ahm--" hindi masabi ni Ella dahil bigla syang nahiya. "Jaden po Mam, Sir.. Magandang araw po. Manliligaw po nya ako." Ito na mismo ang nagpakilala sa sarili. "Ui! Si ate nahiya! Ano naman kung manliligaw mo sya? Kaloka ka! Alam na namin yun! Ibig lang non sabihin sasagutin mo sya kase pinayagan mo! Ayiiee si ate dalaga na sya!" Pang aasar ni Jonel na kapatid nyang lalaki este binabae pala. "Jonel! " saway nya. "It's Jonah! By the way pogi sya te hah? Yuminess ever!" Natitiling sabi pa nito, at nakita nyang napangiwi si Jaden dito. "Tama na nga yan Jonel! Pwede naman sigurong pumasok tayo sa bahay no? Napagod kaya kami sa byahe." Singgit ni Ella. Natutuwa si Jaden na makilala ang pamilya ni Ella. Kaya naman pala ganoon ito ka hyper at kasaya parati dahil namana nya ito sa pamilya nya. Simple lang silang pamilya ngunit napakasaya. Masaya naman ang pamilya nya, pero iba pala talaga kapag marami.. Namiss nya tuloy ang kapatid nya sa klase ng bonding ng mga ito. Simula kasi ng magkapamilya ito ay napakadalang na nilang makita at makasama. Kung titignan ang pamilya nila Ella ay napakasaya niyon. Alam nyang half siblings lang nya ang mga ito pero buong buo ang pagtanggap ng mga ito sa isa't isa. Well, he can also relate to that. Kasi kapag kapatid mo dapat tanggap at mahal mo sya kalahating kapatid mo man iyon o hindi. Hindi nya ni minsan naisip o naituring na half sister nya si Ate Denise nya. For him mahal nya ito at kapatid nya ito. Madalas man sila mag asaran ay mahal na mahal nya ito. Nang makatapos makapananghalian ang lahat ay patuloy siyang kinuwentuhan ng Ama ng dalaga habang si Ella ay nasa kusina at tinutulungan ang mga kapatid nitong maglinis. "Alam mo Jaden, mabait na bata yang si Ella. Hindi ako kahit kelan binigyan ng sakit sa ulo nyan.. Kaya mahal na mahal ko yun." Tumango tango sya habang nakikinig dito. "At alam kong mahal ka rin nyan.. Kasi alam naming hindi sya magpapaligaw kung walang pag asa. Ayaw kasi ng bata na yan na mag paasa. Masakit daw, tama nga naman iho diba?" Tumango sya bilang pagsagot dito at napangiti din sa sinabi nito. "Saka kahit madaming gustong lumigaw dyan noon hindi nya pinapayagan.. Masayahing bata at marunong makisama pero pag nangulit na niligawan sya nako susungitan nya yun hanggang magsawa na yung manliligaw. " natatawang sabi ni Mang Danny. "Mabuti po at hindi ako nasungitan." Pagbibiro niya. "Kaya nga ikaw.. Alagaan mo ang anak ko. Naniniwala ako sa desisyon ng anak ko.. Kaya kung tinanggap ka nya, tanggap ka rin namin. Mamahalin namin ang mahal ng anak ko." Sabi nito at tinapik ang balikat niya. "Makakaasa po kayo Tito.. aalagaan ko po si Ella." Pangako niya. It is an unexplainable feeling on his side to hear those words.. na kahit hindi pa sya gaanong kilala ng pamilya nito ay pinagkatiwalaan na sya.. trust is very important to him, dahil once they trust you parang they believe in you no matter what. Hanggang sa nakauwi sila ay masaya silang dalawa at dahil nakabonding nya ang pamilya nito na naging masaya maski sa simpleng buhay nila. Napaka peaceful, na tila bawat araw ay walang problema.. at doon nya mas lalong hinangaan ang dalaga sa pagka simple at totoo nito at higit sa lahat ay yung sincere love nito sa pamilya nila. On the other hand, Ella is excited and nervous dahil nasabi nya sa sarili nya na hindi matatapos ang araw na ito ng hindi nya nasasagot si Jaden.. Jaden proves her love to her by showing a lot of effort sa kanya at isa na nga lang sa sign nya ay ang matanggap din ito ng pamilya nya, and he got his father's blessings. Kaya hindi nya mapigilan ang mangiti sa magiging reaksyon nito sa sasabihin nyaa kapag nasa apartment na sila. "I enjoy that trip." Nakangiting sambit ni Jaden ng nasa tapat na sila ng apartment "Ako rin.. grabe ilang oras palang pero miss ko na agad sila." Natatawang sabi nya. "Ganon talaga kapag mahal mo.. kahit saglit lang na hindi nakikita mamimiss mo na. Kita mo mamaya pag nakauwi na ko mamimiss na kita." Malokong sabi nito sabay kindat sakanya. She laugh, Yes it is.. kung pwedi nga lang nya ibulsa ang binata sa tuwing namimiss nya ito ay ginawa na nya. "Ahm.. Jaden thank you.. and I---" hindi na naipagpatuloy ni Ella ang sasabihin ng biglang magring ang phone ni Jaden at sinagot iyon.. "Excuse lang baka importante." Paalam nito at tumango sya. Epal naman non. Saisip isip nya. "Hello, who's this?" pormal na sagot ni Jaden sa kausap. "Jaden, it's me Aria.. I'm here in the airport wala ako kasama.. I'm scared. May pinagtataguan ako, I really need your help can you pick me up? please.." nagmamakaawang sambit ng nasa kabilang linya. "Okay stay, and wait for me there." Then he ended the call. After several years ay hindi pa rin maiwasan ni Jaden ang mag alala sa dating nobya. Kaya nagpaalam sya kay Ella at mabilis na pinaharurot ang sasakyan papunta sa kinaroroonan ng dalaga. Nakatingin lamang si Ella sa papalayong kotse ni Jaden, naghihinayang na pumasok sya sa bahay at pilit kinumbinsi ang sarili na magiging maayos din ang lahat.. Sayang naman.. but it's okay may bukas pa naman! She cheered herself. ==== -Miss Elie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD